Chapter 50 Emerald Pakibot-kibot na lang ako ng aking labi sa isang sulok habang pinagmamasdan ko si Daniel at ang mga taga barangay na bumabati sa kaniya at nakikipagkwentuhan. Nakasimangot ako habang mapanuyang nakatingin sa kanilang lahat. Hindi ko sukat akalain na isang Lieutenant pala ang asawa ko. Tapos tinakot-takot ko pa siya kanina na isumbong kay Tito at bubugbugin siya ng taga rito. Iyon pala mukhang ako ang mabugbog. Siguro marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa asawa ko. Hindi ko akalain na mahal na mahal pala siya ng mga taga rito. Subalit Harrison, ang dala niyang apelyido dahil apelyido iyon ng Mommy niya. Kilala pala siya rito na si Lieutenant Daniel Harrison. Ang masaklap pa ng malaman ni tito na nandito si Daniel, nagpakatay pa ito ng isang baka at inimbit