Chapter 34 Emerald Pagkatapos namin kumain nagtungo kami sa living room. Umiikot ang mga mata ni Mommy Daniela, sa kabuoan ng mansion ni Daniel. Parang sinusuri niya ang bawat sulok ng mansion at ang mga naka-display. "Iho, lahat pala ng mga palamuti rito sa mansion mo iba na. 'Yong mga trophy mo, himala yata at tinanggal mo rito?'' sabi pa ni Mommy kay Daniel, sabay turo nito sa lalagyan ng trophy na empty na. "Opo, Mom. Ayaw kasi ni Emerald, na sumali ako sa racing. Kaya, para hindi ako matukso inalis ko na lang ang mga trophy ko at tinago.'' Napangiwi na lang ako sa pagsisinungaling ni Daniel sa kaniyang ina. Nakangiti na bumaling sa akin si Mommy. "Mabuti na lang at ikaw ang naging asawa ng anak ko, iha. Alam mo ba na halos atakihin ako sa puso kapag nalaman ko na sumasali na n