"Amanda, ituloy mo ang iyong buhay kahit wala na ako. Maraming tao ang nagmamahal sayo, andyan si Lorenza at ang mga apo ko na handa kang damayan." litanya ni Don Alejandro sa dalagang umiiyak sa kanyang higaan.
"Ayoko Don Alejandro, ikaw lang ang kailangan ko sa buhay ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama. Pakiusap, wag mo kong iiwan" umiiyak na turan ni Amanda
"Amanda anak, alam mo naman na isang babae lang ang minahal ko buong buhay ko, at nagpapasalamat ako na minahal mo ako ng higit sa pagmamahal na maibibigay ng isang anak. Pero gusto ko ng magpahinga at makasama ang akong minamahal na si Cecilia, ipagpatuloy mo ang buhay kahit wala na ako. Mahal kita anak at hangad ko na lumigaya ka"
At tuluyan ng nalagutan ng hininga ang matandang Don. Nagiyakan ang mga tao sa silid na un ngunit si Amanda ay natulala sa mga nangyare. Agad naman syang niyakap ni Lorenza upang patibayin ang loob. Nakatulalalng umiiyak si Amanda habang inaayos ang labi ng Don.
Hindi nya alam kung paanong muli magsisimula sa panibagong hamon ng buhay. Ang taong nagbigay ng kulay sa kanyang mundo ay pumanaw na. Ang taong nagalis sa kanya sa putik na kinasadlakan nya isang taon na ang nakakalipas. Pano nya magagawang ipagpatuloy ang buhay kasama ang anak ng Don at ang limang lalaking Apo kung sila mismo ay kinamumuhian sya dahil sa pinanggalingan nya.