CHAPTER 2

563 Words
Linggo ng umaga, araw ng alis ni Amanda. Habang nasa terminal ng bus ay walang humpay ang pagiyak ng mga magulang ni Amanda. "Inay, Itay, aalagaan ninyo palagi ang inyong sarili ha? Palagi po akong susulat sa inyo. Kapag kumikita na po ako sa Maynila at magpapadala po ako agad sa inyo. Mamimiss ko po kayo nay, tay,. mahal na mahal ko po kayo" paalam ng dalaga "Anak, magiingat ka. Palagi kang magdadasal sa Diyos ha? Mike, pakiingatan mo ang aming anak. Wag na wag mo syang papabayaan ha? "Opo itay, inay, makaksiguro po kayo na hindi ko pababayaan si Amanda at susunod na paguwe namin ay hihingin ko na po ang kamay nya sa inyo" pagsiguro ng binata sa magulang nya. At tuluyan na silang nagpaalam upang lumuwas pa-Maynila Habang nasa byahe ay hindi maiwasan ni Amanda ang kabahan at makaramdam ng tuwa. Makakasama nya sa iisang bubong ang lalaking nagpapatibok ng puso nya. Dahil nasa tamang edad na ay gustong ibigay ni Amanda ang kanyang sarili sa binata dahil para sa kanya ay ito na ang lalaking nais nyang makasama habang buhay. "Amanda" pagpukaw nito sa atensyon nya. "Matulog ka muna habang tayo ay nasa byahe" "Sige. Inaantok na rin ako" aniya "Humilig ka muna dito sa braso ko, pagtyagaaan mo muna ito habang nasa byahe tayo" pabirong sabi nito. "Haha. Ano kaba? Okay lang saken. Salamat pala Mike, hayaan mo may sorpresa ako sayo pagdating natin ng Maynila" nakangiti nyang tugon "Talaga? Mukhang maganda ang sorpresang iyan mahal ko" "Oo mahal ko, tiyak na matutuwa ka" at humilig na sya sa braso ng kanyang nobyo. Mahihinang tapik sa pisngi ang gumising sa dalaga. "Mahal, andito na tayo sa Maynila. Magayos kana para makapunta na tayo sa bahay na tutuluyan natin". bungad nito. Agad namang inayos ni Amanda ang bestida nyang halos umangat na dahil sa posisyon ng tulog nila.Pagkakababa ng bus ay agad na namangha si Amanda sa mga establisyemnetong natanaw. Napakilawanag ng Maynila at para sa probisyanang gaya nya ay isa itong napakagandang lugar para sa kanya. Ang nobyo naman ay natuwa sa reaksyon ng dalaga habang sila ay naglalakad papunta sa kanilang tutuluyan. Sumakay silang muli ng taxi papunta sa isang building sa Maynila. Nang makarating sa kwarto ay lalong namangha ang dalaga sa itsura nito. "Mahal, totoo bang dito ka nakatira? Napakaganda nito at napaka elegante." "Oo mahal, sa akin ang bahay na ito. Maligo kana muna, tiyak kong nanlalagkit kana dahil sa haba ng byahe natin. Naroon ang banyo" "Sige mabuti pa nga" at nangtungo na sya sa banyo upang maligo. Hanggang banyo ay hindi parin maiwasan ng dalaga ang mamangha. " Grabe, napakaganda dito. Para akong prinsesa sa bahay na to" ngunit napukaw ang atensyon nya dahil sa mga nakitang gamit sa loob ng banyo. May mga gamit ng babae ito. Naisip nya, kung kanino ito pero agad namang tinanggal sa isip. "Marahil para saken ito, inihanda lang ito ni Mike para sa pagdating ko" turan nya sa sarili. Nang matapos na syang maligo ay may narinig syang nagsasalita. Dala ng kuryosidad ay dahan dahan nyang binuksan ang pinto at nakita si Mike na may kausap sa telepono. "Oo kasama ko na. Bukas ko ihahatid sayo. Tiba tiba ka dito Boss panigurado. Oo naman, ni hindi ko nga sinubukang tikman eh kahit gustong gusto ko na.Hahaha. Opo, opo, bukas pupunta kami" sabay baba ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD