Chapter 41 3rd POV Gabi na ng dumating sina Emerald at ang kaniyang Tita Margaret sa San Luis. Kumain sila sa stop over kanina, pero nagugutom na naman ang buntis. Gusto nito panay ang nguya ng kaniyang bibig. Bumaba sila sa terminal ng bus sa San Luiz. Nag-aabang na rin ang Kuya ni Margaret na si Benedict, sa labas ng termenal. "Tita, nagugutom na naman ako. Bumili muna tayo ng makakain," lambing ni Emerald kay Margaret. Napabuntong hininga na lang si Margaret sa kakulitan ni Emerald. "Tiisin mo na lang muna dahil nariyan na si Kuya sa labas. Marami silang inihandang pagkain doon sa kanila," wika ni Margaret kay Emerald. Humahaba na ang nguso ng buntis. Maliban sa napagod siya sa byahe, ang bigat pa ng kaniyang tiyan. "Kahit tinapay lang, Tita!" pangungulit pa rin ni Emerald sa