"KWARTO mo pala ang naka-lock na kwarto," usal ko habang nag-aagahan kaming dalawa ni Curse. Tanging tango lang ang itinugon niya sa akin. Hawak-hawak pa rin ang kubyertos, itinigil ko ang pagkain at tinitigan siya. "Hindi pa ba madumi 'yon? Noong naglinis kasi ako, hindi ko nalinis ang kwartong 'yon dahil nakasara." Tumigil din siya sa pagkain at bahagyang nakakunot ang noong sinalubong ang tingin ko sa kanya. "Hindi mo naman kailangang linisin ang bawat sulok ng bahay na 'to." "But it's my work, Curse." Pinagtaasan ko siya ng kilay nang mapansin ko ang paninitig niya sa akin. Alam ko ang totoo sa mga ginawa niya. Inalok niya akong maging caretaker ng bahay niya para may bahay akong matirahan. Na-a-appreciate ko ang ginawang 'yon ni Curse dahil sa kagustuhan niyang tulungan ako, pe