“ANO ba ang dapat kong suotin mamaya? Puwede na ba ang formal dress?” biglang tanong ko nang maalala ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko pa naire-ready ang damit na susuotin ko mamaya dahil nitong mga nakaraang araw ay abala ako sa trabaho.
“Huwag mo nang problemahin 'yon, ako na ang bahala sa lahat,” tugon ni Curse dahilan para tingnan ko siya sa salamin na kaharap. Sa salamin kami nagpalitan ng tingin dahil hindi ako makaharap sa kanya.
Hindi ko na siya tinugon pa at hindi na muling gumalaw pa sa kinauupuan para hindi maistorbo ang taong nag-aayos ng buhok ko. Mukhang inayos na naman niya ang lahat ng kakailanganin ko.
Matapos i-treatment ang buhok ko ay pina-manicure at pedicure na rin niya ako. Nang lumabas naman kami ng salon ay saglit siyang nagpaalam sa akin para tawagan ang isang tao.
“Hello, Silent. I need a makeup artist tonight," sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Hindi siya nalalayo sa akin kaya rinig ko pa rin ang pakikipag-usap niya. “Huwag ka na magreklamo pa, may utang ka sa akin, remember? What? Busy ang secretary ko.”
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay abala pa rin sa kausap.
“Okay, thanks," huling sinabi niya sa kausap at ibinaba na ang phone niya. Itinago na niya ito sa bulsa at humarap na sa akin. “Nagugutom ka ba?”
Umiling ako at lumapit sa kanya. “Hindi ko sinasadya pero narinig ko ‘yong pinag-usapan nyo ng kausap mo... Uhm, hindi ko naman kailangan ng makeup artist. Kaya kong make-up-an ang sarili ko. Araw-araw ko ‘yon ginagawa.”
Ngumiti siya sa sinabi ko at umiling. “Iba ang gabing ‘to. Gusto ko ikaw ang pinakamagandang babae sa event na ‘yon.”
“Well, I’m already beautiful,” biro ko.
He laughed. “Yeah, I know that.”
Nagsimula na muli kaming maglakad at muling nilibot ang mall.
Ngayong araw ay dapat hindi ko siya masasamahan dahil may pasok ako, tuwing Sunday pa ang araw kung kailan wala akong pasok. Pero nang may tinawagan siya ay biglang nag-text ang team leader ko sa akin at sinabing okay lang kung mag-day-off ako ngayong araw kahit hindi naman ito ang araw ng day-off ko. Nagtaka ako sa pangyayari ‘yon, pero kinalaunan ay naintindihan din. Si Curse ang may gawa niyon.
Napapaisip na tuloy ako kung gaano ba kataas ang estado ni Curse sa buhay kung kaya ay nakakaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng iba. Tulad na lang ng kaya niyang kumuha ng mga impormasyon sa tao, ngayon naman ay may koneksiyon din siya sa trabaho ko. May pakiramdam pa ako na ang mga ginagawa niya ngayon ay walang-wala sa mas kaya niya pang gawin.
Kumain kami ni Curse sa iba’t ibang kainan sa mall, at siyempre ay treat niya ‘yon. Matapos ng mga ‘yon ay binili niya pa ako ng kung ano-anong alahas na gagamitin ko raw mamayang gabi. At sa tuwing sinasabi ng sale's lady ang presyo ng mga napili niyang alahas ay nanlalaki na lang ang mga mata ko at napapasinghap. Parang ilang buwan ko nang sahod ‘yon, pero parang wala lang ‘yon kay Curse. Tila barya lang sa kanya 'yon.
Hindi pa siya nakuntento at binilan pa ako ng purse na saksakan ng mahal. Sinubukan kong tumanggi dahil sobra-sobra na ang binibili niya pero hindi siya nagpaawat, kaya sa huli ay siya pa rin ang nagwagi.
Nang sumapit na ang alas-kwatro ng hapon ay umalis na kami ng mall at dumeretso sa isang lugar. ‘Di na ako nagtanong kung saan ‘yon.
Hindi ko alam pero parang napakalaki kaagad ng tiwala ko kay Curse kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya. Magaan din ang loob ko sa kanya. Kaya siguro nagpapatangay ako sa kanya kahit saan niya ako dalhin.
Nang makarating sa isang apartment ay dinala ako ni Curse sa loob nito. Nang tuluyang makapasok sa loob nito ay nakita ko ang apat tao. Isang babae at tatlong naggagwapuhang lalaki. Ang isa roon ay ‘yong lalaking nakita ko nang gabing iyon, ‘yong driver niya.
“Hey,” bati ni Curse sa kanila nang makalapit kami. Nahihiya naman akong ngumiti sa apat.
“Siya ‘yon?” tanong ng isang lalaki at tumuon ang mga mata sa akin na tila pinag-aaralan niya ang mukha ko. “Okay, she’s pretty.”
“Okay, stop that,” awat ni Curse sa lalaki at humarap sa akin. “Aki, sila ang cousins ko...” Itinuro niya ang lalaking nagtanong ngayon lang. “This one is Chaos.” Saka niya itinuro ang lalaking driver niya ng gabing 'yon. “And he’s Castiel.”
Sumeryoso ang mukha ko nang ang katabi na ni Castiel ang ituro ni Curse. "And this is Silent."
“And lastly, this is your makeup artist,” biglang sabat ni Chaos at itinuro ang babae.
I smiled at them. “Hi, I’m Akira!”
Nakipagkamay sa akin si Chaos at Castiel, pati na rin ang makeup artist, pero si Silent ay hindi. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling pagkumparahin ang apat na lalaki sa harapan ko. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong si Curse ang pinakamagaan sa kanilang kausap. Ang pinakanakakatakot naman ay walang iba kundi si Silent.
Natigil ang pag-iisip kong ‘yon nang sabihin nilang aayusan na raw ako ng makeup artist. Pero bago ‘yon ay pumasok muna ako sa isang kwarto at naligo bago tuluyang inayusan. Umalis na rin si Curse at sinabing maghahanda na rin para sa event, ang tatlo naman niyang pinsan ay naiwan at dito na rin nagbihis. Mga naka-tuxedo na sila.
Ilang oras din ang itinagal sa pag-aayos sa akin. Pinong-pino kasi ang bawat pag-aayos sa akin ng makeup artist, masyadong pinapaganda. Kahit ang mga maliliit na detalye ay masyado niyang binibigyan ng pansin.
“We’re done!” anunsyo ng makeup artist habang malapad ang ngiti sa labi. Napatingin tuloy ako sa sarili ko sa salamin at halos lumuwa ang mga mata nang makita ang sarili.
Napapatitig ako sa suot kong royal blue dress. Bumagay sa akin ang simple pero eleganteng dress na ito na hanggang sa gitna ng hita ang haba pero pagdating sa likuran ay mas mahaba ang laylayan ng dress. Bahagya namang lantad ang balikat at dibdib ko dahil ang harapan nito ay mala-puso ang hugis.
“Thank you,” pagpapasalamat ko sa nag-ayos sa akin.
“You’re welcome, Ma’am.”
Nawala ang atensiyon namin sa isa’t isa nang makarinig kami ng katok sa pinto.
“Are you done? We need to go now.” Boses ‘yon ni Chaos. Nasa labas ng kwarto.
“Yes, Sir Chaos. We’re done. She’s ready to go na,” mabilis na tugon ng makeup artist.
Dahil doon ay nagbukas na ang pinto at iniluwal nito si Chaos. Saglit niya akong pinasadahan ng tingin bago nagsalita.
“Let’s go, nasa kotse na si Silent at Castiel, hinihintay tayo.”
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad na palabas.
Gaya ng sinabi niya ay nasa kotse na si Silent at Castiel. Sumakay na kami ni Chaos sa kotse at tinabihan niya ang pinsan sa driver’s seat habang ako ay nasa backseat katabi si Castiel na nginitian pa ako nang makasakay ako.
“Uhm, can I ask? Nasaan si Curse?” nahihiya kong tanong sa kanilang tatlo nang nasa kalagitnaan na kami byahe.
“Nandoon na sa party,” tipid na sagot ni Silent.
Hindi na ako muling nagsalita o nagtanong pa dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kanya. Sa kanilang apat magpipinsan, kay Silent ako naiilang.
BUONG byahe ay tahimik lang kaming apat. Minsan ay nag-uusap sila, pero saglit lang at titigil na. Ganoon sila mga kaseryosong tao dahilan para mas lalong hindi ako magsalita.
Napatingin ako sa dinadaanan namin nang pumasok ang kotse sa isang pribadong village. Ilang saglit pa ay tumigil na ang kotse sa harapan ng isang napakalaking bahay, o dapat kong sabihin ay parang mansiyon?
“We’re here,” anunsyo ni Chaos. Pero nanatili kaming apat sa loob ng kotse. Walang gumalaw ni isa sa amin. Mga mukhang walang planong bumaba ng sasakyan.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo habang bakas na sa mukha ko ang pagtataka. “Hindi pa ba tayo papasok sa loob?”
Umiling si Castiel na nasa tabi ko. “Not yet. Curse wants a grand entrance for you.”
Naguluhan ako sa sinabi niya, si Chaos naman ay natawa.
“He wants to be the star tonight.” Chaos said and he shook his head. Kahit si Silent ay umiling na lang din.
Inalis ko na ang ang tingin sa kanila dahil wala naman akong maintindihan sa pag-uusap nila. Sila lang magpinsan ang nagkakaintindihan.
Ilang saglit pa kaming nanatili sa kotse bago kami may narinig na nagri-ring na phone. Dali-daling sinagot ‘yon ni Chaos na phone niya pala.
“Hello, yes, we’re already here," sabi niya sa kausap niya at sa hula ko ay si Curse 'yon.
“What? What did you do? Tang’na ka! You really want to be the star tonight? Alam mo bang mangyayari after nito?”
Nangunot ang noo ko nang mapansin kong mukhang nagulat si Chaos, pati nga ang atensiyon ni Silent at Castiel ay naagaw ni Chaos.
Napabuga si Chaos ng marahas na hininga. “Okay, fine. Dadalhin na namin siya riyan!”
Ibinaba na niya ang phone niya at tumingin sa akin. Bigla ay napalunok ako.
“Let’s go inside,” aniya at bumaba na sila ng kotse. Pinagbuksan pa ako ni Castiel ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Masyado kasing mataas ang heels ko pero kaya ko naman ito, sanay naman ako sa matataas na heels.
Nagpatuloy na kaming apat sa paglalakad patungo sa malaking bahay na nasa harapan namin. At habang papalapit kami nang papalapit dito ay mas nadadagdagan ang kaba ko.
Tumigil na kami sa harapan ng dalawang malaking pinto.
“Are you ready?” Chaos asked.
“Yeah?” hindi ko siguradong sagot. Dahil sa inaakto nilang tatlo ay mas kinakabahan tuloy ako. Nagtataka ako sa naging usapan nila ni Curse.
“Okay, if you say so," aniya at nagkibit-balikat. “Ayusin mo ang sarili mo. Papasok na tayo.”
Tumango ako at huminga ng malalim. Itinuwid ko ang tayo ko at tumingin ng deretso sa harapan. Kahit ang ekspresiyon sa mukha ko ay biglang naging seryoso.
Nagtungo sina Chaos at Castiel sa magkabilaang gilid ko at pareho nilang hinawakan ang seruda ng magkabilaang pinto. Si Silent naman ay nanatili sa tabi ko at pinanood lang ang dalawa niyang pinsan.
"Let the show begins," ani Castiel na ngayon ag may ngisi na sa labi. Ilang segundo pa ang lumipas ay sabay sila ni Chaos na binuksan ang malaking pinto.
Nang tuluyang magbukas ang pinto ay agad akong nasilaw nang sumalubong sa akin ang sunod-sunod na flash ng camera. Bahagyang nangunot ang noo ko sa nangyayari. Hindi ko inaasahan na may ganitong sasalubong sa akin.
“Go inside, lapitan mo si Curse,” halos pabulong na sabi ni Chaos.
Tumingin ako sa kanya at tumango. Nagsimula na akong maglakad papasok kahit sa totoo lang ay gulong-gulo na ako sa nangyayari, lalo na sa mga flash ng camera.
Sa dulo ng nilalakaran ko ay nakikita ko roon si Curse at may kasamang dalawang babae. Ang isa ay medyo matanda na pero hindi mo mahahalata dahil sa ganda pa rin nitong taglay at ang isa naman ay mukhang kasing edad ko lang.
Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong halos lahat sila ay nakatingin sa akin at nagkakaroon pa ng bulungan, sa paligid naman ay panay pa rin ang pag-flash ng camera dahilan para makaramdam ako ng ilang.
Binalewala ko na lang ang mga tingin na 'yon at hindi na nagpaapekto. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at huminto lang nang makarating na sa harapan ni Curse.
Ngumiti siya at dali-daling nilapitan ako. Bahagya pa akong nagulat nang halikan niya ako sa pisngi.
“Galingan mo ang pag-arte mo,” mabilis niyang bulong nang lumapit ang mukha niya sa akin para halikan ako sa pisngi.
Naguguluhan man, hindi na muna ako nagtanong at itinuon na lang ang tingin sa dalawang babaeng nasa harapan namin. Nagtaka ako nang mapansing ang sama ng tingin sa akin ng matandang babae.
“Mama, she’s Akira,” pagpapakilala sa akin ni Curse kasabay ng pagpulupot ng braso niya sa baywang ko mula sa likuran at hinatak papalapit sa kanya. “And she’s the reason kung bakit hindi ko pwedeng pakasalan si Yanna.”
Natigilan ako sa narinig at bumaling ang tingin kay Curse. Anong sabi niya?
“You know this can’t be, Curse! Nakaplano na ang kasal nyo ni Yanna, mahiya ka naman sa pamilya niya!” anang matandang babae.
Bumaling ang tingin ko sa harapan at napalunok nang makita ko ang nakakamatay nilang tingin sa akin. Oh s**t. Mukhang napasok yata ako sa malaking gulo nang hindi ko man lang alam.
Ang isang babae naman na parang kasing-edaran ko lang ay nagsisimula nang umiyak. “How... How can you do this to me, Curse? Akala ko ay maayos na tayo. You agreed to marry me!”
Inis na napailing si Curse. “I didn’t. Si Mama at ikaw ang nag-agree sa gusto nyong mangyari, Yanna. I already told you before, I don’t love you and I don’t wanna marry you.”
She cried even more because of that.
Natigilan ako nang bumaling ang tingin sa akin ng mama ni Curse. Wala sa sariling napalunok ako sa kaba. Tila ay parang bigla ko na lang gustong tumakbo palayo para matakasan ang gulong ito. Ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga paa dala ng gulat.
“You... who are you? Anong meron sa ‘yo at ipinaglalaban ka sa akin ng anak ko? This is the first time na sinuway niya ako!” Halata ang galit sa boses niya.
Parang mangangatog ako sa takot sa mama ni Curse. Sunod-sunod akong lumunok bago nahanap ang sariling boses.
“I’m... I’m Akira Levesque, Madam,” kinakabahan kong pagpapakilala sa sarili.
She looked at me from head to toe. “Levesque... hindi pamilyar sa akin ang apelyido mo. Where did you come from? Galing ka ba sa mayamang pamilya?”
Nag-aalinlangan, umiling ako. “No, Madam.”
Nabakasan ng pandidiri ang mukha niya at muling ibinalik na ang tingin sa anak. Pareho nilang pinupukol ng masamang tingin ang isa’t isa.
“Ganito ba ang klaseng babae ang ipapalit mo sa akin, Curse? She’s poor! What if, pera lang pala ang habol niya sa ‘yo?” biglang sabat ng tinatawag nilang Yanna na nagpapantig ng tainga ko.
Naging matalim ang tingin ko sa babaeng 'yon na bahagya niyang ikinatigil. Hindi ko hahayaan ang sinabi niya. Hindi niya ako puwedeng husgahan!
“Watch your words,” nagbabantang sambit ko.
“What? Are you threatening me?” hamon niya.
I arched my brow. "Why? Are you scared?"
Nag-apoy ang mga mata niya sa galit nang marinig ang sinabi kong 'yon. “You!” Akmang susugurin niya ako nang mabilis na iniharang ni Curse ang sarili pagitan nanin ni Yanna.
“Stop!” nanggagalaiti sigaw ni Curse na dumagundong sa buong paligid. Halata namang natakot sa kanya si Yanna, pati ang mama niya. “My decision is final. I won’t marry Yanna. So please, respect my decision. At kung magpapakasal man ako, kay Akira lang. Wala nang iba pa.” Hinawakan na niya ang kamay ko at ipinagsaklop ito. “We’re leaving.” And he pulled me to leave this place.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ay muli naming narinig na nagsalita ang mama ni Curse.
“You’re going to regret this, my beloved son. Pareho kayo ni Silent, pareho nyong dinumihan ang pangalan ng mga Montealegre!”
Buong akala ko ay papakinggan ni Curse ang sinabi ng ina, ngunit ipinagpatuloy lang niya ang paghila sa akin at hindi man lang nilingon ang ina. Ako naman ay walang magawa kundi ang magpatangay sa kanya habang hindi ko maalis ang tingin sa kanya.
What did just happen?