"Kumusta sya lolo?tanong ni Alexander
"Sa ngayon, okay na sya apo pero hindi natin alam paano bukas. Mukhang hindi biro ang pinagdaanan nya. Hayop talaga ang Montefalka na un! Jacob, paki-arrange na ang pagalis natin, mas makakabuti na sa ibang bansa na natin ipagamot ang dalaga"
"Masusunod po Don" tugon nito
"Lolo, can I see her kahit saglit lang" paalam ni ALexander
"Sige apo but be careful para hindi sya magising okay?
Agad namang tinahak ng binata ang silid kung nasaan ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang pagod ngunit nangingibabaw parin ang taglay nitong kagandahan. Maingat na hinaplos ng binata ang mukha ng dalaga. Pagkaawa at galit ang nararamdaman nya ng makita ang pasa at sugat sa katawan nito.
" I swear that I will protect you for the rest of my life" bulong nito sa sarili at iniwan na ang dalaga na payapang natutulog.
Paglabas ng pintuan ay agad naman nyang nasalubong ang Don na sya rin ang pakay
" Apo, let's talk in my office" at agad naman nilang tinungo ang silid
" Pinaimbestigahan ko ang dalaga at nalaman ko na galing pala ito sa probinsya. Sumama sa kanyang nobyo sa pagaakala na tutulungan itong makaahon sa kahirapan but the asshole was a member of the syndicate and sell the poor girl. Her name is Amanda Dela Cruz, anak ng magsasaka. Nagutos na ako sa isa nating tauhan na pumunta sa tinitirhan nila upang mailipat at mapaalam na nasa mabuting kalagayan ang anak nila" at tuluyan ng nalaglag ang luha ng matanda
" Lolo..." ang tanging nabigkas ng binata
"That's monster! Ilang buhay pa ang sisirain nya!" galit na galit nitong turan. " I want to kill him myself para mapagbayaran nya ang lahat ng ginawa nya sa pamilya natin pero alam kong hindi matutuwa ang lola mo"
"I understand you Lolo, even I feel the same way" pagalo nito sa Don. "Magpahinga na muna tayo Lolo, masyado ng mahaba ang gabi para sa atin"
"Mabuti pa nga Alex. Let's take a rest"