Cahpter 53/2 Emerald Natatawa ako habang tinitingnan si Daniel na nagluluto ng sinangad habang kumikinding-kinding ito. Sumasayaw-sayaw siya sa harap ng kalan. Sinangag niya ang natirang kanin kagabi at ininit niya na rin ang ibang natirang ulam. Natatawa ako dahil suot niya ang maternity dress ko. Paano kasi nabasa kagabi ang kaniyang suot na damit, kaya kinusutan niya muna iyon bago sinampay. "Ang ganda mo siguro kung naging babae ka ano? Siguro ang ganda ng kambal mo kung nabubuhay lang ito?" nakangiti kong sabi sa kaniya. Bumaling siya sa akin at matamis na ngumiti. "Kung buhay lang ang kambal kong si Sparkle, siguro magkasundo kayo, kaya lang sayang dahil ayaw niyang makita ang ganda ng mundo," natatawa niyang sabi sa akin. "Wala ka bang baon na damit?" tanong ko sa kaniya. "N