Chapter 35 Emerald Nagulat ako ng nasa gilid ko na si Daniel, hindi pa nga ako nakasagot sa tanong niya hinatak niya na ako ng patayo. "Carlos, aalis na ako. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Pasensya na!' baling ko pa kay Carlo, na nagtataka kung bakit kinaladkad na ako ni Daniel, palabas ng fast food. Bitawan mo nga ako, Daniel!" pagpupumiglas ko kay Daniel nang nasa labas na kami ng fast food. "Sino ang lalaking iyon, ha? Na kasama mo?" tanong niya sa akin. "Kaibigan ko iyon, ano ba? Nakakahiya ka ang daming tao," naiinis kong turan sa kaniya. "Pasalamat ka dahil maraming tao, kung hindi sinuntok ko na ang lalaki mong iyon!" Umawang talaga ang labi ko sa pagbibintang niyang iyon sa akin. "Lalaki ko? Samantalang ikaw may kasama ka rin namang babae! Ang kapal ng mukha mo na