HUMALUKIPKIP ako at itinuon ang tingin sa lalaking nakaupo sa sofa na nasa harapan ko. Masama ang pinupukol ko sa kanyang tingin ngunit tila hindi man lang siya apektado sa mga 'yon. Prente siyang nakaupo sa sofa habang iginagala ang tingin sa paligid, pinag-aaralan ang disenyo ng bahay. Nang peke akong umubo para makuha ang atensiyon niya, sa wakas ay tumingin na rin siya sa akin. Pero ang loko, nagawa pang ngumiti sa kabila ng nakakatakot kong mukha! "I like your house," aniya. Hindi ko tinugon ang sinabi niyang 'yon at mahina lang na suminghal. Nang makita ang reaksiyon ko ay umiling siya. "Ang aga-aga, bad mood ka kaagad." Sarkastiko akong ngumiti nang marinig ang sinabi niyang 'yon. "Sa tingin mo, bakit ako nagkakaganito?" Nang walang makuhang tugon mula sa kanya ay muli akong na