Chapter 51 EMERALD Nang maluto na ang pagkain kumain na kami ng hapunan dahil ano oras na rin kasi natapos ang pagluluto nila kanina. Sa dahon ng saging na nga lang nila nilagay ang kanin at ang ibang ulam. Pati na ang litson na kambing. Nakakatuwa dahil ang saya nila. Sa labas sila kumakain. Nasa loob ako ng bahay dahil ayaw nila na mahamugan ako at bawal daw sa buntis, kaya dinalhan nila ako ng pagkain sa loob. "Sweetheart saluhan na kita rito sa pagkain. Ang tagal nating hindi nakapagkasalo sa hapag kainan sabi sa akin ni Daniel. Nilapag niya sa lamesa ang dala niyang caldereta. "Huwag na, Daniel. Samahan mo na lang sila roon sa labas. May panahon pa tayo na makapagsalo sa pagkainan subalit yung mga taga barangay minsan ka lang nila makakasalo," sabi ko sa kanya. Alam ko kasi k