CHAPTER 12

480 Words
Pagkahatid sa Doctor ay agad na tinawagan ni Alexander si Jacob. "Jacob, anong sitwasyon dyan" "Sir, nahuli na namin si Montelfalka at kasalukuyang papunta na sa headquarters "Wait for me, I'm on my way" at agad na binaba ang tawag. Pinaharurot nito ang sasakyan.Hindi naman sya nabigo dahil agad nitong narating ang kinaroroonan nila Jacob. "Sir, nasa loob po sya kasama sila colonel." ngunit tila walang narinig ang binata at agad na pinasok ang silid kung nasan ang lalaking kinamumuhian nya. Pagkakita nito sa lalaki ay agad na inundayan nya ito ng suntok dahilan upang matumba ang upuan nito "ALexander, huminahon ka! " awat ng colonel sa kanya "How could I ninong? Napakahayop ng taong yan!" at muli nanamang sinuntok ang lalaking nakahandusay sa sahig" sapilitang pagaawat ang ginawa nila at pilit na nilabas si Alexander. "I told you to calm down Alexander! Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hindi ito ang tamang paraan!" madiing saway ng colonel sa kanya "That man is a devil! He doesn't deserve to live! Kulang pa ang buhay nya sa ginawa nya sa pamilya namin, kay Lola at ngayon naman" bigla itong natigil sa sasabihin "I know Jacob. I was there when your Lolo meet your Lola. Nakita ko lahat at kung paano nya pinatay ang lola mo. Kung ako masusunod ay tinapos ko na agad ang buhay nya pero hindi iyon tama. Trust me, ako ng bahala sa kanya. Jacob, ihatid mo na si Alexander at magpahinga na kayo. Kami ng bahala dito "Yes colonel. Sir, tara na po" At tinahak na ng dalawa ang daan pauwe. Samantalang sa mansyo naman ay tahimik na binabantayan ng Don ang dalaga na ngayon ay mahimbing na natutulog. Palabas na sana ito ng kwarto na makaring ito ng ungol mula sa dalaga. Agad nya itong nilapitan. Nakita nyang tila nahihirapan ito kaya ginising nya ito. "Wag po, parang awa ninyo na. Pakawalan ninyo po ako" bigkas nito habang umiiyak. Ang Don naman ay lalong nahabag sa dalaga. "Iha, gumising ka. Ligtas kana, hindi ka namin pababayaan" "Wag po! WAAAGGGGGG!!!! sigaw nito at biglang bangon sa higaan. Sakto namang dating nila Alexander ng marinig ang sigaw. Agad na tinungo ng binata ang silid. Pagpasok ay nakita nito ang kanyang Lolo na yakap ang dalaga at pilit na pinapakalma. Akmang lalapitan na sana nito ang dalawa ngunit bigla nanamang sumigaw ang dalaga "W-wag kang lalapit! Huhuhuhu" "Lumabas na muna kayo apo, ako na munang bahala dito" utos nito. Wala naman syang nagawa kundi sumunod. "Iha, mabubuting tao sila. Tahan na. Shhhhh" "Wala po akong pera, wala po kayong mapapala saken. Pakawalan ninyo na po ako" "Shhh.. Shhhh, tahan na iha. pagpapakalma nito sa dalaga. Maya maya ay muli itong nakatulog at dahan dahang inalalayan ng Don. Maingat upang hindi magising ang dalaga. Nang makita na may kapayapaan na sa mukha nito, ay dahan-dahan na itong lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD