Cjapter 5
3rd POV
Nalalapit na ang araw ng kasal nila Daniel at Emerald. Nalalapit na rin ang araw ng graduation ni Enrico, subalit simula nang abangan ni Emerald si Enrico sa silid paaralan nito ay hindi na sila nagkikita. Wala na rin kahit isang lalaki ang tumatangkang lumalapit kay Emerald, maliban sa mga body guard na inuutusan ni Daniel upang bantayan siya. Simula nang malaman ng lahat na ikakasal na siya kay Daniel, naiilang ng lumapit sa kaniya kahit ang kaklase nilang lalaki. Kalat na rin sa buong university ang nalalapit na kasal nilang dalawa. Labag man sa puso ni Emerald na magpakasal sa lalaking hindi niya lubos kilala at mas lalong hindi niya mahal ay wala na siyang magagawa kundi sundin na lamang ang kagustuhan ng binata, kaysa mapahamak ang mga mahal niya sa buhay. Lalo na si Enrico, na siyang lubos niyang mahal.
Walang pasok ngayon si Emerald, kaya nasa mansion lang siya ni Daniel. Nakaupo siya sa gilid ng swimming pool nang dumating ang ina ni Daniel na si Donia Daniela.
"Mukhang busy ka yata, Iha?'' nakangiting bati sa kaniya ng Donia.
Tumayo si Emerald upang salubungin ang Donia.
"Good afternoon, Ma'am." bati nito at nakipagbiso-biso ito kay Donia Daniela.
Malawak ang mga ngiti ng Donia sa kaniya, kaya sinuklian niya rin iyon ng matamis na mga ngiti.
"May mahalaga ka bang gagawin ngayon?" tanong sa kanya ni Donia Daniela.
"Wala naman po, Mom? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Emerald, habang nakangiti sa matanda.
"Kung gano'n pwede mo ba akong samahan? May racing na naman na sinalihan ang kasintahan mo, kaya gusto ko puntahan natin siya at kumbinsihin na huwag ng sumali. Lagi na lang ako nine-nerbyos sa batang iyon," pagsusumamo ng ina ni Daniel kay Emerald.
Kung hindi lang mabait ang ina ni Daniel, hindi sana sasama si Emerald, subalit tila baga wala siyang karapatan na tumanggi sa Ginang.
Una ay wala naman talaga siyang pakialam kay Daniel, parang mas gugustuhin niya pa na madisgrasya ang binata para hindi matuloy ang kasal nila. Subalit hindi naman siya ganoon kasama kaya iwinaksi niya ang kanyang iniisip. Mabait naman sa kaniya ang ginang.
"Sige, Ma'am. Magbibihis lang po ako," tugon niya sa matanda.
"Sige, iha. Hindi na ako papasok hihintayin na lang kita rito."
Pumasok na si Emerald sa loob at nagtungo sa kanyang silid. Kung tutuusin sana mas gusto niya na hindi sila magkita ni Daniel dahil nasisira lang ang araw niya kapag nakikita niya ito.
Simple lang ang suot ni Emerald. Isang puting t-shirt at naka-short siya ng maong na lampas lang sa itaas ng kanyang tuhod. Naka rubber shoes lang siya ng kulay puti rin na bumagay sa kanyang kasuotan.
Pagkatapos niyang magbihis bumaba na siya at nagtungo sa kinaroroonan ni Donia Daniela.
"I like your outfit, iha. Kahit ano ang isusuot mo bagay na bagay sa'yo," buong paghanga na papuri sa kaniya ni Donia Daniela.
"Salamat po, kayo rin po parang nasa 30's pa lang kayo. Ano po ba ang sikreto ninyo Mom, at parang hindi kayo tumatanda? Ang sexy niyo pa rin tingnan," walang halong pambobola na sabi ni Emerald sa ina ng kaniyang mapapangasawa.
Nagsimula na silang humakbang patungo sa kotse ni Donia Daniela, na naka parking sa harap ng pintuan ng mansion.
Napakalawak kasi ng bakuran ng mansyon. Mayroon pang golf sa likod ng mansion.
"Tamang diet lang ang ginagawa ko at umiiwas na rin ako sa carbohydrates. Nag-e-exercise din ako paminsan minsan, saka pumupunta ako sa aking dermatologist. Kailangan nating e-maintain ang kagandahan natin. Kaya ikaw, kapag nag-asawa na kayo ni Daniel at nagkaroon na kayo ng mga anak huwag mong pabayaan ang sarili mo," payo pa ni Donia Daniela kay Emerald.
Parang gustong magsalita ni Emerald, na hindi niya pinangarap na magkaroon ng anak kay Daniel. Hindi alam ng Donia, kung ano ang pananakot na ginawa ng anak niya kay Emerald.
Ilang sandali pa sumakay na sila sa kotse ni Donia Daniela. Habang nasa sasakyan sila walang tigil ang kadaldalan ng Donia kay Emerald. Naaaliw naman si Emerald kapag nagsasalita ang donya at nagkukwento ito.
"Alam mo ba iha, na ayaw ko talaga sumasali si Daniel, sa mga racing na iyan? Sana ikaw na 'yong makapagpabago sa kaniya. Nakakatakot kasi kapag sumali ang batang iyan sa racing. Tiyak may mawawalan na naman ng kompanya kapag nanalo siya. Hindi mo akalain na pati ba naman sa pagre-racing ginagawang pustahan ang kompanya. Lahat ng ginagawa niya related sa mga negosyo. Manang-mana talaga siya sa Lolo niya noong nabubuhay pa."
Hindi na nagtataka si Emerald, sa sinabing iyon ni Donia Daniela sa kaniya. Kilala ni Emerald si Daniel na tuso, kaya hindi nakakapagtaka kung marami itong negosyo. At may mga ilang kompanya pa ito na hinahawakan.
"Hindi ko po maipapangako Mom, na mababago ko ang pag-uugali ng anak ninyo. Kung ang pagre-racing ang kinakahiligan niya mahirap po na pigilan siya. Kayo din po ang nagsabi na kahit kayo ay nahihirapan na kumbinsiya na tumigil siya sa pagre-racing, pero huwag po kayong mag-alala dahil gagawin ko kung ano ang makakaya ko."
Mas lalo pang nagugustuhan ni Donia Daniela si Emerald dahil hindi ito basta-basta sumusuko. Magaan ang loob ng donia kay Emerald. Una pa lang niya itong nakita nakuha na kaagad nito ang kaniyang loob.
"Salamat, iha. At least, susubukan mo na kumbinsihin si Daniel at sana ay makumbinsi mo siya," wika pa ni Donia Daniela kay Emerald.
Ngumiti lang si Emerald sa sinabi ng Donia. Ilan sandali pa ang lumipas nakarating sila sa location kung saan gaganapin ang racing competition. Mabuti at nakahabol pa sila at hindi pa nagsisimula ang racing.
Marami ang mga nanonood. At hindi maiwasan ni Emerald, na mamangha sa mga sasakyan na nakapalibot sa paligid. Ang mga motorbike ay napakagara at halatang mamahalin.
"Hali ka, iha. Doon tayo maupo," sabay turo ni Donia Daniela, sa harap mismo ng racing competition.
Nagtungo sila roon at naupo. Nahagip ng mga mata ni Emerald si Daniel. Napabuntong hininga na lamang siya nang makita si Daniel na pinupunasan ng isang babae ng pawis nito at inabutan pa ito ng tubig.
"Iha, baka kaibigan lang iyon ni Daniel, kaya huwag kang magalit, ha?" Nakita rin pala ni Donia Daniela ang eksena ni Daniel at ang kasama nitong babae.
Nakangiti na humarap si Emerald sa ginang. "Okay lang po iyon, Mom. Binata pa po ang anak ninyo, kaya natural lang na maraming nagpi-flirt na mga babae sa anak ninyo. Saka aware na ho ako riyan, Mom. Gwapo rin po kasi ang anak ninyo, pero oras po na ikasal na kami hindi na po pwede sa akin na may ibang babaeng nagpupunas sa mga pawis niya." May kahulugan ang sinabing iyon ni Emerald kay Donia Daniela.
Kung ano kahigpit si Daniel sa kaniya sinusigurado niya rin na mas mahigpit pa siya kaysa kay Daniel, kapag ikinasal na silang dalawa. Para kay Emerald, malaki ang karapatan niya na higpitan si Daniel oras na maikasal silang dalawa. Sinisigurado niya rin na hindi lang ang buhay niya ang magiging impiyerno, kundi pati na rin ang buhay ni Daniel.
Sinira ni Daniel, ang buhay niya kaya sinisigurado niya rin na magiging impiyerno rin ang buhay ni Daniel sa piling niya. At pinapangako niya sa kaniyang sarili na hindi niya ito mamahalin at kamumuhian niya ito habang nabubuhay siya.
"Makakatikim talaga ang batang iyan sa akin mamaya," sabi pa ng ginang at nahihiya ito kay Emerald dahil may ibang babae na kasama ang kanyang anak.
Ilang sandali pa ang lumipas nagsimula na ang karera. May mga suot din na helmet ang mga kalahok. Habang nanonood si Emerald ng racing, parang siya ang kinakabahan sa mga kalahok. Sobrang tulin kasi ang pagpapatak ng mga ito ng motor. At sa isang pisok lang na magkamali ang rider ay maaari itong maaksidente.
Hiyawan naman ang mga nasa paligid nila. Lalo na ng malampasan ni Daniel, ang pangatlong kalahok na nangunguna. May kung anong tuwa ang sumibol sa puso ni Emerald, nang maunahan ni Daniel ang pangatlo na nauuna. Si Daniel na ngayon ang pang third. At hindi pa nga umabot ng ilang minuto ay si Daniel na ang nangunguna.
Ang kasama ni Daniel na babae kanina tumayo pa ito sa sobrang tuwa.
Abot langit naman ang kaba ng ina ni Daniel, at panay ang sign of the cross nito at panalangin para sa kanyang anak na sana ay huwag itong maaksidente.
At dumating na nga sa finish line si Daniel ang nanalo, kaya palakpakan ang lahat maliban sa akin.
Agad na sinalubong ng babae si Daniel. Yumakap ito sa binata. Tuwang-tuwa naman si Daniel, dahil sa kanya na naman ang center of attraction. Ang iniisip niya ay marami na naman ang mag-e-invest sa kaniya sa binibinta niyang motor. Bagong model ang ginamit niyang motorbike. Siya ang may-ari ng kompanya na gumagawa ng de kalidad na motor bike dito sa amerika, subalit ang main branch nito ay nasa Holand.
Samantalang si Emerald, nakatingin lang kay Daniel. Hindi alam ni Daniel na nanonood si Emerald at ang Mommy niya sa racing na sinalihan niya.
"Iha, hali ka salubungin natin si Daniel," aya ni Donia Daniela kay Emerald.
"Dito lang po muna ako, Mom. Hihintayin ko na lang po kayo rito," tanggi ni Emerald sa Ginang.
Hindi na lang pinilit ng ginang si Emerald dahil nauunawaan naman nito ang nararamdaman ni Emerald. May ibang kasamang babae si Daniel, kaya alam ng ginang na masama ang loob ni Emerald. Subalit para kay Emerald, wala siyang pakialam kay Daniel.
Pinuntahan na nga ng ginang ang kaniyang anak at naiwan si Emerald. Habang nakaupo si Emerald, sa hindi kalayuan nakita niya sa Enrico. Hindi niya akalain na nanonood din pala si Enrico. Subalit ang masakit para kay Emerald, may kasamang ibang babae si Enrico at inaakbayan pa ito ng binata.
Ganoon siya kabilis pinalitan ni Enrico, parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ni Emerald, habang nakatingin kay Enrico at sa babae.
Gusto niya lapitan si Enrico at hablutin ang buhok ng babae, subalit hindi niya iyon magagawa sapagkat wala na sila ni Enrico at siya ang nakipaghiwalay sa binata.
Subalit ang hindi matanggap ni Emerald, mabilis siyang kinalimutan at pinalitan ni Enrico. Samantalang siya nananatili pa rin sa puso niya ang binata.
Hindi namalayan ni Emerald na pumatak na pala ang kaniyang mga luha. Agad niyang pinunasan ng kanyang kamay ang luha na dumadaloy sa kanyang mga mata. Hindi sinasadya na tumingin siya sa kinaroroonan nila Daniel, subalit nakatingin sa kanya si Daniel at nagtama ang kanilang mga mata. Siya ang unang bumawi at inirapan ang binata na siyang dahilan kung bakit naghihinagpis ang kanyang puso sa pagkahiwalay nila ni Enrico.
Hindi siya umalis sa kinaroroonan niya nakaupo lang siya roon at hinihintay si Donia Daniela. Ngunit ang inaasahan niya na babalik ang ginang,subalit si Daniel ang lumapit sa kaniya.
"Nandito ka pala hindi ko inaasahan na manonood ka," malumanay na sabi sa kanya ni Daniel. Subalit taas baba ang tingin nito sa kaniya.
"Niyaya lang ako ng Mommy mo, kaya ako nandito. Nasaan na siya? tanong ni Emerald nang hindi niya na makita ang ginang.
Pinapakita niya sa binata na hindi siya interesado sa kung ano man ang activities ng binata.
"Nagkita sila ng kaibigan niya at niyaya siya na mag ballroom, kaya ako na ang kasabay mo pauwi," sagot ni Daniel sa kaniya.
"Magta-taxi na lang ako kaysa kasama ka. Baka naghihintay sa'yo ang babae mo, kaya balikan mo na roon!" sarkastika na sabi ni Emerald kay Daniel.
Tumawa ng pagak si daniel sa sinabing iyon ni Emerald. "Huwag mong sabihin na nagseselos ka?"
Sinamaan ni Emerald, ng tingin si Daniel dahil sa tanong na iyon ng binata sa kaniya.
"Kahit ilan pa ang babae mo wala akong pakialam sa'yo, pero siguraduhin mo lang na sigurado ka na ako ang pakasalan mo. Marami ka pang araw na makapag-isip at baka pagsisihan mo kung bakit ako ang pinakasalan mo!" May halong pagbabanta ang sinabing iyon ni Emerald kay Daniel subalit hindi naman nagpapatinag ang binata. Alam kasi niya na lahat ng gusto niyang makuha ay nakukuha niya, kaya tumawa lamang siya sa sinabing iyon ni Emerald.
"Kumalma ka lang, honey dahil sigurado na ako na ikaw ang mapapangasawa ko. Tara na e-celebrate natin ang pagkapanalo ko. Hindi lang sa karera kundi dahil mapapasa akin ka na. Ilang araw na lang ikakasal na tayo at bukas ang engagement party natin, kaya maghanda ka dahil ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Pati sa mga kasusyo ko sa negosyo at lalo na sa mga kalaban ko rin sa negosyo," mapang-asar na sabi ni Daniel kay Emerald
Lalo lang nanagigil ang dalaga sa binata, subalit hindi na lang pinansin ni Emerald si Daniel.
Alam niya na walang kwentang kausap si Daniel, subalit ganoon pa man sumunod siya sa binata.