Episode 1

2110 Words
Chapter 1 Emerald Ilang araw sumakit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Tita sa akin. Ilang araw na rin ako hindi nakatulog sa kakaisip na hindi pala ako tunay na anak ni Mama at Papa. Pakiramdam ko sa aking sarili para akong singaw na basta na lang nabuhay sa mundong ito. Ilang araw na rin na hindi ako nakapasok sa eskuwelahan. Patong-patong ang problema na hinaharap ko. Nakakulong lang ako sa silid na ito. Kahit bumaba sa ground floor hindi ko magawa. Natatakot ako na magkita kami ni Enrico. Pangungutya at pang-iinsulto lang ang napala ko sa kaniya noong sinubukan ko siyang kausapin upang magpaliwanag. Hindi ko rin sinasagot ang tawag ni Danilel. Bahala siya kung ano pa ang gagawin niya. Naalala ko tuloy ang araw na nakilala siya at pinagsisihan ko iyon. Naglalakad kami ng mga ka-klase ko na sina Lira, Anne at Samantha nang pinag-uusapan namin ang tungkol karanasan nila ng mga boyfriend nila. Sa aming apat ako lang ang virgin. Kahit magkasintahan kami ni Enrico, noon hindi niya hiningi sa akin na kunin ang p********e ko. Iginalang niya ako at minahal. “Ikaw Emerald? Ilang beses ng may nangyari sa inyo ni Enrico?’’ tanong ni Anne sa salitang English sa British accent nito. “Ha?’’ Natulala ako sa tanong niyang iyon. “Huwag mong sabihin na virgin ka pa?’’ Tinaasan ako ng kilay ni Samantha habang tinatanong niya iyon sa akin. “Hindi na ako virgin, noh? Hindi ko matandaan kung ilang beses na may nangyari sa amin ni Enrico,’’ pagsisinungaling ko sa kanila subalit hindi sila kumbinsido sa sinabi kong iyon. “Totoo? Sige, nga kung hindi ka na virgin, halikan mo ang lalaking iyon na nakasandal sa sasakyan niya?’’ utos ni Lira sa akin. Dito kasi sa pinapasukan kong paaralan, liberated ang karamihan na mga babaeng estudyante rito. Bubulihin ka nila kapag nalaman nila na virgin ka pa. Si Lira 15 pa lang daw siya noong na virgin siya ng una niyang nobyo. Si Samantha naman de sy saes nang ma virgin ng kasintahan niya ngayon. At sila Anne naman de sy siete nang ibigay niya ang sarili sa kasayaw niya sa disco. “Sige, nga, Emerald. Kung talagang hindi ka na virgin halikan mo ang lalaking iyon. Huwag ka mag-alala hindi naman namin sasabihin kay Enrico. Katuwaan lang naman!’’ turan pa ni Samantha, habang si Lira tinulak-tulak pa ako upang lapitan ko ang lalake. Para hindi ako mapahiya sa kanila para akong tanga na sinunod ang utos nila. Pinahawakan ko kay Samantha ang aking shoulder bag at note book na dala. Huminga ako ng malalim bago ako unti-unting lumapit sa lalake. Nakasalamin ito ng kulay brown. Matangos ang ilong nito saka manipis ang labi sa pang-itaas na namumula-mula. Taas noo ako na humarap sa lalake at hinawakan ang kaniyang pisngi. Tumingkayad ako at walang alinlangan na hinalikan ang kaniyang labi. Wala akong pakialam kung may mga ilang estudyante ang nakatingin sa amin. Ilang sigundo lumapat ang mga labi namin. Bahagya niya akong naitulak nang may tumawag sa pangalan niya. “Daniel?’’ sabay kaming napalingon sa boses ng babae na nasa harapan na namin. “Lucy?’’ banggit ng lalake. Malakas na sampal ang ginawa ng babae sa lalaking hinalikan ko. Namumula ang mga mata nito at nagtutubig na. Masakit ang tingin niya sa lalake. "She is your new toy? From now on we break!” Isa pang sampal ang iginawad ng babae sa lalake bago ito tumalikod. Napapikit ng mata ang lalake saka suminghap muna ito ng hangin bago tumingin sa akin ng masakit. Ngumisi ito sa akin ng nakakaloko. “You ruined my day. I will ruin your life too. Because you kissed me and my girlfriend broke up with me, from now on you aremy girlfriend. You cannot escape my hands. Remember what I said, we're not done yet!” Pagkasabi niya ng ganoon sa akin binuksan niya ang magara niyang sasakyan at masakit na tingin muna ang iginawad niya sa akin bago ito pumasok sa loob ng sasakyan. Napaatras ako at nahawakan ko ang aking dibdib dahil sa kaba. Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan. Lumapit naman sa akin ang tatlo at hindi rin nila inaasahan ang mangyari. “Gaga, si Lucy ang girlfriend ng lalaking iyon. Ibig sabihin ang lalaking iyon ang anak ng may ari ng school natin,’’ pigil na tili na sabi ni Anne, habang niyuyugyog ang balikat ko. Wala na akong maintindihan sa sinabi nila dahil sobrang kaba ng dibdib ko. “Oh, noh! Emerald, hindi basta-basta ang hinalikan mo. Baka manganib ang buhay mo,’’ sabi pa ni Ann sa akin. Simula nang nangyari iyon kinabukasan pagpasok ko sa paaralan lagi na akong minamanmanan ni Daniel sa paaralan. Hanggang sa nakuha nito ang mga impormasyon tungkol sa akin. Bumalik ang tanaw ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang malakas na kalabog nang pintuan. Isang saglit pa bumukas ang pintuan ng aking condo unit at bumanungad si Daniel. “How are you, Baby? Didn't you expect to see me?” tanong nito at unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko. Nakaupo kasi ako sa sofa habang nag-iisip ng mga nangyari sa buhay ko. “Ano ang kailangan mo?’’ tanong ko. Tinatamda akong harapin siya. “Iligpit mo ang mga gamit mo at lilipat ka sa bahay. Ilang araw ka na raw hindi nakapasok sa school.” Umupo ito sa tabi ko at kampanting nag-de kuwatro ng upo. “At sino ka upang sundin ko?’’ galit kong tanong at padabog na tumayo. Subalit agad niya rin hinila ang aking kamay, kaya naupo ulit ako sa tabi niya. “I’m Daniel Carters. The Sole heir to the fortune of Nestor Carters and Daniela Carters. At my age I run five businesses. Come to my home and be my wife. You will have a good life with me, Emerald.” Seryoso ang kaniyang mukha habang inaalok niya iyon sa akin. Kahit malamig ang expression ng kaniyang mukha makikita ang kaseryosohan nito. “Anong mayroon ako na nagustuhan mo ako, Daniel?’’ walang kurap-kurap na tanong ko sa kaniya. “Ang halik mo, Emerald,’’ tipid niyang sagot sa akin subalit hindi ako naniniwala. “Aksidente lang ang halik na iyon, Daniel. Pinagsisihan ko ang araw na iyon sa buong buhay ko.” Nagatatagisan ang mga ngipin ko habang sinasabi ko iyon sa kaniya. Kumibot ang labi niya sa sinabi ko. “Hindi iyon aksidente, Emerald. Ginusto mong halikan ako ng araw na iyon. Na siyang dahilan na hiniwalayan ako ni Lucy, kung nagsisis ka sa araw na iyon natutuwa ako at ginawa mo iyon dahil nakalaya ako kay Lucy dahil siya na mismo ang nakipaghiwalay sa akin.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niyang iyon, subalit hindi ko na iyon pinansin pa. “Ano ang kapalit kapag hindi ako pumayag sa gusto mo na magpakasal sa’yo at umuwi sa bahay mo?’’ wala sa mood kong tanong. “Guguho ang negosyo ng asawa ng Tita mo. Pupulutin sa kangkungan ang ex-boyfriend mo. Bawat trabaho na papasukan mo mawawala sa kanila ang mga negosyo nila, kaya pumili ka. Papakasalan mo ako o guguho ang mundo ng ex-boyfriend mo?’’ Napabuntong-hininga ako ng malaim. Alam ko kaya niyang gawin ang sinabi niyang iyon dahil makapangyarihan ang pamilya niya sa bansang ito at sa ibang bansa. Ang naririnig ko noon magaling ang anak ng may-ari ng paaralan na pinapasukan ko pagdating sa business. Kapag sinabi niyang ipapasara niya ang isang kompanya na bumabangga sa kaniya isang pitik lang ng kaniyang daliri ay nagsasara ito. Paanong hindi magsara kung ginagamitan niya ng pananakot at dagdagan pa na makapangyarihan ang mga magulang niya. Napalunok ako ng sarili kong laway nang dumampi ang hangin mula sa kaniyang labi sa aking tainga. “Deal or no deal?’’ bulong nito. “Bigyan mo pa ako ng isang linggo para makapag-isip,’’ wika ko sa kaniya upang makapag-isip pa ako ng gagawin ko kung paano makawala sa bitag niya. “Time is diamond for me, Emerald. Ayaw ko na sinasayang ang oras ko. Pack your things because someone is moving into this unit tonight.” Napa-roll eye na lang ako sa sinabi niyang iyon. Ano pa ba ang magagawa ko, kundi ang sundin ang iniutos niya. Padabog akong tumayo at nagtungo sa aking silid. Mga mahahalagang gamit ko lang ang nilagay ko sa aking dalawang maleta at isang bagpack na malaki. Pagkatapos kong mag-impaki lumabas ako bitbit ang aking dalawang maleta. Ang Impaktong Daniel, kampanti pa rin ang posisyon niyang nakaupo sa sofa at nanunuod ng televesion. “Baka naman puwede kang tumayo riyan para naman tulungan ako na bitbitin itong mga maleta ko?” naiinis kong utos sa kaniya. Pinatay niya ang tv at tumayo sa sofa. Lumapit siya sa akin. Akala ko kukunin niya ang mga maleta sa kamay ko subalit hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Inakbayan niya ako saka bumulong ito sa aking tainga na siyang nagpatayo ng balahibo ko sa aking buong sistema. “Hayaan mo na ang mga tauhan ko ang kumuha ng mga dala mo, let’s go.” Pagkasabi niya ibinababa niya sa aking beywang ang kaniyang mga kamay. Magpupumiglas pa sana ako subalit natangay na ako sa kaniyang paglakad. “Puwede naman tayong maglakad na hindi ka nakahawak sa beywang ko,’’ sabi ko nang makalabas na kami ng condo unit ko. Sinubukan kong iwaksi ang kaniyang kamay subalit mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa aking beywang. “Gusto ko malapit sa magiging asawa ko. Masama ba?’’ Hindi na ako sumagot pa sa klase ng tanong niya. Binitiwan niya lang ang beywang ko nang dumating kami sa elevator. Subalit nang nasa ground floor na kami muli niyang hinawakan ang beywang ko. Tamang-tama naman na papasok si Enrico sa kabilang elevator. Nakita niya ako na hawak ni Daniel ang aking beywang. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano ang mukhang iharap ko kay Enrico. Subalit kailangan ko siyang hiwalayan dahil alam kong hindi nagbibiro si Daniel sa banta niya sa akin. Masakit ang mga titig ni Enrico sa akin, kaya ako na ang bumawi ng tingin. Pagdating sa labas ng building naghihintay na ang sport car ni Daniel sa tapat ng building. Nakatayo ang dalawa niyang body guard. “Kunin niyo ang mga gamit ni Emerald sa unit niya at dalhin niyo sa bahay.” Tumango ang dalawa sa utos ni Daniel sa kanila. “Opo, Boss.” Sabay ng dalawa ay tumalikod na ang mga ito. Pinagbuksan ako ni Daniel ng sasakyan sa front seat. Pumasok na ako at umupo sa front seat. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan. Umikot siya sa driver seat at binuksan ang pinto saka naupo sa harap ng manobela. Binuhay niya na rin ang makina. “Saan mo gutso kumain?’’ tanong nito at pinatakbo na ang sasakyan. “Busog ako,’’ walang gana kong sagot sa kaniya at bumaling ako sa bintana at pinagmasdan ang mga matatayog na building na dinadaanan namin. “Do you love, Enrico?” Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon, subalit minabuti kong huwag ng umimik. “Hey, answer my question.” Napakibit-balikat na lang ako sa utos niyang iyon. “Hindi ko na kailangan sagutin iyon, Mr. Carters. Alam mo na kung ano ang isasagot ko sa’yo.” Pigil ang pag-agos ng mga luha ko. Naalala ko na naman ang titig ni Enrico sa akin. Hindi ko masabi sa kaniya na bina-blackmail ako ni Daniel, kaya ako nakipag-break sa kaniya. Kinagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi upang hindi matuloy ang luha na gustong lumabas sa aking mga mata. “I want to hear your answer, Emerald. Mahirap ba sagutin ang tanong ko?’’ Medyo may halong inis na sa kaniyang boses. “Yes, I love him, more than you know,’’ nagtatagisan ang mga ngipin kong sagot sa kaniya. “Hum! Then, forget him!’’ Natawa rin ako ng pagak sa sinabi niyang iyon. “Hindi matuturuan ang puso kung kailan mo kalimutan ang taong minahal mo. Do you love me, Daniel?’’ Kumibot ang labi niya sa tanong kong iyon. “Whether I love you or not, you still have to marry me.” Wala talaga akong matinong sagot mula sa kaniya. Hindi ko alam kung naglalaro-laro lang ba kami o magbabahay-bahayan? “Bakit kailangan kong magpakasal sa’yo? Halik lang naman ang kinuha ko sa’yo, bakit kailangan mo akong pakasalan?’’ kunot-noo kong tanong sa kaniya. “Ikaw ang dahilan na iniwan ako ng girlfriend ko. Sinabi ko rin naman sa’yo noon na buong buhay mo kukunin ko dahil sinira mo ang araw ko noong hinalikan mo ako.” Bahagya siyang sumulyap sa akin matapos niyang sabihin iyon. Subalit alam ko na hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit niya ako inalok ng kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD