Chapter 52 Mag alas-dos na ng gabi o madaling araw, subalit nandito kami ni Daniel, sa labas mg bahay naghahanap sa kambing na pinalabas niya. Nabatukan ko siya sa sobrang inis ko sa kaniya. "Bakit kasi pinalabas-labas mo ang kambing? Eh, dito yan natutulog sa loob ng bahay!" galit kong sabi sa kaniya. Dito lang kami sa unahan ng bahay. "Hindi ko naman alam na sa loob na pala ng bahay natutulog ang kambing? Ang alam ko kasi sa labas sila natutulog. Pwede ba sweetheart, bukas na lang natin hanapin? Nahahamugan ka na, oh! Tapos parang umaambon pa. Pumasok ka na tayo sa loob," sabi niya sa akin na may kasamang pag-aalala. "Hindi ako papasok hangga't hindi ko makikita si Sugar. Dapat ikaw ang sa labas natutulog, eh!" naiinis kong sabi sa kaniya at paninisi na rin. "Oh, sige. Ganito na l