Chapter 6 - Media

1859 Words

"GAGO ka!" inis kong sabi kay Curse at binawi ang kamay kong hawak niya. Matalim ang tingin na pinukol ko sa kanya nang huminto rin siya sa paglalakad. Ngayon ay nasa gilid na kami ng kalsada. Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Curse nang harapin ako. "I'll explain everything to you later, please? Huwag muna tayong magtalo." "Later? Ngayon na mismo!" asik ko. Ngayong tuluyan na akong nakabawi mula sa pagkabigla sa nangyari ay namumuo na sa akin ang inis. He tricked me! He used me! "Gusto mong dito tayo mag-usap habang pinapalibutan ng media?" balik niyang tanong sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, pero nang may marinig na ingay mula kung saan ay nawala kay Curse ang tingin ko at napunta sa gate ng malaking bahay. Namilog ang mga mata ko nang mula roon ay makita ko ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD