EPISODE 14

489 Words
Maagang nagising ang mag lolo. Habang pinaguusapan ng dalawa ang mga plano nila at nakarinig sila ng malakas na sigaw at pagkabasag ng kung anuman sa kwarto ni Amanda. Dali dali naman tumakbo si Alex at kasunod ang kanyang Lolo. Habang papalapit at palakas ng palakas ang sigaw at iyak na naririnig nya. "What's happening Manang" tanong nito sa kanilang katiwala "Anak, hindi ko alam. Okay naman sya kanina kaya lang nung malaglag ang kubyertos ang bigla nalamang syang nagsisigaw" tugon ng kanilang katiwala nito. "Sige po Manang, ako na po ang bahala" Agad na nilapitan ni Alexander ang dalaga na nanginginig sa takot. Naalarma naman ito ng makita ang binata na papalapit sa kanya. "Wag kang lalapit. Parang awa mo na." umiiyak na pakiusap nito "Hindi kita sasaktan, andito ako para tulungan ka" pangaalo nito "Parang awa mo na, wala akong mabibigay sayo" pagpapatuloy na hagulgol nito. Ngunit bigla syang natigilan ng makita ang Don. Bigla itong tumayo at tumakbo sa matanda na ikinagulat ng dalawa " What's wrong iha? May msakit ba sayo? Nagugutom kaba?" mahinahong tanong ng matanda " Natatakot po ako. Gagahasain nya ako" " Shhh. Wag kang magalala, wala na sya. Andito kami para protektahan ka, shhh. Halika muna dun sa higaan mo" at inakay nito ang dalaga. " Alex, tawagan mo ang psychiatrist na titingin sa kanya" utos nito sa binata " Sige po Lolo" pagsunod nito Pagkaalis ng binata ay muli nitong kinausap ang dalaga. "Iha, anong pangalan mo at ilang taon kana? panimula nito " Ako po si A-amanda, Amanda Dela Cruz, labing walong taong gulang po." sagot nito " May mga maguang ka paba? Paano kang napadpdad dito sa Maynila? " O-opo, nasa probinsya po sila." ngunit di na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil bigla na lamang tong umiyak. " Shhh, pasensya kana sa tanong ko iha. Wag kang magalala, nasa mabuti kang kalagayan. Pupunta dito ang kaibigan kong doktor at kakausapin ka, okay? Maaari mong sabihin sa kanya ang iyong dinadala. Tahan na" pagaalo nito sa dalaga " Maraming salamat po" tugon ni Amanda " Dito po doktora. Lolo, she's here" agaw nito sa atnesyon ng Don " Amanda anak, andito na sya. Sa labas lamang kami ha? Wag kang matakot sa kanya, kaibigan mo sya" pagsisiguro nito "Opo, maraming salamat po ulit" "Doc, ikaw ng bahala sa kanya" "Sige po Don alejandro" Lumabas na ang dalawa at iniwang sila Amanda. Habang naghihintay, hindi maiwasan ni Alexander na magtanong sa Don; " Lolo, it seems na mas komportable sya sayo." bungad nito " Nagseselos ba ang apo ko saken? hahaha" biro nito " Lolo!" nakangusong sagot nito " Haha. Ikaw naman apo Alex, hindi kana mabiro. Maybe, naalala lang nya ang tatay nya saken kaya mas magaan ang loob nya. just give her time apo. Mago-open up din sya sayo" " Even na iwasan nya ako, I will still protect her at any cost." " That's my boy!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD