"NAGSESELOS siya sa 'yo, kaya naman ay iniiwasan kita sa mga nagdaang araw, Aaron," dagdag ko sa kasinungalingan.
Nagsukatan kami ng tingin ng lalaking pinakilala kong boyfriend ko sa harapan ni Aaron, pero ni pangalan nito ay hindi ko alam.
Paano na lang kung tanungin ni Aaron ang pangalan ng lalaking 'to? Bahala na. Gagawa na lang siguro ako ng pekeng pangalan. Ang emportante ay hindi ako ilaglag ng estrangherong lalaking ito kay Aaron. Kapag nangyari 'yon, hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kaibigan.
Nang magbalik ako ng atensiyon sa kaibigan ay bakas na ang gulat sa pagmumukha nito, tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Oh, ganoon ba?" sambit ni Aaron nang tila makabawi na mula sa gulat. Ibinaling niya ang tingin sa lalaking hawak ko pa rin ang braso hanggang ngayon. "Hi, I'm Aaron. I'm Akira's bestfriend. Magkaibigan lang kaming dalawa, kaya wala kang dapat na ikaselos sa amin."
Pasimple kong pinisil ang braso ng lalaking ito na hawak-hawak ko. Sana ay makuha niya ang ibig kong sabihin.
Bumaling muna ang tingin nito sa akin bago muling ibinalik ang tingin kay Aaron.
"Wala akong paki kung sino ka o ano ka niya," seryosong sabi niya at binawi na ang braso sa akin. And then, he turned his back on us.
Ginamit ko ang pagkakataon na ginawa ng lalaking ito para makalayo kay Aaron. Sinundan ko ang estrangherong lalaki habang patuloy siyang tinatawag na "babe". Pero kulang na lang ay murahin ko na si Aaron nang sundan na naman niya ako hanggang sa makarating na kami sa labas ng mall.
Mas binilisan ko ang paghabol ko sa estrangherong lalaki nang mapansing malapit na siya sa gilid ng kalsada. Nang malapit na siyang maabutan ay huhulihin ko sana ang braso niya ngunit natigilan nang mapansing may kotse ang tumigil malapit sa puwesto namin.
Mula sa kotse ay bumaba roon ang isang makalaglag panga na lalaki. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at wala sa sariling napatitig sa lalaking nagmula sa kotse. Nakatutok lang doon ang atensiyon ko kaya't pati ang pagdating ni Aaron sa tabi ko ay hindi ko nabigyan ng pansin.
Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaking driver ng kotse nang bumaling ang mga mata niya sa amin ng estrangherong lalaking tinawag kong babe dahilan para tumingin din sa akin ang pekeng boyfriend ko.
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-iling niya saka muli nang ibinalik ang tingin sa lalaking bagong dating. Sinenyasan na niya itong pumasok na ng kotse na ginawa naman nito.
Bigla akong nataranta at naibalik sa katinuan nang makitang binuksan na ng estrangherong lalaki ang pinto sa backseat.
"Wait!" pigil ko sa kanya. "Are you really going to leave me here... with him?" Diinin ko talaga ang pagkakasabi ng huling salita.
Tumigil siya sa akmang pagpasok at muling bumaling ang tingin sa akin. Naging palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Aaron na tahimik lang bago nagbuga ng malalim na hininga.
"Get in, babe," tamad niyang sabi.
Kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi niya. Namalayan ko na lang ang sariling sumakay sa kotse ng estrangherong lalaking ito, saka siya sumakay at tumabi sa akin. Isinarado na niya ang pinto at nagsimula nang umandar ang kotse.
Binalingan ko ng tingin si Aaron kung saan ko ito iniwan, naroroon pa rin ito at nakatayo habang pinapanood ang paglayo ng kotse na kinasasakyan ko. Napabuntong-hininga ako at nakaramdam ng guilt dahil sa ginawa ko sa kaibigan.
Wala naman siyang kasalanan. Dapat ay hindi ko ito ginagawa sa kanya. But this is for myself. I need to distance myself from him... I need to let him go.
Nang mapansin kong nakalayo na ang kotse mula sa mall ay nagsalita ako.
"Please, stop the car."
Nagkatinginan ang driver at lalaking nasa tabi ko sa rear mirror ng kotse bago sinunod ng driver ang sinabi ko. Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Hinarap ko na ang lalaking nasa tabi ko.
"Thanks for your help," seryoso kong sabi.
Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bumaba na, nagmamadali sa takot na baka hindi na ako makababa ng kotseng ito. Kahit na tinulungan ako ng lalaking ito ay hindi ko pa rin siya kilala kaya dapat ay hindi ko pa rin siya pagkatiwalaan.
Isasarado ko na sana ang pinto ng kotse nang magsalita ang lalaking nasa backseat. Ang lalaking pinagpanggap kong boyfriend sa harapan ni Aaron.
"You're welcome, but..."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at hinintay ang iba niya pang sasabihin.
"Wala nang libre ngayon sa mundo," pagtatapos niya sa sinasabi.
Naguluhan ako nang marinig 'yon.
"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ko at akmang kukunin na ang wallet sa bag ko nang muli na naman siyang magsalita.
"Sa tingin mo, kailangan ko ng pera?" Sarcasm is visible in his voice.
Napatitig ako sa kanya, and he's right! Mukhang hindi nga niya kailangan ang pera ko dahil base sa itsura niya, sa pananamit niya, at sa mga mamahaling bagay sa katawan niya tulad ng relo ay mayaman siyang tao. Idagdag mo pa ang magarang na kotse na 'to!
Kung ganoon, ano ang gusto niyang kapalit?
Umayos ako ng tayo at seryosong tumingin sa kanya nang may iba akong maisip.
"Kung iniisip mong isa akong kaladkarin na babae, pwes nagkakamali ka. Kaya kung 'yon ang gusto mo—"
"Sa tingin mo, makakababa ka pa ba ng kotse ko kung gusto kitang pagsamantalahan?" he cut me off.
Dumilim ang pagmumukha ko sa sinabi niya. Ang gulo ng lalaking 'to! Pero hindi ko rin maitatangging tama siya. Hindi ko naisip 'yon dahil sa pagkataranta ko nang dahil sa kanya.
"Kung ganoon, anong gusto mong kapalit?" mahinahon ko nang tanong.
A smile formed on his lips. "I'll tell you next time."
Bahagyang umawang ang bibig ko.
"And when that time comes, be ready. Mahal akong maningil sa taong may mga utang sa akin," he added.
Isinara ko ang bibig at saka siya inirapan. "Okay, whatever!" sagot ko na lang at tuluyan nang isinarado ang pinto ng kotse.
Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kotse at tinatahak na ang daan patungo sa sakayan ng jeep habang ang isip ko ay naglalaro pa rin sa sinabi ng estrangherong lalaking 'yon.
As if naman na magkikita pa kami muli! Ni hindi nga niya alam ang pangalan ko o saan ako nakatira, ganoon din ako sa kanya.
Ang tanga niya para maisip na magkikita pa muli kami.
"I'll tell you next time," panggagaya ko sa sinabi ng estrangherong lalaki at mahinang natawa. "Gwapo sana siya kaso may pagkatanga nga lang."