Chapter 48 Emerald Tatlong araw na ang nakalipas ng umalis si Tita, papunta sa Holand, Natutuwa talaga ako ng malaman na si Rico, pala ang totoong tunay niyang anak. Mabuti pa si Enrico, nalaman niya kung sino ang tunay niyang ina. Sino ba naman ang mag-aakala na anak pala siya ni Tita Margaret. Ako itong ampon, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang tunay kong mga magulang? Hindi ko na lang iyon pinapansin baka kasi sa halip na matuwa ako, eh ma disappoint pa ako kapag nalaman ko kung sino sila. Dalawang gabi na rin na doon ako natutulog kina Tita Tinay, pero sa pagkakataong ito dito ako matulog sa bahay. Kasama ko naman si Sugar, nangangalay ang aking mga binti kapag naglakad ng malayo Maghapon lang ako nakatunganga dito sa labas ng bahay. Ilang sandali pa dum