Episode 2

2162 Words
Chapter 2 Emerald Dumating kami ni Daniel, sa isang magarang bahay. Dito pa lang ako sa loob ng sasakyan ay nakikita ko ang malaking gate at matataas na pader na nakapalibot sa mansyon ni Daniel. Nakakamangha pa dahil kusang bumukas ang gate. Sa loob ay napakagandang landscape at mga bulaklak ang makikita. Malaki pa yata ito sa bahay ni Tito Frederico, na ama ni Enrico. Huminto si Daniel sa harap mismo ng pinto ng mansyon. Sinalubong siya ng isang bodyguard at pinagbuksan siya ng sasakyan. "Good morning, Sir. Good morning, Ma'am!" bati ng bodyguard sa amin ni Daniel. Pinagbuksan din ako nito ng pintuan ng sasakyan. Pagbaba ko hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa magandang land scape na nakikita ko. "Tayo na sa loob, honey. Hinihintay na tayo ng parents ko sa loob," aya sa akin ni Daniel. Hinawakan niya ang aking kamay subalit iwinaksi ko iyon. "Uhmm, may pagkamaldita ka pala?" mahina nitong tanong sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. Pumasok na kami sa loob. Pagdating namin sa living room naroon ang mga magulang niya nakaupo sa sofa habang nagkakape. Ang sweet nila tingnan na mag-asawa. Parang si Tito Frederico lang at si Tita Margaret, na sobrang lambing sa isa't isa. Nang makita nila kami ni Daniel, tumayo ang mga ito at sinalubong kami ng magandang ngiti. "Iho, siya na ba ang sinasabi mo sa amin?" nakangiting tanong ng ina ni Daniel, habang taas baba naman ang tingin nito sa akin. Parang kinikilatis niya ako ng husto. Humalik muna si Daniel, sa kaniyang ina at nagbiso-biso rin ito sa kaniyang ama. "Mom, Dad, si Emerald, ang future wife ko. Honey, si Mommy and Daddy,'' pormal na pakilala ni Daniel sa akin sa kanyang mga magulang. Nag-aalangan ako na ngumiti sa mag-asawa para kasi akong naiilang sa kanila. Subalit gayon pa man ay pinilit kong ngumiti. "Magandang umaga po sa inyo, Ma'am, Sir," bati ko sa kanila. Lumapit sa akin ang kanyang ina at makipagbiso biso ito sa akin. "Ano ka ba, iha? Magiging asawa ka na ng anak namin kaya Mommy at Daddy, na lang din ang itawag mo sa amin," sabi sa akin ng ina ni Daniel, mukhang mabait ito. Tinapik naman ng ama niya ang balikat ko. Welcome to our family, iha. Huwag kang maiilang sa amin dahil hindi kami nangangain ng tao," natatawang sabi sa akin ng kanyang ama. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. "Huwag kang mag-alala, hon dahil mababait ang mga magulang ko, kaya wala kang dapat ipag-aalala," makahulugang sabi sa akin ni Daniel. Parang maamong tupa siya kung titingnan kapag nasa harap siya ng mga magulang niya. "Napakaganda pala nitong girlfriend mo kaysa una mong girlfriend, iho," nakangiti na sabi ng Mommy ni Daniel. "Hali ka rito, iha. Maupo ka," aya sa akin ng ina ni Daniel. Hinawakan pa nito ang aking braso upang alalayan ako. Mukhang naging komportable naman ako sa kanila. "Nakahanda na ba ang tanghalian, Mom?'' tanong pa ni Daniel sa kaniyang ina. "Teka, puntahan ko lang. Iha, gusto mo ba akong samahan? Para sa gano'n alam mo ang paboritong pagkain ni Daniel,'' wika sa akin ng ina ni Daniel. ''Mom, hayaan mo na lang rito muna si Emerald,'' sabi ni Daniel sa kaniyang ina. "Okay, lang. Samahan ko na lang si-'' hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa ina ni Daniel. Naiilang ako na tawagin siyang Mommy dahil una sa lahat hindi ko naman gusto ang baliw na Daniel na ito. "Iha, masanay ka ng tawagin akong Mommy,'' sabi ng ina ni Daniel, nang mapansin niya na nag-aalangan ako na tawagin siyang Mommy. "Sige po, Mommy,'' nahihiya kong tawag sa kaniya. Ang ama ni Daniel, nakangiti lang sa aminl. Nagtungo na kami ni Mrs. Carters sa kusina. May tatlong kasambahay ang nag-aasikaso sa hapagkainan. Nandito na ba lahat ng pagkain sa lamesa?" tanong ni Mrs. Carters sa mga kasambahay. "Nakahanda na po lahat, Ma'am Daniela!'' sabay-sabay na sagot ng mga kasambahay. Maraming nakahandang pagkain sa lamesa. "Dito nakaupo si Daniel, iha. Kaya, rito ka sa tabi niya. Alam mo nasasabik ako magkaroon ng anak na babae, kaso hindi ako pinalad. Hindi na kasi ako nabuntis pagkatapos kong ipinanganak si Daniel. May kambal sana siya na babae, kaso namatay noong ipinanganak ko,'' kwento sa akin ng ina ni Daniel. Tumango-tango ako sa kaniya habang nakikikinig sa mga kwento niya. May kambal pala na babae si Daniel. Sabagay paano ko ba naman malalaman ang buhay niya, eh hindi ko pa nga lubos na kilala ang baliw na iyon. "Sayang naman po at nawala ang kakambal ni Daniel. Sorry po, Mommy,'' sabi ko sa kaniya. "Okay lang, iha. Ganoon talaga. Kapag hindi para sa'yo, kinukuha o binabawi talaga iyon sa atin. Alam mo may naalala ako sa beauty mo. Siya nga pala siguro alam mo naman na may ex-girlfriend si Daniel. Sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon para sa anak ko. Itong anak ko lang kasi hindi mo talaga mapagsabihan. Kapag gusto niya gagawin niya. Alam mo naman ang ibang mga babae pera lang ang habol sa Daniel ko. Sana iba ka sa lahat ng mga babae na dinala niya rito, iha,'' sabi pa sa akin ni Mrs. Carters, na nagpaawang ng mga labi ko. Wala naman akong pakialam kung ilang babae man ang dinala ng anak niya rito o piniperahan man ang anak niya. Paano kaya kung sasabihin ko kay Mrs. Carters, na bina-blackmail ako ng anak niya? Kaso baka si Enrico, na naman ang balikan ni Daniel. Baka ano ang gawin niya kay Enrico? Bumaling si Mrs. Carters, sa isa sa mga kasambahay. "Leticia, tawagin mo na ang mag-ama. Nakahanda na kamo ang hapagkainan.'' "Opo, Ma'am Daniela," sagot ng kasambahay. Nag-bow pa ito kay Mrs. Cartes, bago tumalikod. "Maupo ka na, Iha. Kailan niyo pala balak magpakasal ni Daniel?'' muli nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil wala akong balak magpakasal sa malademonyo niyang anak. "Hindi pa po namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan, Mom,'' sagot ko sa kaniya. Bumuntong hininga ang ginang at medyo nalungkot ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. "Dapat pinag-uusapan niyo na iyon. Gusto ko na talaga magkaroon ng apo sa anak kong iyon. Saka ang hilig niya sa motor racing. Minsan hinihintay ko na lang na balitaan ako na nadisgrasya na ang anak ko sa pagmo-motor race niya,'' namomoroblemang sabi ng Ginang sa akin. Pasaway rin pala talaga ang Daniel na iyon sa kaniyang ina. Binibigyan niya ng sakit ng ulo ang mga magulang niya. Hindi na ako nakapagsalita nang dumating na ang mag-ama. Sa center table nakaupo ang kaniya ama na si Mr. Carters. Naupo na rin si Daniel sa tabi ko. ''Kumain ka ng marami,'' bulong sa akin ni Daniel. Hindi ako kumibo sa kaniya. Sa dami ng masasarap na pagkain na nakahain, talagang kakain ako at kagabi pa ako hindi nakakain. Ilang araw din na wala akong kinain na mabuti dahil sa pag-aalala sa relasyon namin ni Enrico. Alam kong kamumuhian niya ako, subalit mas gustuhin ko pa na kamuhian niya ako kaysa mapanganib ang buhay niya. "Iho, bakit hindi niyo pa napag-uusapan ni Emerald ang tungkol sa kasal ninyo?'' agad na tanong ni Mrs. Carters sa anak niya. Tumaas ang dalawang kilay ni Daniel, habang nakatingin sa mga magulang niya. "Iho, akala ko ba napag-usapan niyo na ang tungkol sa kasal ninyo?'' kunot noo naman na tanong ng ama ni Daniel sa kaniya. ''Yes, Dad, Mom. Sa susunod na buwan gaganapin ang kasal namin ni Emerald, hindi ba, hon?'' baling pa sa akin ni Daniel. Ang titig niya sa akin may halong pagbabanta. Alanganin akong ngumiti sa kaniya. Sa ilalim ng lamesa sinipa ko ang kaniyang paa. Anong kasal ang pinagsasabi niya? Subalit parang hindi naman natablan ang ugok sa sipa kong iyon. Sa harap ng hapagkainan hindi ako nagpahalata sa mga magulang ni Daniel, na tutol ako sa kasal na sinasabi ng anak nila. Kung alam lang nila kung paano ako e-blackmail ng anak nila? ''Balita ko, Iha sa Carters University ka nag-aaral?'' tanong ni Mr. Carters sa akin. Tumango-tango ako sa tanong niyang iyon. "Opo, Sir,'' sagot ko. "Sanayin mo na Daddy na ang itatawag mo sa akin,'' sabi pa nito sa akin, kaya tumango-tango na lang ako. nilagyan ako ni Daniel ng pagkain sa aking plato. "Gusto namin makilala ang mga magulang mo, iha. Upang mapag-usapan namin ang nalalapit ninyong kasal ni Daniel. Gusto ko magkaroon kayo ng engagement party ni Daniel sa susunod na linggo. Kami na ang bahala ng Daddy ninyo sa okasyon na magaganap,'' sabi sa akin ng ina ni Daniel. Hindi na ako nakapagsalita o nakapag-protesta. Mukhang wala na talaga akong takas sa kaniya at mukhang matutuloy ang kasal namin ni Daniel. "Thank you, Mom, Dad,'' pasalamat ng ugok sa mga magulang niya. "Dad, Mom, pasensya na po, pero wala na po kasi akong mga magulang. Patay na po ang Mommy at Daddy ko. Ang tiyahin ko po na nasa Holand ang tumayo na mga magulang ko. At ang asawa niya po ang nagpapaaral sa akin,'' sabi ko sa mga magulang ni Daniel. Wala akong pakialam kung manliit sila sa akin. Mas gusto ko pa nga na tutulan nila ang kasal namin ni Daniel, upang may dahilan ako para hindi makasal sa kaniya. Saglit na umiba ang reaksyon ng mukha ni Mrs. Carters. "Kawawa ka naman pala, Iha. Huwag ka mag-alala dahil hindi naman iyon hadlang sa pagmamahalan ninyo ni Daniel. Ang mahalaga sa akin mahal mo ang anak ko. At maging mabuting asawa ka sa kaniya. Kung may chance, gusto ko rin makilala ang Tita mo.'' sabi pa ng Ginang sa akin. Tumangon-tango ako sa kaniya. Akala ko lalaitin niya ako, subalit naawa pa pala ito sa akin. Parang napaka-humble ng mga magulang ni Daniel. Hindi sila tumitingin sa status mo sa buhay. Pagkatapos ng lunch namin nag-usap kami ni Daniel. "Nahihibang ka na ba talaga? Anong kasal ang pinagsasabi mo sa mga magulang mo?'' naiinis kong kompronta sa kaniya. Nasa terrace kami ngayon. Umiinom siya ng red wine. "Hindi ba, nasabi ko na sa'yo 'to noon? Bakit nagtataka ka pa? Ikakasal tayo sa susunod na buwan, sweetheart. Simula ngayon dito ka na titira sa mansion. Huwag ka mag-alala dahil may sariling bahay ang Mommy at Daddy. Minsan lang sila pumupunta rito. Huwag ka mag-alala dahil hanggat hindi tayo kasal hindi tayo magkatabi sa pagtulog. Wala ka naman pasok ngayon, hindi ba? Gusto mo mamasyal tayo?'' sarkastiko nitong tanong sa akin. "Magpasyal ka mag-isa mo. Saka umaasa ka na tatabi ako sa'yo kapag nakasal na tayo? Managinip ka! Siguraduhin mo lang na hindi mo gagalawin si Enrico. Oras na sinaktan mo siya magsisisi ka!'' pagbabanta ko sa kaniya. Nabigla ako nang hawakan niya ang aking baywang at kabigin niya ako. Napaupo ako sa kaniyang kandungan. Mahigpit ang pagkahawak niya sa aking baywang. "Relax, sweetheart. Hanggang sinusunod mo ang gusto ko, hindi mapapaano ang ex-boyfriend mo,'' mahina nitong sabi sa akin subalit mariin. Pigil ang aking paghinga. Ang sarap niyang sapakin, subalit tila ba naging mistula ako sa pagkaupo sa kaniyang kandungan. "Kahit pakasalan mo ako at makuha mo man ang katawan at dangal ko, subalit hindi mo makukuha ang puso ko, Daniel Carters. Pagsisishan mo lahat ng pananakot mo sa akin. At hindi ako magiging mabuting asawa sa'yo!'' mariin ko rin na sabi sa kaniya. Iwinaksi ko ang kaniyang kamay, kaya tumayo ako at umalis sa kandungan niya. "Saan ang magiging silid ko at gusto ko matulog sa tanghali!'' galit kong tanong kay Daniel. Kahit anong gawin kong sigaw sa kaniya, kalmado pa rin siya. Parang wala sa kaniya ang paninindak ko. "Manang Leticia?" tawag nito sa kasambahay nila. Agad naman na lumapit ang kasambahay. "Ano po iyon, Senorito Daniel?" tanong ng kasambahay sa kaniya. "Pakisamahan si Emerald sa pansamantagal niyang silid." Tumango-tango naman ang kasambahay sa utos ng iyon. "Ma'am, hali po kayo. Sasamahan ko po kayo sa magiging silid ninyo," aya sa akin ng kasambahay. Sinamaan ko muna ng tingin si Daniel at inirapan bago ako tumalikod sa kaniya. Narinig ko pa ang sarkastiko niyang pagtawa. Nakakapanginig talaga siya ng laman ang sarap niya himay-himayin. Dinala ako ni Manang Leticia sa isang silid ng mansyon. "Ang laki ng silid ko mas malaki pa sa condo unit na inuupahan ko. Pero kahit gaano pa ito kalaki o kaganda kung durog naman ang puso ko wala pa rin silbi, kasing pangit pa rin ito ng nararamdaman ko. "Ito ang magiging silid mo, Ma'am. Kapag po may kailangan kayo pindutin niyo lang po ang buton na iyan. May isa pong kasambahay na lalapit sa inyo para tanungin kung ano ang kailangan ninyo," sabi sa akin ng kasambahay. "Salamat po," nakangiti kong pasasalamat sa kaniya. Tumalikod na ito at paglapat ng pinto parang gusto ko magwala sa kamalasan na nangyayari sa buhay ko. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Isang bangngot na pwede ako magising at lumihis ang landas ng buhay ko kasama si Enrico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD