Chapter 40 Emerald Dalawang buwan na ako rito sa bahay ni Enrico. Wala naman akong problema at alaga naman niya ako. Binibili niya ang mga pagkain na gusto kong kainin. Si Manang Selna, ang palagi kong kasama prito sa bahay. Ayon sa tsismis ni Manang, hinahanap din ni Enrico Ruby Rose. Kasalukuyan nakahiga ako sa pool bed habang naka sun beating ako dito sa gilid ng pool na Enrico. Naka-cycling lang ako ng suot dahil ayaw kong ibalandra ang aking katawan. Paano kasi limang buwan na itong dinadalang tao ko, pero kung titingnan parang kapanganakan ko na. Iniisip ko na lang na siguro matakaw lang talaga ako dahil kakakain ko lang gusto ko naman kumain ulit. Ganito talaga siguro kapag buntis madaling magutom. Pinagtimplahan pa ako ni Manang ng gatas. Ang ganda ng buhay ko rito sa pa