"SHIT." Iyon ang unang salita ang lumabas sa bibig ko nang imulat ko ang mga mata. Sinapo ko ang ulo nang maramdaman ko ang bahagyang p*******t nito. Nang mawala na ang sakit ay roon pa lang ako bumangon mula sa pagkakahiga. I sat on the top of the bed and roamed my eyes around the room. Mula sa bintana ay nakita kong tirik na tirik na ang araw, mukhang magtatanghaling tapat na. Dahil sa natanto, mabilis akong umalis sa ibabaw ng sa kama. Ako ang nag-aasikaso ng almusal namin ni Curse, pero ngayong nagising ako ng tanghali, ano ang kakainin niya? Hindi ko natuloy ang akmang pagpasok ng banyo nang matigilan. Kumunot ang noo ko nang bigla ko na lang maalala kung ano ang nangyari kagabi. Namilog ang mga mata ko at bumakas sa mukha ko ang matinding hiya. Malinaw kong naaalala kung anong n