"Amanda!" sigaw ni tatay Pepe
"Nariyan na po tay" sagot ng labing walong taong gulang pa lang ng panahong yon na si Amanda. Agad na tinungo ng dalagita ang kanyang Ama upang tulungan ito sa mga bitbitin nya.
"Ang Inay mo? Kumusta na ang pakiramdam? tanong ng ama
"Maigi na po ang kanyang pakiramdam tay. Halika po ang kumain na kayo. Nakahain na po sa lamesa" aya ng anak
"Mabuti pa nga at akong nagugutom na" at tinungo na nila ang hapag
Si Amanda ay anak nila Pepe at Luring. Si Pepe ay magsasaka sa maliit ng bukirin katuwang ang kanyang maybahay na si Luring sa maliit na bayan sa Burgos. Payak ngunit masaya ang kanilang pamumuhay na bagaman minsan ay nawawalan ngunit kontento naman sa kanilang buhay. Pangarap ni Amanda na maiahon sa kahirapan ang kanyang ama't ina ngunit tutol ang mga ito na lumuwas sya ng Maynila dahil marami na silang ka-baryo na minalas ng lisanin ang lugar. Ngunit dahil narin sa biglang pagkakasakit ng maybahay nya ay napapayag narin ito sa desisyon ng dalaga na sumama sa kasinatan nito sa si Mike Salvador. Isang linggo na lamang bago ang nakatakdang pagalis ng dalawa kaya si Amanda ay todo ang pagaalaga at pagpapanatag ng kalooban ng kanyang mga magulang.
"Nay, kumusta na po ang iyong pakiramdam?" tanong ni Amanda sa Ina
"Mabuti-buti na ako anak. Kailangan mo parin bang umalis?" naluluha nitong tanong
"Opo nay, ayoko na po kayong mahirapan ni tatay kasi. Gusto ko naman pong maranasanan ninyo ang mabuhay na maalwan. Un po ang pangarap ko po para sa inyo"
"Hindi mo naman kailangang gawin un anak, ang magkasama sama tayo ng iyong itay ay sapat na sa aming dalawa"
Niyakap ni Amanda ang ina at tuluyan ng napaluha dahil narin sa maemosyong litanya nito. Masakit man sa kalooban ng dalaga ay nanindigan sya na luluwas ng Maynila dahil narin sa inalok ni Mike na trabaho roon. Si Mike Salavador, ang nasa middle class na pamilya sa bayan ng Burgos. Inalok nito si Amanda na sumama sa kanya sa Maynila upang doon subukan ang kanyang swerte. Maganda si Amanda, perpekto ang hubog ng katawan. Ay mukha nito at maliit na may singkit na mata, matangos na ilong at mapupulang labi kahit na walang kolorete. Halos lahat ng binata sa kanilang baryo ay gusto siyang mapangasawa ngunit wala pa sa isip ito ng dalaga. Saka na nya iisipin ito kapag naibigay na nya ang buhay na pangarap nya sa kanyang magulang.