Chapter 33 Emerald Lumipas pa ang tatlong buwan naging maayos naman ang pagsasama namin ni Daniel. Oo, minsan nagtatalo rin kami pero agad din kaming nagkakasundo. Napakaganda ng mood ko na gumising sa umaga. Pumasok si Daniel sa kaniyang trabaho. Naisipan ko na pumasok sa bawat silid ng mansion. Namangha kasi ako roon sa isang silid na napasukan ko na may mga koleksyon na samurai, mga baril at iba't ibang uri ng mga patalim. Ang sabi sa akin ni Daniel, binigay ng kaibigan niyang hapon ang samurai na ginamit ko sa pagtataga ng kaniyang mga sasakyan. Galing pa raw iyon sa Lolo ng kaibigan niya. Hindi ko nga akalain na mahilig siya mangoleksyon ng ganoon. Mayroon ding pana sa silid na iyon. Sa dami ba naman ng silid na ito hindi ko malibot ng isang araw. "Señorita, narito po ang