Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi ng binata habang inaayos nito ang seat belt ni Kisses. Sino ba naman hindi sasaya di'ba? Sapilitan lang ang panliligaw niya dito, kelangan niya pang takutin ang ama nito upang payagan siyang manatili sa tabi ng isang Kisses Sandoval at heto't nanalo siya sa pustahan upang mapapayag ng tuluyan ang dalaga. Pero ang malaking tanong ay kung magagawa niya bang mapalambot ang batong puso nito? Paano at saan siya magsisimula? Ginawa nito ang lahat upang ma-impress ang dalaga sa kaniyang katangian. Nagawa din nitong ipakita ang angking kakisigan kanina, hindi lang kay Kisses kun'di pati na rin sa mga schoolmates nito. Daig niya pa ang isang wagyu beef steak na ibenenta sa murang halaga. "Saan mo ako dadalhin, dumbass?" mabilis na tanong ni Kisses nan