"Jacob!" sigaw ni Alexander. " Where is she?"
" Sir, naruon po. Umiiyak at panay sigaw po. May daplis din po sya ng bala" sagot nito. Agad namang tinungo ni Alexander ang kinaroonan ng dalaga. Kahit nakatakip ito ng manipis na tela ay damang dama nito ang takot sa dalaga. Sumisigaw ito at umiiyak,duguan ang braso. Hinawakan nito ang kamay na nanginginig at agad na hinila papuntang kotse. Dala siguro ng panghihina ay parang papel lang na hinila ito ng binata. Galit at matinding pagkamuhi ang naramadaman nito kay Montefala dahil sa itsura ng babae. Nang marating ang sasakyan ay niyakap nito ang dalaga at hinaplos ang ulo nito
"Calm down, you're safe now" bulong nito. Nagulat sya ng biglang bumagsak ang kamay nito.
"Hey, hey! natatarantang tawag ni Alexander
"What's wrong apo? tanong ng Don
"Lolo, she's not moving." bakas ang takot sa mukha nito
"Huminahon ka apo. Tanggalin mo ang telang nakatabon sa ulo nya para makita natin kung ano ang kalagayan nya" utos nito. Agad namang tinanggal ng binata ang tela ngunit sa pagkamangha ay natulala sya sa nasisilayang ganda ng dalagang walay malay. Ang Don naman ay tinawagan si Jacob upang ipaalam na didetso na sila sa mansyon at kitain nalang ang kumpadre. Agad na sinenyasan ang driver na paandarin ang sasakyan.
"Beautiful!" wala sa wisyong turan ni alexander
"Apo, alam kong namamangha ka pero save it for later. How is she?" pukaw ng Don
"I'm sorry. Hindi normal ang breathing nya Lolo. Tinalian ko narin ng tela ung braso nya." sagot nito
"Delfin, pakibilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Kailangang magamot agad natin ang dalaga" utos nito sa driver.
"Lolo, I made up my mind. I want to take this lady when we leave the country. And I will make sure na magbabayad ang Montefalka na yan sa kahayupang ginawa nya!" nagngangalit na bigkas nito
Tahimik lang na sumanayon ang Don habang tinititigan ang pobreng dalaga.
Bago pa makarating ng mansyon ay tumawag na ng doctor si Don Alejandro para magamot ang dalaga. Kaya ng makarating ay agad na dinala ito sa kwarto kung saan ito lalapatan ng gamot. Naging madali naman para sa doctor na gamutin ang dalaga dahil minor injuris lang ang tinamo nito.
"How was she Doc? agad na tanong ni alexander paglabas ng kwarto ng doktor
"She's fine now. Hindi ganung kalalim ang tama nito sa braso. May pasa ito sa bandang tyan at sa hita. Pero ang inaalala ko ay kung paano sya paggising nya. I will contact one of my friend na psychiatrist para sa therapy nya." paliwanag nito
"Salamat Doc" tugon ng Don
"'You're welcome Don Alejandro. Just call me if may mangyare ulit. Mauna na po ako" pagpapaalam nito.
"Ihahatid ko na po kayo" pahabol ni Alexander.
"Apo, call Jacob and Colonel about the situation" utos nito na tinanguan naman nito.