Episode 4

2164 Words
Chapter 4 Emerald Nasa balcony ako sa pangalawang palapag nang marinig ko ang tawa ng isang babae. Parang kinikiliti ito. "Hindi ka pa rin nagbabago, sweetheart. Alam ko naman na ako pa rin ang hanap-hanapin mo," narinig ko pa na sabi ng babae sa kung sino man ang kalampungan nito. Sumilip ako mula sa kinaroroonan ko. Nakita ko ang paghaharutan ni Daniel at ng isang babae. Kitang-kita ko na nakaangkla ang kamay ng babae sa leeg ni Daniel at nakita ko rin kung paano niya halikan ang labi ni Daniel. Ang tagal lumapat ng kanilang mga labi. "Nakakadiri!" naiinis kong sambit. Ang kapal rin naman talaga ng mukha niya magdala pa ng babae rito sa pamamahay niya habang nandito ako at inaalok ng kasal. Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ba talaga ang plano ng Daniel na iyon sa akin. Bakit hindi na lang ang babaeng kasama niya ang inalok niya ng kasal. Sinundan ko sila ng tingin habang papunta sila sa sarili nitong silid. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at kusa na lang humakbang ang aking mga paa upang sundan sila. Tuluyan na silang pumasok sa silid ni Daniel, habang magkalapat ang kanilang mga labi. Isinara nila ang pintuan. Dahan-dahan akong lumapit doon. Idinikit ko ang aking tainga sa may pinto. Naririnig ko pa ang harutan nila sa loob. Pamilyar sa akin ang babaeng iyon at parang iyon ang girlfriend ni Daniel na si Lucy. "Promise me na ako lang ang mamahalin mo. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin, Babe. I'm sorry sa nagawa kong pagsampal sa'yo," malandi na sabi ng babae kay Daniel. "Kalimutan mo na iyon, sa ngayon paligayahin mo muna ako," narinig kong sabi ni Daniel sa babae. "Yes, sweetheart, paligayahin kita," malanding tugon ng babae kay Daniel. Tumahimik sa loob. Wala ng kumikibo at kung hindi ako nagkamali lumalapat na naman ang kanilang mga labi. Iniisip ko pa lang ang gingawa nila kinikilabutan na ako. Ilang minuto pa ako nanatili sa may pintuan at nakikiramdam. Ilan sandali pang lumipas narinig ko na lang ang ungol ng babae. "Uhmmm... Daniel, just like that. Lick my pu$$y. Ahhh. Yes!" halinghing ng babae. Nanayo ang balahibo ko sa mga naririnig kong ungol. Nandidiri ako sa ginagawa nila. Lalo pang lumakas ang ungol ng babae. Sa sobrang inis ko sinipa ko ang pintuan. "What is that?" narinig kong tanong ng babae. Dali-dali na akong tumakbo sa aking silid. Mga baboy! Pagdating ko sa aking silid umupo ako sa kama. Nakakuyom ang aking kamao habang iniisip ko ang nagaganap sa silid ni Daniel. Humiga ako at ipinikit na lang ang aking mga mata. Subalit hindi rin ako makatulog dahil umaalingaw-ngaw pa rin sa tainga ko ang boses ng babaeng iyon. Bumangon ako nang marinig ko na may kumakatok sa may pintuan. Pagbukas ko bumungad si Manang Leticia. "Ma'am, nakahanda na po ang hapagkainan. Mauna na lang po raw kayo kumain sabi ni Sir Daniel kanina." Kumibot ang labi ko sa sinabi ni Manang. "Alam ko na hindi siya sasabay sa akin sa pagkain dahil busog na siya sa pu$$y cat ng babae niya. Kainin niyo na lang po, Manang. Yayain niyo po ang mga kasama ninyo. Wala po kasi akong gana kumain," tanggi ko kay Manang Leticia. "Pero, hindi po pwede, Ma'am. Mapapagalitan po kami ni Sir. Kumain na po kayo Ma'am, kahit kaunti lang," pakiusap ni Manang sa akin. "Busog pa ako, Manang. Mamaya na lang po ako kakain kapag nagutom ako. Bababa na lang po ako mamaya." Hindi na ako pinilit ni Mamang, lumabas na ito sa aking silid. "Sige, Ma'am. Tawagin niyo na lang po ako kapag gusto niyong kumain para maipaghanda ko po kayo," sabi ni Manang sa akin bago ito tumalikod. Pagbaba ni Manang, humiga ako sa aking kama. Gusto ko na lang itulog ang gutom ko. Naalala ko na naman si Enrico. Sana maunawaan niya ako kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. Naaalala ko ang masasaya naming araw. Ang mga pinagdaanan namin. Pareho naming kino-comfort ang isa't isa noon. Subalit ngayon pareho kaming may pinagdadaanan subalit hindi na namin ma-comfort ang isa't isa. Galit siya sa akin at ako ang dahilan ng kanyang pagkabigo. Hindi ko alam kung paano ako humantong sa ganito? Kusa na naman pumatak ang aking mga luha. Nakikita ko ang galit na mukha ni Enrico. Sinira ko ang tiwala niya at sinaktan ko ang damdamin niya. Ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog at nakaramdam na ako ng gutom. Bumangon ako at bumaba upang magtungo sa kusina. Tiningnan ko ang aking relo alas-dies na ng gabi. "Ma'am, ipaghanda ko po kayo ng pagkain?" tanong sa akin ng isang kasambahay. "Sige po, Ate. Nasaan si Manang Leticia?" tanong ko. "Nandito ako, iha," sagot naman ni Manang sa akin. Nasa dirty kitchen siya. Ngumiti lang ako sa kanila. Nakita ko sa lamesa na may nakahandang pagkain na nakalagay sa tray dalawang baso at dalawang plato na may lamang pagkain ang nakalagay sa tray. "Para kanino ito?" tanong ko sabay hawak sa tray. Nagtinginan ang mga kasambahay na para bang may takot sa kanilang mga mata. "Nagpapadala kasi si Senorito Daniel, ng pagkain sa kanyang silid." Si Manang Leticia na ang sumagot sa tanong kong iyon. Marahil nagutom na ang dalawang naglalampungan kanina. May kung ano ang kalokohan na sumilay sa isip ko. "Ako na ang maghahatid nito kay Daniel, Manang." Naging aligaga ang mga kasambahay sa offer kong iyon. "Ma'am, ako na po. Mapapagalitan po ako ni señoriito Daniel, kapag kayo po ang nagdala niyan sa silid niya," agad na pigil sa akin ni Manang. Alam ko ang ibig niyang sabihin ayaw niya lang makita ko na may babae sa silid na iyon ni Daniel. ''Ako na, Manang. Gusto ko lang siguraduhin kung mabubusog ang dalawa sa inihanda niyo sa kanilang pagkain," sarkastika kong sabi kay Manang. "Huwag kang mag-alala Manang dahil sagot kita," dugtong ko pang sabi kay Manang. Binuhat ko na ang tray at pagkatapos dinala ko sa silid ni Daniel. Pagdating ko sa tapat ng kanyang silid sinubukan kong buksan ang pintuan subalit nakapadlak ito, kaya kumatok na lamang ako. Ilang sandali pa bumukas ang pintuan at bumangad ang babae na nakatapis lang. "Tamang-tama at katatapos lang namin mag-shower ni Daniel," sabi ng babae na hindi man lang tumingin sa mukha ko. Nakatuon ang pansin niya sa pagkain na dinala ko. Walang imik na pumasok ako sa loob ng silid ni Daniel. Nagulat pa siya ng makita ako. Nakaupo siya sa sofa habang nakasuot ng roba. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at pabagsak kong inilapag ang tray sa lamesita sa harap niya. "Gutom ka na ba? Heto at dinalhan ko kayo ng pagkain. Mukhang hindi ka yata nabusog sa pagkain na inihain sa'yo ng girlfriend mo," nakakauyam kong sabi kay Daniel. Hindi siya nakaimik sa pagkabigla dahil sa pagsulpot ko sa silid na ito. "Hey, who are you?" tanong sa akin ng girlfriend niya sa maarting boses. Taas ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng aking kilay. "Ako lang naman ang pinipilit ng boyfriend mo na pakasalan siya. Hindi niya ba nasabi. Cz sa'yo? Nagsukat na nga ako ng gown para sa kasal namin. In-invite ka ba niya?" sarkastiko kung tanong sa babae. "Emerald, keep your mouth!" banta sa akin ni Daniel, subalit hindi ako nagpatinag sa kanya. Parang hindi maipinta ang mukha ng babae nang marinig niya ang sinabi ko. "Daniel, hindi ba siya ang babae na humalik sa'yo at naging dahilan kung bakit naghiwalay tayo?" Nanlalaki ang mga mata ng babae na tanong kay Daniel. "Lucy, huwag mong pansinin si Emerald. Hali ka rito kumain na tayo," aya pa ng walang hiyang lalaki sa girlfriend niya. Parang wala lang sa kaniya na nagkaharap kami ng girlfriend niya. "Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo, ano? May girlfriend ka, pero ako itong peniperwisyo mo! Bakit hindi itong girlfriend mo ang pakasalan mo?" Mataas na boses kong tanong kay Daniel. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga panga. "Ipaliwanag mo sa akin Daniel, kung ano ang sinasabi ng babaeng ito?" garalgal na tanong ng babae kay Daniel. "Well, hindi ba maliwanag sa'yo? Ginagawa ka lang parausan ng boyfriend mo," sarkastiko kong sabi sa babae. "Emerald, enough!" sigaw ni Daniel sa akin. Ang gulo ng kanyang kama, halatang nagpakasarap sila. Tumayo ito at lumapit kay Lucy. "Mag-usap na lang tayo bukas. Magbihis ka na dahil ihahatid na kita sa bahay niyo," sabi ni Daniel kay Lucy. Para bang invisible ako sa paningin ng animal. "Bakit bukas pa kayo mag-uusap, kung pwede naman ngayon? Ano pagkatapos ng kasal natin gagawin mo siyang kabit? Hindi lang pala ang kilay mo ang makapal, Daniel kundi pati ang pagmumukha mo!" lakas loob kong sabi kay Daniel at bumaling naman ako kay Lucy. "At ikaw na babae ka, hindi ba tinanong mo ang hinayupak mong boyfriend na iyan kung ako ang bago niyang laruan? Oo, ako nga ang bago niyang laruan at ikaw ang kaniyang pinagsawaan. Naniniwala ka sa kaniya na mahal ka niya?" mapang-insulto kong tanong kay Lucy. Lalong ng laki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Walang hiya kang babae ka, hali ka rito at kakalbuhin kita!" sigaw ni Lucy at akmang hahablutin niya ang aking buhok subalit agad naman siyang napigilan ni Daniel. "Magsama kayong dalawa! Pareho kayong baboy!" sabi ko sa kanilang dalawa at tinalikuran ko na sila. Bumaba ako sa hagdan at lumabas ako ng mansyon. Tinakbo ko mula sa pintuan hanggang sa gate, subalit pagdating ko sa gate hinarang ako ng security guard marami din mga bodyguard ang nakapalibot sa paligid. "Buksan mo ang gate!" utos ko sa security guard. "Ma'am, pasensya na po pero kabilin-bilinan ni Sir Daniel, na hindi po kayo papalabasin hangga't walang permiso niya." Nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi ng security guard. Talagang hindi ako makakaalis basta-basta rito. "Pasensya na po Ma'am, pero papatayin kami ni Sir Daniel kapag pinalabas ka namin," sabi pa ng isang security guard na kasama ng isa. Bagsak ang balikat ko na tumalikod sa mga security guard. Nagtungo na lamang ako sa harden at naupo sa bench. Doon ko na lamang ibinuhos ang sama ng loob na nararamdaman ko. Iniyak ko na lang iyon. Ilang sandali pa ang lumipas lumapit sa akin si Manang. "Ma'am kumain na po kayo. Hindi pa po kayo nakakain," nag-alala nitong sabi sa akin. Pinunasan ko ang aking mga luha. "Wala po akong gana kumain, Manang. Hayaan niyo lang muna ako rito," sabi ko sa kaniya. Gusto ko kasi muna mapag-isa para makapag-isip ako ng maayos. Maraming mga bituin sa langin at maliwanag din ang buwan. Iniwan ako ni Manang. Nakaupo lang ako sa bench. Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa katangahan na nagawa ko. Ilang sandali pa ang lumipas nakita ko si Daniel at Lucy na lumabas sa mansion. Parang nagtatalo silang dalawa. "I'm done with you, Daniel! Akala ko ako ang pakakasalan mo! Pero, sinisigurado ko pa rin sa'yo na ako pa rin ang hanap-hanapin mo!" nanggagalaiti na sabi ni Lucy kay Daniel. "Edwin, pakihatid si Lucy sa bahay nila,'' sabi ng impaktong Daniel sa bodyguard niya. "Yes, boss!" tugon naman ng body guard niya. "Mag-usap na lang tayo sa susunod, Lucy. Puntahan kita sa inyo," sabi pa ng hinayupak na Daniel sa girlfriend niya. Inirapan lang siya ni Lucy at tumalikod na ito. Pagkaalis ni Lucy, nilapitan ako ni Daniel. "Bakit nandito ka sa harden? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito sa akin. "Sabihin mo sa mga security guard mo na palabasin nila ako!" galit kong sabi kay Daniel. "Saan ka na naman pupunta kapag pinalabas kita? Magmamakaawa ka roon sa boyfriend mo? Huwag kang mag-alala dahil pinadalhan ko na ng invitation card ang boyfriend mo para sa kasal natin," mapanuya pa nitong sabi sa akin na lalong ikinainis ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sampal ko si Daniel. Gumalaw ang panga niya sa pagsampal kung iyon sa kaniya. Nagtitimpi siya ng humarap sa akin. "Ano ba ang kasalanan ko sa'yo bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Bakit hindi ang girlfriend mo ang pakasalan mo? Ano ba ang pwede kong gawin para palayain mo ako?" garalgal na boses kong tanong sa kaniya. "Wala kang pwedeng gawin Emerald ,para maging malaya ka sa akin. Ikaw ang lumapit sa buhay ko kaya ito ang kabayaran sa paggasgas mo ng sasakyan ko at paghalik mo sa labi ko sa harap ni Lucy. Kaya huwag ka nang mag ilusyon na makasama pa ang boyfriend mo dahil kinamumuhian ka na niya. Magiging akin ka na Emerald, kaya ihanda mo ang sarili mo!" mariin nitong sabi sa akin. Nakakatakot ang klase ng tingin niya sa akin. "Hinding-hindi mo ako pagmamay-ari, Daniel. Pagsisisihan mo itong ginawa mo sa akin!" Galit kong sabi sa kaniya at tumalikod na ako. Umakyat na lang ako at nagtungo sa aking silid para itulog na lang ang sama ng loob na nararamdaman ko kay Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD