Chapter 8
Emerald
Hindi ko sukat akalain na masarap pala magluto si Daniel. Akala ko nagbibiro lang siya na ipagluluto niya ako ng mga nabanggit kong pagkain. Pagkatapos ng magluto inilapag niya sa lamesa ang mga pagkain. Takam na takam ako at agad ko iyon tinikman.
"Ano ang lasa? Masarap ba?" tanong niya sa akin.
"Okay, lang," tipid kong sagot subalit ang totoo masarap ang luto niya. Ayaw ko siyang purihin dahil lalaki lang ang ulo niya.
"Anong okay lang? Hindi ba masarap?" pangungulit niyang tanong sa akin.
Napakibot ako ng aking labi. "Sakto lang,'' tipid kong sagot at sumubo ulit.
"Kumain ka na kaya,'' utos ko sa kaniya.
Naglagay siya sa plato niya at tahimik lang kami na kumakain. Walang gustong magsalita sa pagitan naming dalawa.
Hanggang sa hindi na rin siya makatiis sa katahimikan namin siya na ang unang nagsalita. Ayaw ko talaga makipag-usap sa kaniya.
"Gusto mo sumama sa party mamaya?'' tanong niya sa akin.
"At saang party na naman?'' tanong ko sa kaniya na hindi tumitingin sa kaniya.
"Isa sa mga business partner ko. Kaarawan niya kasi, kaya invited niya ako,'' sabi niya habang patuloy kami na kumakain ng mga niluto niya na mga paborito ko.
'''Yong girlfriend mo ng si Lucy, bakit hindi siya ang yayain mo?'' masungit kong tanong sa kaniya. Umiinit na naman ang ulo ko kapag naalala ko na dinala niya rito ang girlfriend niya tapos ayaw naman niyang pakasalan.
"Bakit naman siya ang dadalhin ko? Eh, ikaw ang fiancee ko?'' Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang iyon sa akin.
"Bakit nga ba, hindi? Alam mo hindi kita maintindihan, Daniel. May gusto ka ba sa akin, kaya pilit mong isiniksik ang sarili mo sa akin?'' prangka kong tanong sa kaniya na walang paligoy-ligoy.
Nahinto ang pagsubo niya ng pagkain at tumingin sa akin na tiim bagang.
Ilang sandali pa tumawa siya na na lalong ikinakunot ng aking noo.
Alam mo, Emerald? Hindi porke papakasalan kita, eh mahal na kita. Alam mo kung bakit kita papakasalan?'' mapanuya niyang tanong sa akin.
Taas ang isa kong kilay na nakipagtitigan sa kaniya. "Bakit?''
"Dahil maganda ka na pwede kong gawing pang-display kapag may mga dadaluhan akong okasyon.'' Ngumiti ako ng pagak sa sinabi niyang iyon.
"Gano'n ba? So gawin mo akong trophy wife na pang-display mo? Alam mo hindi ko kayo maiintindihan na mga mayayaman. Mataas ba ang pride mo kaya ayaw mong aminin na talagang may gusto ka sa akin? Wala kasi akong maisip na ibang dahilan kung bakit ako ang gusto mong pakasalan kahit alam mo na hindi kita mahal!'' mataas kong boses na sabi sa kaniya.
Gumalaw ang panga niya at mariin na tumingin sa akin. "Oo, na! Inaamin ko na gusto kita! Binigyan mo ako ng karapatan upang makuha ka!"
Nagulat ako sa pag-amin na iyon ni Daniel sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkagusto ang naramdaman niya sa akin?
"Anong klaseng pagkagusto ba, Daniel? Gusto mo lang ba paglaruan ako? O gusto mo lang saktan ang damdamin ko? Alam ko hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa akin. Natamaan ko lang ang ego mo, kaya mo 'to ginagawa. Hindi mo dapat sinira ang relasyon ko kay Enrico dahil siya ang mahal ko at hindi ikaw. Kaya, kung pwede huwag na natin ituloy ang kasal natin dahil pareho lang tayo mahihirapan sa huli,'' pakiusap ko sa kaniya. Nagbabaka-sakali ako na magbago ang kaniyang desisyon at palayain niya na ako.
"Hindi tayo mahihirapan kung sundin mo lang ang gusto ko. Sa ngayon si Enrico, ang tinitibok ng puso mo, pero mamahalin mo rin ako kapag lubusan mo na akong makilala, Emerald,'' seryoso niyang sabi sa akin.
"Huwag kang umasa, Daniel. Dahil kahit maikasal tayo hinding-hindi ko hahayaan ang puso ko na mahulog sa'yo,'' walang alinlangan kong sabi sa kaniya.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Hindi mahalaga sa akin kung matutunan mo akong mahalin o hindi, Emerald. Ang mahalaga sa akin, ako ang magiging asawa mo at ikaw ang magiging ina ng mga magiging anak ko,'' ubusin mo na iyan at mamaya susunduin kita rito,'' sabi niya sa akin.
Tumayo siya at akmang tatalikod na. Hindi niya pa nga naubos ang pagkain sa plato niya.
"At saan ka pupunta?'' mariin kong tanong sa kaniya.
"May pupuntahan lang ako,'' sagot niya sa akin na nagtitimpi.
"Saan ka pupunta sa mga magiging kabit mo?'' sarkastika kong tanong sa kaniya.
Bumaling siya sa akin at ngumisi ng nakakauyam.
"Bakit? Kaya mo ba akong paligayahin katulad ng ginagawa ng magiging kabit ko?'' sarkastiko nitong tanong sa akin.
Alam ko na pupunta siya sa mga babae niya para maglabas ng init ng katawan niya.
"Hindi ko kaya ibigay sa'yo ang kamanyakan mo sa mga babae! Pero, kaya kitang siraan oras na maikasal tayo! Sige, subukan mo pumunta sa mga babae mo!'' banta ko sa kaniya.
Lalo pa siyang ngumisi dahil sa sinabi ko. ''Bakit? Ano ang gagawin mo? Kung ayaw mo akong papuntahin sa kanila, sila na lang ang papuntahin ko rito.''
Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Sige, subukan mo papuntahin sila rito. Gwapo ang mga body guard mo, Daniel. Isang kalabit ko lang sa kanila tiyak na hindi nila ako tatanggihan. Oh, 'di ba? Para pareho tayo naglalaro sa apoy?''
Gumalaw ang panga niya sa sinabi ko. Umangat ang gilid ng labi niya na halatang nagtitimpi. "Subukan mo lang makipagladian sa mga bodyguard ko, kung ayaw niyong pareho ko kayo ilibing ng buhay sa harap ng mansion!'' pananakot niya sa akin subalit hindi ako nagpatinag.
"Pwes, maupo ka at salohan mo ako kumain, kung ayaw mo lumandi ako sa mga bodyguard mo. Siguro naman hindi mo naman gusgustuhin na ilibing akong buhay,'' pang-iinis ko sa kaniya. Nakikita ko kasi na napipikon siya sa sinabi ko. Alam ko na kung paano siya salungatin, kahit sa ganoong paraan makaganti man lang ako sa kaniya. Hindi 'yong ako na lang palagi ang maiinis sa kaniya, kaya dapat lang mainis din siya.
Muli siyang umupo at ngumisi sa akin. "Sige, sabayan kita sa pagkain na parang nagmamahalan tayo, gusto mo uminom tayo ng alak?'' tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya ng puno ng kaplastikan. "Kapag uminom tayo ngayon, baka hindi tayo makapunta sa party ng partner mo sa negosyo? Ikaw din, hindi mo ako madi-display sa party na iyon.''
Tumawa siya ng pagak sa sinabi kong iyon. "Sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw pa lang ang may lakas ng loob para takutin ako,'' natatawa niyang sabi sa akin.
"Bakit natakot ka ba?'' mapang-insulto kong tanong sa kaniya.
Tumawa siya at nagkibit-balikat.
***
Kinagabihan nagtungo nga kami ni Daniel sa isang hotel, kung saan ginaganap ang party ng kasosyo niya sa negosyo. Wala akong kakilala roon. Hindi mga ordinary ang mga tao na dumalo sa party. Pati ang ambassador ng iba't ibang bansa ay narito sa party.
Pinakilala ako ni Daniel, sa mga kakilala niya na naroon.
Simple lang ang damit na suot ko. Isang gown na kulay itim at may kaunting palamuti sa bandang baywang. Hanggang kalahating hita ko ang nag-iisang slit nito sa bandang kanan ng hita ko.
"Napakaganda naman ng fiancee mo, Mr. Carters. Magaling ka talaga pumili,'' sabi ni Mr. Fernandez kay Daniel, habang nakatingin ito sa akin.
"Oo, naman! Kaya huwag ka mawala sa kasal namin,'' nakangiti pang sabi ni Daniel sa kausap niya. Dumaan ang waiter na may bitbit na tray na may mga alak. Kinuha ko ang isang kopita at ininom ang laman nitong alak.
"Hi, I'm Lucia Smith. One of Daniel, close friends,'' pakilala sa akin ni Lucia na kasama rin nila Mr. Fernandez.
"Nice to meet you,'' tipid kong ngiti na sabi sa kaniya. Plastik pa itong nakipagbiso-biso sa akin.
"By the way, ano ang business ng pamilya mo?'' tanong niya sa akin. Halatang gusto ako nitong pahiyain.
Ngumiti ako sa kaniya, subalit hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Tumingin ako kay Daniel, subalit abala ito sa pakikipag-kwentohan sa mga kasosyo niya sa negosyo.
"Oh, well. Siguro napaka-confedential ng negosyo ng pamilya mo, kaya mukhang ayaw mong sabihin.'' Medyo may halong pang-iinsulto ang sinabi niyang iyon sa akin at bakas din sa kaniyang mukha ang pang-uuyam niyang sinabi.
Muli kumuha ako ng kopita at uminom. Pagkatapos lumapit ako sa kaniya at ngumiti. "Hired killer ang mga magulang ko. Anytime na may nang-iinsulto sa akin isang tawag ko lang sa kanila mawawalan ng buhay ang gustong manakit sa akin. Binabalatan nila ng buhay. Gusto mo subukan?''
Nanlaki ang mga mata ni Lucia at umawang ang kaniyang labi dahil sa sinabi ko. "Excuse me, magbabanyo lang muna ako,'' paalam kaagad nito sa akin.
Natakot rin siguro ang baliw na babae.
May mga sumasayaw sa gitna. Dalawang shot pa lang ang nainom ko, pero kumakapal na ang mukha ko. Muli akong kumuha ng kopita na may alak sa lamesa at ininom ko iyon.
Natuwa ako nang makita ko si Lira sa gitna na sumasayaw. Nakita niya rin ako, kaya tudo ang ngiti nito. Nilapitan niya ako. "Emerald, nandito ka rin pala. Hali ka, sayaw tayo,'' aya nito sa akin.
Hindi na ako nagpaalam kay Daniel dahil busy naman ito sa pakikipag-kwentohan. "Kasama mo si Daniel?'' tanong ni Lira sa akin nang nasa gitna na kami. Kasama niya ang boyfriend niyang Americano.
Tumango-tango lang ako sa kaniya. Sumayaw kami at dahil sa nakainom ako hindi na ako nakaramdam ng hiya. Kung sino-sinong lalaki na ibang lahi ang nakakasayawan ko. Para akong nakawala ng mga oras na iyon. Hanggang naging daring na ang sayawan. Tuloy pa rin ang pagkimbot ko ng aking baywang. Ang kapareho kong lalaki hinahawakan na nito ang baywang ko. Hiyawan ang narinig ko sa paligid. Hanggang da naisipan ko na itaas ang damit ng lalaki na kasayawan ko. Subalit ilang sigundo pa may biglang humapit sa baywang ko.
"Baliw ka ba? Para kang nakawala,'' mahina ngunit mariin na boses ni Daniel.
"Ano ka ba? Nagkakatuwaan lang kami,'' sabi ko sa kaniya habang natatawa. Mahigpit ang pagkahawak niya sa aking baywang.
"Lasing ka pa!'' gigil nitong sabi sa akin.
"Gusto mo sayaw tayo,'' aya ko sa kaniya habang natatawa ako na parang wala na sa katinuan. Ilang sandali pa binuhat niya ako at isinampa sa balikat niya.
"Ano ba? Ibaba mo ako Daniel! Nahihilo ako!'' protesta ko sa kaniya.
Subalit hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hanggang sa ipinasok niya ako sa isang silid at pabagsak niya akong inilapag sa malambot na kama. Agad akong bumangon sa pagkahiga at para akong tigre na gusto siyang sugurin dahil sa pag-alis niya sa akin sa gitna ng sayawan.
"Ang kj mo!'' sigaw ko sa kaniya.
Galit na galit ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Halatang nagtitimpi lang siya. "Nakakahiya ka! Ganiyan ka ka-wild kung malasing?'' galit niyang tanong sa akin.
"Eh, ano naman? Party iyon! Ano ang gusto mong gawin ko ang manood lang sa mga sumasayaw o hindi kaya makinig sa mga usapan ninyo ng mga kasosyo mo na hindi ko naman maintindihan!'' mataas kong boses na sabi sa kaniya.
"Alam mo ba na para kang pukpok kung sumayaw kasama ang lalaking iyon? Hindi ka na nahiya sa sarili mo!'' mataas na boses niya rin sabi sa akin.
"Pukpok? Iyon ang tingin mo sa akin? Oh, sige! Tawagin mo ang lalaking iyon at mamuk-pok ako sa kaniya, naguyon din!'' Napigtas na ang pasensya ko dahil sa tawag niyang iyon sa akin.
"Bakit ko naman siya tawagin kung nandito naman ako? Bakit nasasabik ka na makatikim ulit ng lalaki? Hali ka at paliligayahin kita!'' Pagkasabi niyang iyon ay hinapit niya ako sa aking baywang at sinugod ng halik sa aking labi.
Mapusok ang klase ng halik niya. Nagpupumiglas ako sa kaniya, subalit wala akong lakas. Dahil sa alak na nainom ko mukhang natangay ako sa mga halik ni Daniel. Unti-unting naging banayad ang halik niya sa aking labi. Natatangay ako sa mga halik niya. Talagang matatangay ka naman talaga, lalo na napakagaling niyang humalik. Tuluyan na nga akong nalasing sa halik ni Daniel, kaya tinutugunan ko na ang halik niya sa akin. Parang gusto ko higit pa sa halik ang matikman ko.