TULALA pa rin ako at tila wala sa sarili nang makalabas na kami ni Curse sa bahay nila. Nang matapos ang pakikipag-usap sa ina niya, mabilis siyang nagpaalam na aalis na. Mukhang nararamdaman niya ang kagustuhan kong umalis na agad sa lugar na 'yon. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya. Kanina ko pa rin nararamdaman ang titig niya sa akin. "Are you okay?" tanong niya. Kahit hindi ko pa sinasalubong ang tingin niya ay alam kong nag-aalala siya ngayon sa kalagayan ko. Nararamdaman ko 'yon sa boses niya. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Umiling ako bilang tugon sa kanya. Hindi ko malaman ang dapat na maramdaman dahil sa nalaman, pero sinusubukan kong pigilan muna ang sarili na magbigay ng reaksiyon dahil hindi pa naman ito kumpirmado. Pero hin