Chapter 49 Emerald Hinayaan ko si Daniel, na manatili sa bahay. Wala naman kasi siyang balak na umalis. Ewan ko kung kailan niya susukuan ang kamalditahan ko. Alas-dies y media na ng umaga, kaya nagsaing ako. Si Sugars, naman naghanap ng kaniyang makakain sa paligid. Hindi naman siya lumalayo dahil sagana naman ang mga damo sa palibot ng bahay. Habang si Daniel naman parang sinusuri niya ang kubo. Niyuyugyog niya ang bawat haligi nito. "Sweetheart, sumama ka na sa akin sa Holand, please? Hindi ka ba nahihirapan dito? Ang layo pa ng hospital," sabi nito sa akin habang nagbabantay ako ng sinaing ko. "Kapag malapit akong manganak pupunta naman ako ng hospital, saka sanay ako rito," sabi ko sa kaniya. "Pero mas maganda ang buhay doon sa Holand. Hindi katulad rito na kapag emergency an