1 - BLOOD BOND
AWANG ang bibig na nakatulala ako ngayon sa harapan ng isang Kierra Dela Viega, ang tinaguriang love goddess of the Dela Viega Clan. Nakabagsak ang dalawang palad ko sa mesa bilang pagtutol sa mga sinasabi nito sakin.
"WHAT ARE YOU SAYING? AKO? MAKIKIPAGDATE SA KUYA MO? IN PUBLIC? PUCH--" She cut my curse by putting her index finger on my lips. Ngumiti lang ito sakin na parang isang maamong pusang humihingi ng NAPAKADALING pabor.
Muntik ko nang makalimutan na best friend ko nga pala ang nasa harapan ko ngayon. It's our lunch break at tahimik kaming kumakain sa Cafeteria ng unibersidad na pinapasukan naming dalawa nang ginulat niya ako ng balitang kanina niya pa sinesekreto sakin.
"Please calm down Kisses." she said gracefully. Kumikinang ang maamong mga mata nito habang nakangiti sakin. "Harmless naman ang kuya ko and he's handsome. Isang araw lang naman kitang hihiramin, please."
"The heck! I helped you ask Ms. Prestige di'ba? WHAT THE HELL HAPPENED?!" malakas ang boses na sabi ko sa kanya. Kalmado pa rin si Kierra sa harapan ko habang nakatingin naman sakin lahat ng tao dito sa cafeteria.
Yes, I know I am loud. Kaya nga ako tinawag na amazona at valkyrie ng karamihan. Hindi na kelangang sabihin sakin ng mga mata nila kung gaano kalakas ang boses ko.
Napabuntong hininga nalang ako when I saw Ms. Eunice Saavedra, our guidance counselor sitting in the corner kaya agad kong inayos ang sarili ko. She's an akuma, hinding hindi ako papayag na lumapit siyang muli sa kinatatayuan ko. Isang penalty nalang ang kelangan para mabigyan ako ng warning for graduation at iniiwasan kong mangyari 'yon.
I grab my things at mabilis na naglakad palayo sa kinauupuan ni Kierra. I just stared at her with a grin.
Sayonara my best friend, ayoko talagang makipagdate sa kuya mo.
Mabuti nalang at mayrong area ang unibersidad namin para sa mga taong gusto ng katahimikan. Sariwa ang hangin, magkakalayo ang mga wooden bench na nasa paligid at malayo sa ingay ng mga studyanteng nalalandian at nagchichismisan ang lugar. Noong una ay manghang-mangha ako kapag nakikita ko ang mga pine tree na nakatayo dito hanggang naging kaibigan ko na din sila sa limang taong nilagi ko dito.
I'm an extrovert and a loner at the same time. During my high school days wala man lang akong naituring na kaibigan dahil lahat sila ay takot sa attitude na mayron ako. Kung hindi pa ako pumasok sa unibersidad na ito ay hindi ako nagkaroon ng isa. The first person who claimed me as her friend, Kierra Dela Viega.
At the age of 20, I'm still suffering from the anxiety and depression caused by my multi-millionaire father and my mother's affair. Kaya hindi ko maiwasang hindi ilabas ang nararamdaman ko by cursing and minsan nagagawa ko pang mang-insulto ng ibang tao.
Somehow kapag nagagawa ko ang mga bagay na 'yon, I felt relieved. Parang gumagaan ang pakiramdam ko at nailalabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
In our mansion, I can't speak, I can't act freely, I can't be loud, konting galaw ko lang I'll be scolded by my perfectionist Dad. Hindi ko magawang magkwento sa kanya about my achievements, my ranking at mas lalo na kapag may problema ako.
Minsan nga nasasabi ko nalang sa sarili ko na sana hindi nalang ako tumanda. Sana hindi nalang ako umalis sa pagiging five years old, kung saan simpleng businessman palang ang Dad ko at masaya pa silang magkasama ng Mom ko sa simpleng bahay namin. Hindi pa kami ubod ng yaman, hindi pa ganun kabusy ang Dad ko, hindi pa naging problematic ang Mom ko, kompleto pa kaming tatlo at hindi pa ganito kagulo ang buhay namin.
I wished for a simple and quiet life with them. Pero ngayon, hanggang pangarap nalang ang mga 'yon.
Kasabay ng pagtanda ko ay ang paglaki din ng mga problemang kinaharap ng pamilya namin. Biglang bumigat ang mundong pasan pasan ko sa aking mga balikat when Mom left us. Dahil sa pagyaman ni Dad ay tumaas din bigla ang standards ng lahat ng nasa paligid ko. As I grow up, I became more and more problematic and dumating na din ang point na hindi ko na maabot pati sarili kong ama. My maturity and our wealth in exchanged of the pain I'm feeling right now.
"Hey Kisses, nag-iisip ka na naman ba?" naputol lahat ng naiisip ko when I heard her angelic voice. May malambot ding handkerchief na pumunas sa luhang di ko napansing tumulo na naman mula sa kanang mata ko.
I just stared at her for a minute.
Nabigla nalang ito ng sinampal ko bigla ang sarili ko. "Sorry. Nanaginip na naman ata ako ng gising." I sarcastically laugh. Inayos ko na ang upo ko at hinagilap ang phone ko. It's already 1:30pm matagal pa pala bago ang next class namin.
"Hinanap mo ba ako?" tumango lang ito sakin bilang sagot. Hindi pa rin nawawala ang mala-anghel na ngiti mula sa labi nito. "Psh. Paano mo naman nalamang nandito ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay. She's really unbelievable. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natiis niya ang ugali ko sa loob ng limang taon. She's an angel and I'm a devil, hindi dapat pwede di'ba?
"I'm your best friend at alam kong dito ka lang naman pupunta eh." Kasabay ng sagot na 'yon ay isang mahinhing tawa mula sa kanya. Naglaho din bigla ang mga mata nito.
Pakiramdam ko biglang lumamig lalo ang paligid. As if I was being exorcize by her. "Nice one." maiksi kong sagot sa kanya. Napatingala nalang ako sa langit at napahinga ng malalim.
She's a comfort zone for me. Kapag mag-isa nalang ako palagi akong nilalamon ng sakit at depression ko. Mas lumalala ang feeling na 'yon kapag nakauwi na ako sa mansion namin.
"Gusto mo? Hindi tayo nakakain ng dessert kanina right?"
Inabot niya sakin ang isang rocky road cornetto. So bumili pa talaga siya ng ice cream?
Umiling ako bilang sagot. "Hindi mo ako maloloko Kierra, alam kong kapag tinanggap ko yan ay parang pumayag na din ako sa pabor na hinihingi mo kanina."
Minsan wise din ang babaeng 'to. Hindi man halata but she's a silent killer. Ilang beses na din akong naloko ng patweetums niya. This time, I will never fall on her trap. Kahit pa sabihing favorite ko ang variant na binili niya ay hindi ako bibigay sa kagustuhan nito.
"There you are Kie!"
Sabay kaming napalingon ni Kierra ng marinig namin ang boses mula sa likuran. Nagmula ito sa isang lalaki, medyo mas matanda siyang tingnan samin. Matangkad, ash gray ang buhok tulad ng kay Kierra at kulay almond ang mga mata nito. He's wearing a gray suit ngunit naka-unbutton ang dalawang buttones nito. He looks smart and diligent, sa unang tingin ay parang maiintemidate ka kaagad sa presence niya.
Nakatayo sa tabi niya ang isang babaeng nakabusiness attire at nakasuot ng makapal na eyeglasses. Hindi ko inakalang pupunta sa school ang mga tutor ni Kierra, ang layo pa naman ng preliminaries namin.
Iniwas ko naman agad ang tingin ko dahil nakatingin din sakin si Ms. Eunice na kasama nila. May hawak itong isang libro at napakastrikto ng mga titig niya. s**t! Bakit siya nandito?
Biglang inagaw ng lalaki ang binibigay ni Kierra sakin. Akala ko ibibigay niya ito sa babaeng nasa tabi niya pero tinapon niya ito sa gilid. Damn! Sinayang niya ang pagkaing binili ng best friend ko!
"Why are you flustered? Nagulat ka ba sa kagwapuhan ng kuya mo?"
Eh? I didn't expect him to talk like that. Napatingin lang ako kay Kierra. Totoo nga ang sinasabi ng lalaki, namumutla nga siya na para bang napahiya. Minsan ko lang makitang ganito siya, she's always calm and composed.
"S-sorry k-kuya but we have to g-go." Kuya? Ibig sabihin siya ang billionaire heir ng Dela Viega? He looks like one pero sa pananalita ay ibang-iba ito.
Mabilis na hinawakan ni Kierra ang wrist ko. Patayo palang kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Mr. Eunice. "Where are you going? Mamayang pang 3pm ang next schedule niyo?" she said with conviction.
Nagkatitigan nalang kami ni Kierra. Sabay kaming napadumog, para kaming nakadena bigla sa kinatatayuan naming dalawa.
"So how's the plan? Is everything ready? Umuwi na ako agad from my business trip in Paris para sa pinangako mo sakin."
"s**t!" mahina akong napamura sa narinig kong sinabi niya. Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Siniko ko ng mahina ang babaeng nasa tabi ko. Nakatingin lang sakin si Kierra, mala-mais na ang pawis na nasa kaliwang sintido nito. Nagsusumamo ang mukha nitong nakaharap sakin, as if she's telling me something.
Ang plano bang tinutukoy ng kuya niya ay ang date na plinano namin between him and Ms. Prestige?
It's been 15 days simula ng humingi sakin ng tulong si Kierra para makahanap ng perfect match sa kuya niya. Mabuti nalang at nakausap ko si Ms. Prestige, the senator's daughter na napilit ko lang dahil sa deal na ginagawa nila with my Dad. Mas mabuti pa atang blockmail ang sabihin ko kesa pinilit.
It was cancelled already dahil biglang may sumingit sa schedule nito - an emergency meeting with the perfume manufacturer. Maging ang venue ng dinner, destination na pupuntahan nila at ang media ay sinabihan ko na ding icancel ni Kierra.
"Bakit hindi ka makasagot? Don't tell me you'll fall short from our expectations?" mula sa pagiging jolly ay naging seryoso bigla ang boses nito. "Hindi mo ba kayang gawin ang simpleng bagay na yun Kierra?"
Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niyang 'yon. Mabilis akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya, madiin at sumasabay sa bawat galaw ko ang mga dahong nadadaanan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro ko siya ng harap harapan.
"I don't care if you're a billionaire or if kuya ka ni Kierra! Your sister is working hard for you, don't you dare insult her! DAMN!" I gave emphasis to my curse. Hinding hindi ako magsisisi, he deserves it.
Nanlaki ang mga mata ng mga taong nakapaligid samin including Kierra pero tawa lang ang sinukli sakin ng Kuya niya. He's laughing like hell.
Ginawa lang nitong pantigil ng tawa ang pagkagat sa lower lip niya. Dumugo ito pero parang wala siyang pakialam. Nagbigla nalang ako ng pinunasan niya ang dugo sa lower lip niya at hinawak ito sa kamay kong nakaduro pa sa kanya.
"Shall we make a blood bond? You're the first woman who took the risk to curse me."
Shit! Agad kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Baliw din siya katulad ko but he's on a higher level.