"ARE you sure about this?" Nang marinig ang tanong na 'yon ni Curse ay nailipat ang tingin ko sa aking harapan. Nasa harapan ko ngayon ang isang bahay na mula pa lang sa kinatatayuan ko ay kitang-kita na agad ang pagiging marangya at elegante nito. Sa loob nito ay naghihintay sa amin ni Curse ang ina niya. Nang ibalik ko ang tingin kay Curse ay seryoso ko siyang pinagmasdan. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala para sa akin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa gagawin naming pagpapanggap. Nang una kong makita ang ina ni Curse sa engagement party niya, doon pa lang ay alam kong hindi na ito katulad ng anak niya na mabait. Masasabi kong may pagka-matapobre ang ginang at matalas ang dila. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-ano kung sakaling makaharap ko na ito. Pero kahit na gan