Chapter 36 Emerald Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa naririnig kong ingay mula sa baba sa labas ng mansion ni Tito Frederico. Bumangon ako at dumungaw sa may bintana. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagsuntok ni Tito Frederico, sa mukha ni Enrico. "Walang hiya ka talagang bata ka. Hindi ka nag-iisip bago mo buntisin si Emerald. Mabuti sana kung hindi siya kasal kay Daniel! Nauubusan ka na ba ng babae? Hindi ka pa kuntento sa kasambahay mo? Lagi na lang sakit sa ulo ang ibinibigay mo sa akin!" Bulyaw ng ama ni Enrico sa kaniya. "At naniniwala ka naman talaga kay Emerald, Dad, kaysa akin na anak mo? Hindi mo muna pinapakinggan ang panig ko. Kahit dulo nga ng daliri niya hindi ko nagalaw, kaya paano ko mabuntis ang babaeng iyon?" Nanggagalaiti na sabi ni Enrico, sa kaniyang