Epidode 47

2117 Words

Chapter 47 Emerald Pagkatapos kong isampay ang mga damit namin sinamahan ko si Enrico, papunta sa pinapamingwitan ni Tita sa ilog. Subalit hindi ko siya dinaan sa maaliwalas na daan, kundi sa masukal na daan ko siya dinaan. Naiinis pa rin ako sa kanya, no? Sa pambu-bully niya kay Tita, kaya para makaganti si Tita sa kaniya dito ko siya dinaan sa masusukal. Matatalas pa naman ang damo rito. "Sobrang masukal naman itong dinadaanan natin. Okay, ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan diyan sa pinagbubuntis mo?" tanong pa ng ugok sa akin. "Okay lang naman ako. Hawiin mo lang ang mga damo. Palagi kami rito ni Tita, namimingwit ng isda kapag wala kaming maulam," sabi ko sa kanya. Siya ang pinauna ko para siya ang manghawi ng dinadaanan namin. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa asawa mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD