Episode 7

1855 Words
Chapter 7 Daniel Kasalukuyang nasa opisina ako nang dumating si Mr. Melvin Lantoria. Galit na galit ito na sinugod ako rito sa loob ng opisina ko. "How dare you, to do this to my daughter, Daniel? Minahal ka ni Lucy, pero pinangakuan mo lang siya at pinaasa!'' panunumbat nito sa akin. Gumalaw ang panga ko dahil siya pa ang may gana at lakas ng loob upang pagsalitaan ako ng ganoon. "Alam ko na tagos hanggang sa buto mo ang sakit na nararamdaman ng anak mo. Pero, huwag mo akong sumbatan dahil minahal ko rin naman ang anak mo bago ko pa nalaman na niloloko niyo lang ako. Akala mo ba hindi ko alam na unti-unti niyong ninanakawan ang kompanya? Kaya kung ako sa'yo Mr. Lantoria, mag-resign ka na bago pa kita ipahiya sa lahat ng board member. Umalis ka na bago ko pa ipakita ang ebidensya kung paano mo lihim at inuunti-unting ninanakawan ang kompanya!" Nanlaki ang mga mata ni Mr Lantoria, sa sinabi ko. Akala niya siguro ay nagtatanga-tangahan ako at hindi malalaman ang kagagohang ginagawa niya sa kompanya. "Hindi maaari! Buong buhay ko iginugol ko ang oras at panahon ko sa kompanyang ito!" pagmamatigas nitong sabi sa akin. "Oo, dito mo nga ginugol ang oras mo, pero isa kang traidor sa kompanyang ito. At kung sa tingin mo hindi ko malalaman na gusto mo ipaasawa si Lucy kay Mr. Harrison, pwes nagkakamali ka. Nagkamali kayong nilokong mag-ama, Mr. Lantoria. Kung ako niloloko ng anak mo, pati rin naman kayo niloloko niya. Bukod sa akin may ibang kalandian ang anak ninyo. At kung akala niyo papakasalan ko ang anak mo para mapa sainyo ang kompanyang ito, pwes nagkakamali ka. At ano ang option b mo? Ipakasal si Lucy kay Xian Harrison? Hindi mo ba alam na pinsan buo ko ang gusto mong ipakasal sa anak mo sakaling hindi ko pakasalan ang anak mo?" Halos hindi makapaniwala si Mr. Lantoria sa sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko malalaman ang mga plano niya. Ipinakilala niyo pa talaga si Lucy kay Xian, nang pumunta rito si Xian sa America, upang magbukas ng bagong negosyo nito. Nagtatagisan ang mga ngipin ni Mr. Lantoria. "Paano mo nalaman lahat ng iyon?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Hindi na kailangan malaman mo kung paano ko nalaman, Mr Lantoria. Simula sa araw na ito wala ka na rin share sa kompanyang ito. At huwag mo akong subukan kalabanin dahil alam mo kung ano ang kahahantungan mo! Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga security rito!" Mariin kong utos sa kanya sabay turo sa pintuan. Nanggagalaiti siya na tumalikod at lumabas ng aking opisina. Napabuntong hininga ako ng malalim ng umalis na si Mr. Lantoria. Hindi ko sukat akalain na may maitim pala silang balak. Kaya pala ipinakilala niya sa akin si Lucy, para gamitin ito na mapagbagsak ako. Sumandal ako sa swivel chair pinaikot-ikot ko ito. Naiisip ko si Emerald. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang araw na paghalik niya sa mga labi ko. Ayaw ko siya masaktan subalit hindi naiiwasan. Bagay sa kaniya ang pangalang Emerald. Napapikit ako ng aking mga mata. Gusto ko na naman hatakin ang mga oras para makita ko siya. Yung una ko pa lang siyang nakita noon may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya, subalit hindi ko iyon pinapansin dahil madalas kasama niya si Mr. Thompson; ang boyfriend niya. At nang magkaroon ako ng pagkakataon hindi ko na pinalampas na hindi siya makuha sa iba. Tinapos ko ang aking mga gagawin saka nagtungo ako sa bahay nila Mommy at Daddy. "Anak mag-isa ka lang hindi mo kasama si emerald? agad na tanong ni Mommy sa akin. Humalik muna ako sa kanyang pisngi at nakipagmanhag ako kay daddy bago sinagot ang tanong na iyon ni mommy. Galing ako sa opisina ma kaya hindi ko kasama si Emerald. Parang napapansin ko na palagi mo na lang hinahanap sa akin sa emerald para nagtatampo na ako Mom, ha?" nagbibirko ang sabi sa aking ina. Tumawa ito at tinapik ang balikat ko. Ikaw talagang bata ka huwag mong sabihin na pagsisilosan mo pa ang magiging asawa mo. Siya nga pala kailan darating ang pamilya ni emerald gusto kong makita at makilala ang tiyahin niya na sinasabi niya," tanong sa akin ni mommy. Sa disperas daw ng kasal namin darating ang tita niya Mom." Tumango-tanho naman si mommy sa sagot kong iyon. "Anak, sigurado ka ba sa desisyon mo napakasalan si emerald? Alam na ba ng pamilya ni lucy na ikakasal ka na? Tanong ni daddy sa akin. Tumango-tango ako sa kanya. Yes dad patunayan pinaalis ko na si mr Lantoria sa kompanya. Ayaw kong magkaroon ng ahas na kumpanya. Delikado ang ganoong uri ng tao at baka mamaya mahawaan niyo pa ang mga empleyado," sabi ko kay daddy. "Mabuti naman kung ganun. Malaki rin ang pera na ninakaw niya sa kumpanya. Huwag mo munang isipin si mr lantoria. Ang isipin mo ang darating na kasal mo. Mukha mabait naman sa emerald at bagay siya sa iyo," wika pa ni daddy sa akin. Dapat kasi anak dinala mo si emerald tuturuan ko siya kung paano magluto. Para sa ganun naman pagdating mo galing sa opisina may nakahanda na sa lamisa. Iba kasi ang luto ng asawa kaysa mga kasambahay," sabi pa ni mommy sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya mahilig kasi si mommy sa pagluluto kaya isa iyon sa mga nagustuhan ni daddy sa kanya. Honey hindi naman lahat ay mahilig magluto. Hayaan mo na si daniel at emerald sa gusto nila. Basta tayo nandito lang para o malalay sa kanila," sabi pa ni daddy kay mommy. Maba na nang-aanguso ni mommy dahil hindi sinuportahan ni daddy ang gusto niya. Ilang oras pa ako nanatili sa bahay ng mga magulang ko bago ako umuwi sa mansyon. Pagdating ng pagdating ko agad kong tinanong si manang leticia tungkol sa alaga niya. Siya kaya si ang binilinan ko kay emerald. "Kumusta ang alaga mo, manang?" Nakakulong lang po siya sa kanyang silit sir. Hindi nga po siya bumaba para kumain hinatiran ko rin siya ng pagkain pero tinanggihan niya," napabuntong hininga ako ng malalim sa sinabi ni iyon ni manang. "Sige, Manang. Pakiligpit na lang nitong mga gamit ko. Ipaghanda mo ako ng tea. Puntahan ko lang si Emerald sa silid niya," sabi ko kay Manang. Umakyat na nga ako sa itaas at nagtungo sa tapat ng silid ni Emerald sa may pintuan. Kumatok ako ng tatlong beses. Maya-maya ay bumukas ang pintuan. Nakairap kaagad ito na sumalubong sa akin. Halatang ayaw makita ang pagmumukha ko. "Anong kailangan mo?" mataray nitong tanong sa akin? Sa lahat ng babae nakilala ko siya lang talaga ang may lakas ng loob na tarayan ako at sungitan. "Sabi ni Manang, hindi ka raw bumababa at hindi ka kumakain. Nakakulong ka lang daw rito sa silid mo? Baka pagdating ng araw ng kasal natin magmukhang hanger na lang ang gown mo?" sabi ko sa kaniya. "Eh, ano ang gagawin ko? Gusto ko man lumabas, pero ayaw man lang ako palabasin ng security guard. Gusto ko man sana mamasyal man lango gumala sa mall." Naiirita niyang protista sa akin. "Gusto mo ba mag-mall tayo? Sige magbihis ka dahil mamamasyal tayo," seryoso kong sabi sa kaniya. Kumibot-kibot pa ang kanyang labi. "Mas gugustuhin ko na lang manatili rito sa mansion kaysa kasama ka mamasyal sa labas!" Napabuga na lang ako ng hangin sa ere dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga maintindihan ang gusto ng babaeng ito. "Oh, sige kung gusto mo ipagluto na lang kita. Ano ba ang paborito mong pagkain?" tanong ko sa kanya. "Lechon belly ang gusto ko, kaya mo lutuin? Gusto ko rin ng lasagna, saka toasted bread na may garlic," napangiti na lamang ako sa request niyang iyon dahil napakasimple lang. At least, alam ko na kung ano ang paborito niyang pagkain. "Sige, hali ka samahan mo ako sa kusina. Hiramin ko muna ang kusina ni Manang Leticia," sabi ko sa kaniya. "Marunong ka magluto?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Parang hindi siya makapaliwala na nagluluto ako. Isa iyon sa minana kong ugali kay Mommy, ang mahilig magluto. Minsan wala nga lang akong time dahil busy ako sa mga negosyo ko, kaya sa labas na lang ako kumakain noong hindi ko pa nakilala si Emerald. Hindi ko nga alam kung anong mayro'n siya na agad ko siyang nagustuhan. Sa dami-rami ng babae na dumaan sa buhay ko subalit ngayon ko lang nararamdaman ang pakiramdam na ganito. Sa ilang taon rin namin ni Lucy na magkasintahan, pero kahit minsan hindi ko siya napaglutuan. Kakaiba ang nararamdaman ko para kay Emerald. Yo'ng tipong nasa opisina pa lang ako o sa ibang lugar gusto ko na agad umuwi para makita siya. At heto gusto ko siyang paglutuan dahil gusto kong matikman niya ang masarap kong luto. Lalo na kapag paborito niya. "Okay, titingnan kita kung paano ka magluto. Basta siguraduhin mo lang na masarap ka magluto dahil kung hindi mapapahiya ka sa akin," mataray pa nitong sabi sa akin. "Huwag mo akong hamunin dahil baka pati pangalan mo makalimutan mo kapag natikman mo na ang iluluto ko para sa'yo," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ang yabang!" pairap niyang sabi sa akin. Humakbang siya at nauna na siya sa akin. Sumunod naman ako sa likuran niya. Habang nakatalikod siya hindi ko maiwasan na hindi ko pagmasdan ang kabuuan ng likod niya. Napaka-sexy niya maglakad, at napaka sexy rin ng katawan niya. Para siyang isang miss universe. Hindi ko alam kung naangkin na siya ni Enrico, subalit hindi na iyon mahalaga sa akin dahil alam ko naman na mga liberated ang mga babae rito sa America. Nakarating na kami sa kusina. "Manang, pahiram muna ng kusina mo, ha?" sabi ko kay Manang, habang naglilinis ito sa kusina. "Sige, Senorito. Kayo na po ang bahala rito," sabi ni Manang sa akin at umalis na ito. Umupo naman si Emerald sa upuan. Tinitingnan nito kung ano ang gagawin ko. Kinuha ko ang apron at isinuot ko ito. Gusto ko magpa-kitang gilas sa kaniya. "Baka gusto mong tulungan ako kahit man lang taga-abot ng ingredients," nagbabaka sakali kong sabi sa kaniya. Inangatan niya ako ng kaliwa niyang kilay. ''Hindi mo ako alalay, kaya bahala ka riyan. Audience lang ako rito." Napapailing na lang ako sa kasungitan na pinapakita niya sa akin, subalit hindi naman uubra sa akin ang katarayan niya. Mukhang palaban ang babaeng ito. "Fine, babawi na lang ako sa susunod," sabi ko na lang. Kibit balikat naman siya habang tinitingnan ang ginawa ko. Habang inaayos ko ang mga lulutuin ko panay naman ang sulyap ko sa kaniya. May gumuhit na lungkot sa kaniyang mga mata. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang ganiyan. Huwag niyang sabihin na nami-miss niya ang ex-boyfriend niya. "Nagugutom ka na ba? Bakit ka nakasimangot?" tanong ko sa kaniya. "Medyo, pero nawawalan ako ng gana kumain. Lalo na kapag naaalala ko na malapit na akong ikasal sa'yo," wala sa mood niyang sagot sa akin. Sa isip-isip ko matutuhan niya rin akong mahalin. Hindi man ngayon subalit sinisigurado ko na mamahalin niya ako pagdating ng tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD