Episode 6

1798 Words
Chapter 6 Emerald Suot ang puting eleganteng bestida na may mamahaling surovski sa bandang dibdib na bumaba ako sa hagdan ng mansyon ni Daniel. Lahat ng mga bisita nakatingala sa akin ngayong gabi. Ngayon ang engagement party namin. Mga bago sa paningin ko ang mga bisita at halos wala akong kakilala. Sa disperas pa ng kasal namin ni Daniel darating si Tita. Simple lang ang hairdo ko nakatali lang ang aking buhok na lampas ng balikat ko at simpleng makeup lang din ang idinampi ko sa aking mukha at kaunting lipstick ang inilagay ko sa aking labi. Gusto pa sana ni Daniel, kumuha ng makeup artist subalit tumanggi na ako. Ayaw ko kasi ang sobrang makeup, isa pa hindi naman ako mag-e-enjoy sa okasyong ito. Nakangiti ang lahat habang nakatingin sa akin subalit pakiramdam ko para akong namatayan. Paano pa kaya kapag sumapit ang kasal namin ni Daniel? Pagbaba ko ng hagdan agad akong sinalubong ni Daniel "Smile naman, honey. Baka sabihin ng mga bisita natin na mataray ka," bulong sa akin ng impaktong Daniel. "You look more beautiful tonight," pabulong niyang sabi sa akin, Umismid lang ako sa sinabi niya. "Hindi mo ba invited ang mga girlfriend mo?" mapang-uyam kong tanong sa kaniya. Tumawa siya ng pagak sa tanong kong iyon. "Syempre dahil ang gabing ito ay para lang sa ating dalawa, lalo na sa'yo. Ikaw ang kilalaning Misis Carters, pero huwag kang mag-alala dahil invited ko naman ang boyfriend mo. Gusto ko makita niyan na kaya kitang agawin sa kanya," mapangutya rin nitong sabi sa akin. Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon. "Saan ka kaya kumuha ng kakapalan ng mukha at kagarapalan ng pag-uugali? Ikaw pa talaga ang may gana na insultuhin ang tao? O baka naman hindi mo matanggap na kahit nakuha mo ako kay Enrico, hindi mo naman makukuha ang puso ko na para sa kanya!" plastic kong ngiti na sabi sa kanya habang nakahawak ako sa braso niya at naglalakad kami sa gitna ng bulwagan. "Wala akong pakialam sa puso mo, Emerald. Aanhin ko naman ang puso mo? Sa tingin ng mahal mo isa ka ng maruming babae at mababa sa paningin niya?" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko mula sa talampakan hanggang sa ulo dahil sa sinabing iyon ni Daniel sa akin. "Walang hiya ka talaga. Subalit huwag kang kampanti Daniel, kung magiging impyerno ang buhay ko sayo mas higit na magiging impiyerno rin ang buhay mo sa akin. Sinasabi ko sa'yo ngayon na nagkamali ka ng papakasalan!" mariin kong sabi sa kaniya. Nagpupuyos ang puso ko dahil sa mga ginawa niya. Tama siya alam ko na mababa na ang tingin sa akin ni Enrico. Mas lalo pang bumaba dahil kung ano-ano ang mga pinagsasabi niya kay Enrico, tungkol sa aming dalawa. Ilang sandali pa nakarating kami sa gitna ng bulwagan. Hinawakan niya ang microphone. "Ladies and gentleman good evening! Salamat sa pagpapaunlak ninyo sa pagdalo ng mahalagang okasyon ng gabing ito sa amin ni Emerald. Ladies and gentlemen pinapakilala ko sa inyo ang magiging asawa ko si Emerald De Vera," pakilala ni Daniel sa akin sa mga bisita. Akala naman siguro ng iba perfect couple kami kung titingnan. Ang hindi nila alam na kinakasuklaman ko ang lalaking ito. Pumalakpak ang lahat pagkatapos e-anounce ni Daniel ang pangalan ko sa madla. Nakangiti lang ako ng pilit dahil alam ko na lahat ng mga bisita ay mga kasosyo nila sa negisyo. "Kiss! Kiss! Kiss!" sigawan ng iba na parang kinikilig pa. Bumaling ang hinayupak sa akin at ngumisi. "Paano ba 'yan? Kiss daw? Matitikman mo na naman ang labi ko. Ang swerte mo talaga sa lahat ng mga dalaga na narito dahil ikaw lang ang makakatikim sa labi ko ngayon gabi." Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ito kapag nagsalita. Ngumiti ako sa kanya ng kaplastikan para hindi halata ng mga bisita na nagbabangayan kaming dalawa. "Labi mo na mapait pa sa ampalaya? Kahit magkaroon ka pa ng diabetes hindi magiging matamis ang labi mong iyan para sa akin dahil kasing pait ng bulok na ampalaya ang lab-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang kabigin ang baywang ko paharap sa kaniya at walang alinlangan na hinalikan ang labi ko. Para akong istatwa na hindi nakagalaw habang nilalamutak niya ang labi ko. Sigawan ng mga bisita ang narinig ko sa buong paligid. Good kisser ang animal, kaya natangay ako sa halik niyang iyon sa labi ko. Pumikit ang mga mata ko at iniisip ko na si Enrico ang kahalikan ko. Parang sinampal ako ng kahihiyan nang bitiwan ni Daniel ang labi ko. Nang-init ang pisngi ko nang ngumisi siya na may kasamang pang-uuyam. Palakpakan naman ang mga bisita pagkatapos na maghiwalay ang mga labi namin ni Daniel. "Akala ko ba kasing pait ng ampalaya ang lasa ng labi ko? Mukhang natatamisan ka yata?" mapang-asar na tanong ni Daniel sa akin. Kung kaming dalawa lang ang sarap niya piktusan at sipain sa itlog. "Akala ko kasi labi ni Enrico, ang lumalapa sa labi ko, kaya hindi ko naramdaman ang pait ng labi mo. Labi mo na maraming binababoy na babae!" sarkastika kong sabi sa kaniya. Pinipilit ko na lang ngumiti kahit ang totoo diring-diri ako sa kaniya. Walang kamalay-malay ang mga bisita na nag-aasaran kaming dalawa. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga panga dahil sa sinabi ko. Totoo naman talaga na kung sino-sino na lang ang mga kipas na dinidilaan niya. "Just enjoy the party, honey. At sisiguraduhin ko sa'yo mamaya na mag-e-enjoy ka na matikman muli ang labi ko," sabi pa nito sa akin sa nakakauyam niyang tinig. "Bitawan mo nga ako, nakakadiri ka!" sabi ko sa kaniya. Pinapakita ko sa kaniya kung gaano siya karumi. Ilang babae kaya ang nabola niya? Binitiwan niya ang baywang ko at muli niyang itinapat ang mic sa bunganga niya. "Ladies and gentlemen enjoy the party," sabi nito at ibinigay sa mc ang mic. Umalis kami sa gitna ng bulwagan at pinakilala niya ako sa mga kakilala niya at kasosyo sa negosyo. Sa hindi kalayuan nakita ko naman si Enrico. Totoo nga na dumalo siya, subalit may kasama siyang ibang babae. Kasama niya rin si Lorenzo. "Maganda pala talaga itong mapapangasawa mo, Mr. Carters. Kaya pala ayaw mo ng pakawalan," natatawang sabi ni Mr. Perez kay Daniel. Kaharap din namin ang kaniyang mga magulang, subalit ang atensyon ko naroon kay Enrico. "Sabi ko nga kay Daniel, na huwag na sila mag-aksaya ng panahon at gusto na rin namin magkaroon ng apo," sabi pa ni Don Leonardo, ang ama ni Daniel. Kinuha ko ang isang kopita na may lamang alak saka ininom ko iyon, pampawala ng kaba. Nakita ko si Enrico na umalis sa kinaroroonan niya. Parang patungo ito sa banyo. "Excuse me magsi-cr lang ako," paalam ko sa kanila. Itinaas ko ng bahagya ang aking damit at dali-daling nagtungo sa banyo alam ko roon patungo si Enrico. Naabutan ko siya sa labas ng banyo. Masama ang tingin niya sa akin. Umangat ang gilid ng kanyang labi at nakakasuya ang klase ng tingin niya sa akin. "Congratulations, gold digger! Hindi ko lubos akalain na mas masahol ka pa pala sa Tita mo. Bakit, Emerald? Hindi ba ako sapat dahil hindi ako kasing yaman ng ipinagpalit mo sa akin? Kung alam ko lang na bibigay ka sa iba noon pa sana kita binaboy! Sayang ang respeto na binigay ko sa'yo dahil akala ko iba ka!" Tagos sa kaibutuoran ng aking puso ang masasakit na salitang iyon ni Enrico sa akin. Mas mabuting sinampal na lamang niya ako kaysa pagsalitaan niya ako ng ganoon kasakit. "Alam ko galit ka, kaya nasasabi mo iyan. Oo, ipinagpalit kita sa iba, pero hindi ko pagsisihan na iniwan kita at magpakasal sa iba dahil mahal kita, Enrico. Hindi kita masisi kung ganiyan na kababa ang tingin mo sa akin," umiiyak kong sabi sa kaniya. Nagtagisan ang kaniyang mga ngipin, habang nakakasuya siyang nakatingin sa akin. "Mahal? May mahal ba na ipagpalit ang boyfriend mo sa iba? Minahal kita pero sinayang mo lang! Nabulag lang ako sa pagmamahal ko sa'yo noon, Emerald. Hindi pa kita lubos na kilala noon, kaya hindi ko nakita kung gaano ka kababang uri ng tao dito sa balat ng lupa! Pinagsisisihan ko na minahal kita at naglaan ako ng oras sa'yo. Sinayang mo lang lahat ng pangarap ko para sa ating dalawa pati ang oras ko sinayang mo! Sana maging masaya ka sa piling ng ng lalaki na ipinagpalit mo sa akin!" galit na sabi sa akin ni Enrico. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya na ako. Naiwan ako na luhaan sa gilid. Pinunasan ko ang mga luha ko at pumasok sa banyo. Doon ko na lang ibinuhos ang mga luha ko na kanina pa walang tigil sa pag-agos. Ilang sandali pa narinig ko ang boses ni Daniel na kumakatok sa pintuan ng banyo," "Emerald, buksan mo ang pinto!" Bumuntong hininga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Humarap ako sa salamin para tingnan ang mga mata ko. Mabuti waterproof ang maskara ko, kaya hindi kumalat ito sa gilid ng mga mata ko. Pinagbuksan ko ng pintuan si Daniel. Seryoso ang tingin nito sa akin. "Ano ang kailangan mo?" masungit kong tanong sa kanya. "Wala ka rin naman talagang dilikadisa ano? Sinundan mo pa talaga rito ang boyfriend mo. Ah, hindi. Ang ex boyfriend mo pala. Kahit ano mong pagmamakaawa sa isang lalaki na kapag basura na ang tingin sa'yo wala ka nang magagawa!" Parang sinampal ako sa sinabing iyon ni Daniel. Masakit man subalit iyon ang totoo. "Dahil sa'yo kaya ganoon ang tingin sa akin ni Enrico. Hindi ganoon kababa ang tingin niya sa akin kung hindi mo ako siniraan!" galit kong sabi sa kanya. Itinulak niya ang pinto at pumasok siya sa loob. Pagkatapos ay isinara niya. Tiim bagang niya akong tiningnan. "Ikaw ang nagpapababa sa sarili mo, Emerald! Sa harap ng maraming estudyante walang alinlangan mo akong hinalikan. Pasalamat ka nga at papakasalan pa kita. Kahit ako man na boyfriend mo at makita kita na may hinalikan na lalaki sa harap ng mga estudyante baka kaladkarin pa kita. Kaya huwag ka mag-iinarte riyan at tigilan mo na ang paghahabol kay Enrico!" tiim bagang niyang sabi sa akin. "Ayusin mo ang sarili mo at kimilos na parang walang nangyari. Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan sa araw ng okasyon natin dahil kung gumawa ka ng eksena na hindi ko magustuhan, sisiguraduhin ko sa'yo na sa kalye kayo pupulutin ng boyfriend mo!" dugtong pa nitong sabi sa akin at lumabas na siya ng banyo. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Walang pag-asa na makalabas ako sa sitwasyong ito, kaya wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ang sitwasyon kong ito. Ganito na talaga siguro ang nakasulat na kapalaran ko ang ikasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD