Episode 3

2634 Words
Chapter 3 Emerald Malakas na kalampag ng pintuan ang nagpagising sa akin kinabukasan. Humikab muna ako bago bumangon. "Emerald, gumising ka na. Papasok ka pa sa eskwelahan ihahatid pa kita." Napabuntong hininga ako ng marinig ang boses ni Daniel sa pintuan. Sunod-sunod na naman ang pagkatok nito. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nakakaasar niyang pagmumukha. Kung hindi lang talaga ako nangako kay Tita, na magtatapos ako parang gusto ko na lang tumigil at umuwi sa Holand, upang doon na lang ipagpatuloy ang aking buhay. "Kumusta ang tulog mo? Komportable ka ba sa silid mo?" Nakakaasam nitong tanong sa akin. "Maayos naman ang tulog ko, hindi nga lang maganda ang gising ko dahil ikaw ang nabungaran ko," masungit kong sabi sa kaniya. Ngumisi ito sa akin at binuksan ng malawak ang pintuan saka pumasok siya sa silid ko. "Masanay ka na na palagi mo ako mabungaran sa tuwing umaga lalo na kapag kasal na tayo. Mabuti naman kung nakatulog ka ng maayos. Mag-ayos ka na hihintayin kita sa dining area," sabi nito sa akin na wala man lang reaksyon ang kaniyang mukha. Lalabas na sana siya nang sambitin ko ang pangalan niya. "Daniel!" Lumingon siya sa akin. Taas ang dalawa niyang kilay at hinihintay ang sasabihin ko. "Papayag ako magpakasal sa'yo kapag tinulungan mo ako na mahanap ang tunay kong pamilya," seryoso kong sabi sa kaniya. Gusto ko malaman kung saan ako nagmula. At kung sino ang mga magulang ko. Nagbabakasakali ako na kapag humingi ako sa kaniya ng tulong ay agad kung makikita ang aking pamilya na pinagmulan. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Pagkatapos ng kasal natin pag-uusapan natin iyan," seryoso niyang sabi sa akin at tuluyan na siyang lumabas. Napabuga ako ng hangin sa ere. Sa silid na ito may sarili rin banyo. Nag-shower na ako at nag-ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay lumabas ako ng silid at nagtungo sa ibaba. Tumuloy ako sa dining area. May nakahanda ng almusal roon para sa amin ni Daniel. Dalawang plato ang nakalagay sa lamesa. Toasted bread at pasta ang nakahanda at may hot chocolate na nakalagay sa kristal na thermos. Nakaupo na si Daniel sa kaniyang upuan. Naupo naman ako sa tapat niya. "Manang Leticia, pakilagyan ng hot chocolate ang tasa ni Emerald," utos ni Daniel sa kasambahay. "Huwag na, Manang. Ako na po ang sasalin sa tasa ko," wika ko dahil ayaw kong pahirapan pa ang matanda. "Kaya ko naman magsalin ng hot chocolate sa tasa ko," nakasimangot ko pang sabi kay Daniel. "Pasensya na po Ma'am, pero trabaho ko po na pagsilbihan kayo," tanggi ni Manang sa akin at agad na kinuhan nito ang thermos. Hinayaan ko na lamang siya dahil baka mamaya mapagalitan pa siya ng impakto niyang amo. "Salamat po, Manang. Pasalamat ko sa matanda nang masalinan nito ng hot chocolate ang tasa ko. Habang si Daniel, naman tea lang ang iniinom niya. Nagbabasa ito ng magazine. Ilan sandali pa ay tiniklop niya ang magazine na binabasa niya at tumingin sa akin. "Siya nga pala pagkatapos ng pasok mo mamaya pupunta tayo sa designer na gagawa ng gown mo sa kasal natin," seryoso nitong sabi sa akin. "Daniel, sigurado ka ba sa plano mo na magpapakasal sa akin? Hindi kita mahal at si Enrico ang mahal ko. Ano ba talaga ang nagustuhan mo sa akin?" prangka kong tanong sa kaniya. "Wala akong pakialam kung mahal mo ako o hindi! Ang mahalaga sa akin ang maikasal tayo," seryoso pa nitong sabi sa aki at pinanliitan ako ng kaniyang mga mata. Mamili ka Emerald, masisira ang mga buhay ng mga mahal mo o magpapakasal ka sa akin at magiging asawa kita?" Nakakatakot niyang tanong na may kasamang pagbabanta sa akin. Pati ang kanyang tingin nakakatakot rin. Subalit hindi ako nagpakita ng pagkatakot. Nilabanan ko ang masasakit niyang tingin sa akin. "Bakit ba gusto mo akong maging asawa? Hinalikan lang kita dahil katuwaan lang namin iyon magkakaibigan. At hindi ko naman sinasadya na tatama iyon sa sasakyan mo. Ano ba talaga ang totoo mong pakay sa akin? Maraming babae riyan na pwede mong pakasalan, bakit ako? Wala kang mapapala sa akin, Daniel," frustrated kong sabi sa kaniya. Just simple, Emerald. Gusto kita. Gusto kitang gawing katuwaan din, kaya papakasalan kita sa ayaw at gusto mo. Hindi ba nakakatuwa rin iyon? Kaya invite mo 'yong mga kaibigan mo na kaama mo na ginawang katuwaan ang paghalik sa akin sa harap mismo ng girlfriend ko," sarkastiko nitong sa akin habang nag-aalmusal kami. Hindi ko alam kung paano ako makatakas sa sitwasyon kong ito na hindi mapapahamak ang mga mahal ko sa buhay. Kung alam ko lang na gani ang mangyayari sa akin hindi ko na sana sinunod ang utps nila Anne. Tahimik pa siguro ang buhay ko ngayon at masaya pa rin kami ni Enrico. Pagkatapos namin kumain ni Daniel, hinatid niya na ako sa paaralan. Ganoon na lamang ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko na sina Lira, Anne at Samantha, nang bumaba ako sa sport car ni Daniel. "Susunduin kita mamaya. At siguraduhin mo lang na hindi ka makipagkita sa ex boyfriend mo," bilin sa akin ni Daniel na may kasamang pagbabanta. Tinalikuran ko na siya at hindi pinansin ang sinabi niya. Nagtungo ako sa mga kaibigan ko. Agad nila ako sinalubong ng tukso. "Emerald, mukhang totoo yata ang tsismis na kayo na ni Mr Carter's?" tanong ni Anne sa akin. "Girl, huwag mo sabihin na pinatulan mo si Daniel? Hindi mo ba alam na si Lucy ang girlfriend niya?" tanong naman sa akin ni Lira. Si Lucy ang President Officer sa school na ito, kaya kilala siya ng lahat. "Hanna, huwag kang pumayag na gawin kang pampalipas oras ni Daniel. Marami ng mga babae iyan at huwag kang pumayag na isa ka sa magiging koleksyon niya," sabi naman sa akin ni Samantha, habang naglalakad kaming apat patungo sa silid namin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na tinatakot ako ni Daniel. Habang naglalakad kami nakasalubong ko naman si Enrico, kasama ang kanyang mga kaibigan. Masakit ang tingin nito sa akin subalit hindi naman nagtagal ang mga tingin niya. Pansin ng mga kaibigan ko na hindi kami nagpapansinan ni Enrico. "Si Enrico 'yon, hindi ba? Bakit hindi ka niya pinansin?" tanong ni Anne sa akin. "Wala na kami ni Enrico, break na kami," sagot ko sa kanila. "What?" sabay-sabay nilang tanong sa akin. "Bakit ka nakipag-break kay Enrico?" tanong ni Samantha sa akin. Nagkibit balikat lang ako sa kanila. Hindi ko sinagot ang mga tanong nilang iyon. Wala rin naman kasing kwenta kung i-kwento ko pa sa kanila ang nangyari. Pagkatapos ng klase namin agad kong pinuntahan si Enrico sa room nila. Gusto ko sa kaniya sabihin 'yong totoo na tinakot lang ako ni Daniel. Hindi maiwasan na hindi ako masaktan kapag nagkikita kami sa paaralan. Sakto at katatapos lang ng klase nila, kaya inabangan ko na talaga siya sa pintuan. Nagsilabasan na ang mga kaklase niya. "Enrico, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kaniya nang lumabas siya. Nakakainsultong mga ngiti ang iginawad niya sa akin. "For what, Emerald? Pagkatapos kong makita na doon kayo galing ni Daniel Carters, sa loob ng unit mo? Gold digger ka rin katulad ng tiyahin mo! Tama lang na habang maaga nakilala ko ang tunay mong pagkatao. Akala ko iba ka sa lahat, pero mas masahol ka pa sa tiyahin mo!" panunumbat niya sa akin. Pumatak ang mga luha sa aking mga mata dahil sa masasakit na salita na binitiwan niya sa akin. "Enrico, patawarin mo ako. May dahilan ako upang makipaghiwalay sa'yo. Patawarin mo ako kung nasaktan kita," umiiyak kong wika sa kaniya. Wala akong pakialam kung may mga estudyante na dumadaan at nakikita ang pagpatak ng aking mga luha. "Tantanan mo na ako, Emerald. Huwag ka ng magpakita sa akin dahil para ka ng basura sa paningin ko!" Masakit na salita niyang sabi sa akin. Tinalikuran niya na ako. Parang malusaw ang puso ko sa sobrang sakit. Pinalis ko na lamang ang aking mga luha. Nasaktan ko na si Enrico at hindi ko na mababawi iyon. Nagtungo na lamang ako sa dagat. Maaga pa natapos ang last subject namin. Mag-isa ako na nakatayo habang nakatanaw sa mga alon na hinahampas sa dalampasigan. Sa ganoon akong sitwasyon nang tumunog ang aking cellphone. Agad kong tiningnan iyon. Si Tita Margaret ang tumatawag, kaya agad kong sinagot ang tawag niya. "Hello, Tita?" kumusta na po kayo?" "Mabuti naman, iha. Ikaw kumusta na? Ano ba ang nangyari sa inyo ni Enrico? Talaga bang wala na kayo?" Napabuntong hininga ako ng malalim sa tanong na iyon ni Tita. "Tita, ikakasal na ako. subalit hindi kay Enrico. Sorry Tita," hingi ko ng paumanhin kay Tita Margaret. "Ano? Mag-aasawa ka at sino? Emerald, naman! Bakit mo sinaktan ang damdamin ni Enrico? Anong ikakasal ka sa iba?" gulat at nag-aalalang tanong ni Tita sa akin. "Tita, hindi ko sinasadya na saktan ang damdamin ni Enrico. Nahihiya na ako sa inyo ni Tito Frederico. Huwag po kayo mag-alala dahil papaaralin ako ng magiging asawa ko. Magpapatulong ako sa kaniya, para mahanap ko ang totoo kong mga magulang. Tita, sa araw ng kasal ko pumunta kayo, ha?" wika ko sa kaniya. Alam kong naguguluhan si Tita Margaret sa mga sinasabi ko. Subalit wala naman akong kamag-anak rito, kaya gusto ko nariyan siya sa araw ng kasal ko kahit na hindi ko mahal ang lalaking papakasalan ko. "Ano ba itong ginagawa mo, Emerald? Binibigyan mo ako ng sakit ng ulo. Ano ba ang nangyayari sa'yo at bakit magpapakasal ka sa iba at hindi kay Enrico? Isang taon na lang ga-graduate ka na at si Enrico graduating na rin ngayong closing ng klase. Pagkatapos niyong mag-aral pwede na kayong magpakasal, pero bakit ikakasal ka sa iba?'' hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Tita sa akin. "I'm sorry, Tita. Hayaan niyo lang po ako sa gusto ko. Basta huwag po kayong mawala sa araw ng kasal ko dahil kayo lang po ang pamilya na mayroon ako," sabi ko sa kanya kahit na ang totoo hindi kami magkamag-anak o magkadugo man lang hindi ako anak nila Mommy at Daddy. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Tita sa kabilang linya. "Siya, sige. Magpapahinga muna ako. Mag-ingat ka riyan. Mag-usap na lang tayo kapag pumunta ako riyan," sabi pa ni Tita sa akin at naputol na ang kabilang ninya. Napatingala na lamang ako sa kalangitan. Parang gusto ko magsumamo sa langit, kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Isang oras pa ang lumipas dumating ang sasakyan ni Daniel. Kahit saan ako magpunta nahahanap niya ako. Alam ko naman na bawat kilos ko may mga mata siya na nakatingin sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Daniel sa akin. Tumingin ako sa kanya at nagtataka rin siyang tumingin sa akin. "Umiyak ka na naman?" tanong niya sa akin. "Tumawag si Tita. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa kasal natin. Pinapapunta ko siya rito dahil siya lang ang pamilya ko," sabi ko kay Daniel. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Walang problema para makilala rin siya ng pamilya ko. Tara na pupunta tayo sa designer na gagawa ng gown mo," aya nito sa akin. Hindi na ako tumanggi pa sa kaniya. Nagtungo kami sa sasakyan niya. Habang nasa byahe kami tahimik lang ako at tahimik lang din siya. Hanggang nakarating kami sa opisina ng sikat na designer. Inalalayan niya akong bumaba sa kaniyang sasakyan. "Kaya kong bumaba, kaya huwag mo akong hawakan!" masungit kong sabi sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya. "Fine! Pagbaba ko ng sasakyan sabay na kaming dalawa pumasok sa loob. Ang gaganda ng mga gown na naka-display sa maniquen. Tumuloy kami sa opisina ng designer. "Good afternoon Mr. Daniel Carters. Have a seat," bati sa kanya ng isang babae na kung hindi ako magkamali nasa apat na put taong gulang na ito. "Ito ang fiancee ko, Miss Lucille si Emerald Madrigal de Vera, Emerald, siya si Miss Lucille, ang gagawa ng gown mo, pakilala ni Daniel sa akin sa designer. Ngumiti ako sa kanya at nakipagkamay. "Nice to meet you miss, Emerald. Ito ang chart ng mga gown. Pumili ka kung ano ang design na gusto mo ipagawa," sabi pa nito sa akin sabay abot ng catalog ng mga design ng gown. "Thank you," tipid kong pasalamat sa kaniya at binuklat ang katalog. "Mamili ka lang riyan honey, kahit anong gusto na design kayang gawin iyan ni Miss Lucille," sabi pa sa akin ni Daniel. Kampante itong nakaupo sa sofa. Ang laki ang mga mata ko na makita ko ang loob ng catalog, hindi dahil sa magaganda ang gown kaya nanlaki ang mga mata ko, kundi sa presyo ng mga ito. Ang pinakababa lang yata na presyo ng gown ay 25,000 dollars. Mayroon pang 100,000 dollars, subalit ang pinakamahal ay ang 500,000 dollars. "What's wrong, sweetheart? Wala ka bang nagustuhan?" tanong pa sa akin ni Daniel ng itiklop ko ang catalog. "Wala bang mas mura?" tanong ko sa kaniya. "Honey, maganda ang mga gowns nila, saka bakit ang mumurahin ang hinahanap mo? Gusto ko sa kasal natin ikaw ang pinakamaganda, kaya huwag ka na maghanap ng mas mura," sabi pa ni Daniel sa akin. "Pero sayang naman ang pera dahil isang beses ko lang naman susuotin ang gown," pangangatwiran ko sa kaniya. Sa ganoon kalaking pera maraming mga bata ang matutulungan sa ganoong kalaking halaga. Isang beses ko lang naman iyon susuotin, pwede na nga sa akin yung simple lang. "Hindi ba pwede na sa huwes na lang tayo ikasal?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Nagsalubong ang kilay niya na tumingin sa akin. "Minsan lang tayo ikakasal. Bakit ba parang nagtitipid ka? Eh, ako naman ang gagastos ng lahat?" sabi pa nito sa akin. "Pero ang mahal nga ng gown. Pwede naman tayong mag-renta lang dahil isang beses ko lang naman isusuot," sabi ko sa kaniya. Parang naiinip siya kaya kinuha niya sa akin ang catalog. "Itong 500,000 ang kukunin namin Miss Lucille. Bukod sa maganda ang design niya, mukhang napaka elegante tingnan." Lalo pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daniel sa designer. Sa 25,000 palang nga hinayang na hinayang na ako, sa $500,000 pa kaya? "Sige, Mr Daniel. Sukatan ko lang si Ma'am," tugon naman ng designer kay Daniel. "Pero, daniel yong 25,000 na lang. Maganda rin naman ang design," protesta ko kay Daniel. Ewan ko ba parang ako ang nanghihinayang kahit sabihin na hindi ko iyon pera, pero sobrang laki na ang $500,000. "Honey, minsan ka na nga lang ikakasal, kaya dapat lubos-lubusin na natin. Sabi mo nga isang beses ka lang ikakasal, kaya bakit magtitipid tayo?" sabi pa nito sa akin. Tama nga ang Mommy niya, kung ano talaga ang gusto niya iyon ang masusunod. Pero sa akin hindi pwede ang ugali niyang iyon. Waldas siya sa pera hindi siya marunong magtipid. "Hindi, okay na ako sa 25,000. Kung ipipilit mo ang gusto mo na 500,000 ikaw na lang magpakasal mag-isa," masungit kong sabi sa kaniya. Nagsalubong na naman ang mga kilay niya na nakatingin sa akin na para bang nagtataka siya. Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago siya nagsalita. "Okay, fine! it's up to you. Pero pumili ka pa ng ibang design, baka may magustuhan ka pa," sabi pa nito sa akin. Ang kagandahan lang sa gown ay kompleto na. May sandals na itong kasama. At bukod sa gown ng bride ay bukod pa ang bayad sa gown ng made of honor at abay. Kung nandito lang sana si Hannah, siya ang gusto ko na naging made of honor, kaso nasa Holand siya. Si hana lang ang naging kaibigan ko na nakakaunawa at naniniwala sa akin. Dahil mapilit si Daniel $100,000 na ang kinuha naming gown. Kung sabagay tama siya dahil minsan na nga lang ako ikakasal, at siya naman ang gagastos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD