CHAPTER 3

1427 Words
Mabilis na lumipas ang oras. Natapos ang lahat ng klase nila Kane at Owen at ngayon ay mabagal naglalakad sa gilid ng daan pauwi ng bahay. “Uuwi muna ako sa amin para magbihis tapos pupuntahan kita sa inyo,” sabi ni Owen kay Kane. Marahang tumango-tango na lamang si Kane. Palagi silang sabay umuwi ni Owen since dalawang bahay lang naman ang pagitan ng kanilang mga tirahan. “Oo nga pala… sabihin mo kay Tita Belen na ipaghanda tayo ng makakain a,” napapangiting pakiusap pa ni Owen. “Gustong-gusto ko kasi ang luto niya. Ang sarap-sarap,” dugtong pa nito. “Wow ah! Maka-request ka naman diyan,” natatawang sabi ni Kane. Ngumiti lamang si Owen. Napailing-iling na lamang si Kane. Palibhasa ay welcome na welcome sa bahay nila kaya feeling nito parte na rin ng pamilya nila. Kunsabagay, ganu’n rin naman sila Owen kapag nasa bahay naman siya nito. --- Nasa loob ng kwarto ang mag-best friend. Kwarto ito ni Kane. Dahil dakilang OC si Kane ay sobrang linis ng kwarto nito, kabaligtaran ni Owen na ang g**o-g**o. Nakasalampak ang magkaibigan sa sahig, nakakalat sa harapan nila ang mga gamit nila sa pag-aaral. Marami silang assignments ngayong unang araw pa lamang ng klase. Medyo malaki ang kwarto ni Kane. Kumpleto naman sa gamit gaya ng kama, study table, may surplus tv din siya sa loob ng kwarto, cabinet na gawa sa kahoy, orasan na nakasabit sa pader at table lamp. Kulay puti at blue ang pader ng kwarto. Tatlo ang kwarto sa bahay nila at sa kanya ang pinakamalaki. Hindi naman mahirap at hindi rin naman mayaman sina Kane. Sakto lang ang pamumumuhay nila at hindi naman nahihirapan ang mga magulang niya dahil bukod sa nasa ibang bansa ang Papa niya na nagtatrabaho bilang truck driver na mas malaki ang sahod kumpara dito sa Pilipinas, only child lang din siya at siya lang ang ginagastusan bukod sa mga gastusin sa bahay. “Hay! Nakakainis naman ‘yung mga teacher natin! Ang dami nating assignments!” Naiinis na reklamo ni Owen na napakamot pa sa ulo nito ng madiin. Napangiti na lamang si Kane. Kung siya rin ay medyo naiinis dahil tiyak ay gagabihin sila nito dahil sa dami. Pamaya-maya ay napatigil ang dalawa sa ginagawa at napatingin sa pintuan ng kwarto na nagbukas. Napangiti si Owen nang pumasok si Aling Belen na may bitbit na tray kung saan nandoon ang pagkain. “Kumain na muna kayo para magising-gising,” mahinahong alok ni Aling Belen saka ngumiti. “Thanks Tita Belen,” natutuwang sabi ni Owen. Napangiti naman ang ginang. Inilapag nito sa sahig malapit sa magkaibigan ang tray. Naglalaman iyon ng sandwich at tubig. “Tita, wala kayong softdrinks?” tanong ni Owen. “Grabe ka Owen! Nakikikain ka na nga lang,” biro ni Kane na ikinanguso ni Owen. “Masama sa katawan ang sofdrinks, Anak,” sabi ni Aling Belen. “Oo nga,” sabi ni Kane na hindi mahilig sa inuming iyon. “Mas masarap lang kasing kasabay ng sandwich ang sofdrinks… saka pampagising din iyon, Tita.” Napangiti naman ang ina ni Kane sa sinabi ni Owen. “O siya… sige at ibibili kita-” “Ako na Ma ang bibili,” mabilis na wika ni Kane. Tiningnan nito si Owen. “Papahirapan mo pa si Mama,” nangingiting dugtong pa nito. “Hindi naman anak-” “Uy nagjo-joke lang ako,” sabi kaagad ni Owen. “Okay na ako sa tubig,” sabi pa nito saka uminom ng tubig matapos lunukin ang sandwich. “Ibibili na kita para wala ka ng reklamo,” sarcastic na sabi ni Kane. Napakamot naman sa ulo si Owen. “Oh sige na at maiwan ko na kayo diyan. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo,” bilin ni Aling Belen. “Sabay na ako sayo Ma na lumabas.” Humabol si Kane na mabilis na tumayo mula sa pagkaka-indian sit. Napatango-tango naman ang nanay niya. Tiningnan ni Kane si Owen. “Oy! Dyan ka lang at saka huwag mong hahalungkatin ang mga gamit ko,” mariing bilin ni Kane. “Oo na!” sagot na lamang ni Owen. Napangiti na lamang si Kane saka marahang umiling-iling. Sabay nang lumabas ng kwarto ang mag-ina at naiwan si Owen na lumalapang. --- Mag-isang naglalakad si Kane sa gilid ng daan papunta sa tindahan. Medyo malayo-layo rin iyon sa kanilang bahay. Gabi na pero dahil may mga ilaw sa paligid ay hindi naman madilim. ‘Yun nga lang ay wala ng masyadong taong naglalakad sa lugar nilang ito. Palibhasa ay medyo tago rin kasi sa mga tao na nagustuhan naman ng mga naninirahan dito dahil tahimik. Nayakap ni Kane ang sarili. Umihip ang may kalamigang hangin. Napreskuhan ang pakiramdam niya dahil doon. Ilang minutong lakaran pa ay nakarating na si Kane sa tindahan. Bumili siya ng isang boteng softdrinks. Dahil wala siyang dalang basyo ay binayaran na lamang niya ang deposito at ibabalik na lang ang bote sa next na pagbili niya. Muli nang naglalakad si Kane pauwi naman ng bahay dala ang malamig na bote ng softdrinks. Tiningnan niya ang kalangitan. Napangiti siya dahil palitaw na ang mga bituin sa kalangitan at kumikinang na. Napakagandang pagmasdan nito para sa kanya. Pamaya-maya ay tumingin naman si Kane sa paligid. Wala na talagang katao-tao pero hindi naman siya natatakot. Hanggang sa mangunot ang noo ni Kane. May nakita siyang mabagal na naglalakad sa kabilang gilid ng daan. Mas tinutukan niya iyon nang tingin sa hindi niya malamang kadahilanan. Kung pagbabasehan ang bulto ng katawan at tangkad nito, masasabi ni Kane na lalaki ito. Hindi pa niya maaninag ang mukha dahil medyo malayo rin sa kanya. Hanggang sa manlaki na lamang ang mga mata ni Kane. Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha dahil nang matapat sa street light ang lalaki, nakita na niya ang mukha nito. “Yale?” tanong niya sa sarili. Maraming tanong na nabuo sa isip niya gaya ng dito rin ba ito nakatira sa lugar nila? Saan dito? Since birth kasi ay nakatira na siya rito pati na rin si Owen pero hindi nila ito nakita dito. Huminto sa paglalakad si Kane. Nakasunod ang tingin kay Yale na mukha na namang wala sa mundo ang atensyon dahil nakatingin lamang ito sa nilalakaran. Napansin ni Kane na nakasuot pa ng uniporme si Yale. Ibig sabihin ay ngayon lamang ito uuwi kung dito nga sa lugar nila ang tirahan nito. Pero dito nga ba talaga ito nakatira o may pupuntahan lang? Napakibit-balikat na lamang si Kane. Nang malayo na si Yale ay saka na siya umiwas nang tingin dito at muling naglakad, bitbit ang pagtataka sa kung anong ginagawa ni Yale sa lugar nila. --- “May bago ba tayong kapitbahay?” pagtatanong ni Kane kay Owen. Magkasama na muli sila sa loob ng kwarto. Tumigil sa pag-inom ng softdrinks si Owen. Nangunot ang noo nito. “At bakit mo naman ‘yan natanong?” nagtatakang tanong ni Owen. “Wala lang. Sagutin mo na lang ang tanong ko,” may pagkainis na wika ni Kane. “Hmmm… sa pagkakaalam ko nabanggit sa akin ni Mama na merong lumipat nu’ng isang araw. Malapit iyon sa tindahan ni Aling Simang. Hindi ko nga lang kilala,” sabi ni Owen. Napaisip si Kane. Galing siya roon at sa tabi nga ng bahay at tindahan ni Aling Simang, may malaking bahay doon na sa pagkakaalam niya ay inalisan na ng umuupa. ‘Ibig sabihin… bagong lipat sila doon?’ tanong ni Kane sa isipan. Hindi siya makapaniwala. “Oy! Okay ka lang ba?” patanong na wika ni Owen kay Kane. “Lumabas ka lang pero mukhang nahipan ka ng masamang hangin diyan,” natatawang sabi pa nito. Tiningnan ni Kane si Owen. “Okay lang ako,” sagot ni Kane at maliit na ngumiti. Gusto sana niyang sabihin kay Owen na nakita niya si Yale dito sa lugar nila kaso binawi niya dahil baka bigla itong magwala dito sa loob dahil sa kilig. Mahirap na at baka magulo pa ang mga gamit sa kwarto niya. Napanguso na lamang si Owen at muli itong uminom ng softdrinks. ‘Saka ko na lang siguro sasabihin,’ isip-isip ni Kane. Hindi talaga makapaniwala si Kane na nasa iisang lugar lang pala sila ng lalaking kanina pa hindi maalis sa isipan niya. ‘Pero… doon nga ba talaga siya nakatira?’ Muling napaisip si Kane. Siguradong may bagong lipat pero ang hindi pa siya sigurado ay kung sila Yale nga iyon. ‘Hay! Ewan!’ sa isip-isip pa niya. Nagkibit-balikat na lamang siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD