"Just shut up, dumbass. Pumunta ka nalang sa gilid. Let's talk about it later," inis na wika ni Kisses sa binata habang nakaharap ito sa malawak na volleyball court. Imbes na sumunod ay tumayo ito sa tabi ng dalaga at seryosong humarap sa mga myembro ng volleyball team. Napangiti pa si Kone kay Kisses na tila ba excited ito sa mangyayari. "Kapag nahimatay ka na naman dahil sa bola, papatayin na talaga kita!" nanggigigil na sambit niya dito. "That's perfect. Patayin mo na ako sa pagmamahal, dimwit!" ani ni Kone. "Damn!" sinamaan niya ito ng tingin bago sumenyas upang makapagserve na ang unang player sa kabila. Mayabang namang tumayo mula sa kabilang kupunan ang team captain ng varsity team pero sinenyasan lang ito ni Kisses. Hindi naman nagdalawang isip ang dalaga na i-serve ang bola