Chapter 53 Sinubukan kong magpumiglas kay Daniel, subalit mahigpit ang pagkayakap niya sa akin. "Daniel, bitawan mo ako, isa!" may halong pagbabanta na wika ko sa kaniya. "Don't you miss me,anymore?" mapang-akit na tanong niya sa akin. "Hindi kita nami-" Naputol ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng halik sa aking labi. At heto na naman ako natatangay sa mga halik niya. Halik na unti-unting nagpapalasing sa buo kong pagkatao. Halik na hindi ko matatanggihan, halik na kinasasabikan ko sa loob ng apat na buwan. Napansin ko na lang ang aking sarili na tinutugunan na ang halik ni Daniel. Pareho na nag-iispadahan ang aming mga dila. Sabik na matikman ang halik ng bawat isa. Sinandal niya ako sa dingding. Humantong ang halik niya sa aking panga hanggang sa dumako ito sa aking leeg