Chapter 6: Unexpected Proposition

2420 Words
C H A P T E R 6: U N E X P E C T E D P R O P O S I T I O N "NAT, are you sure you can travel on your own? Malayo ang Isabela dito sa Batangas," iyon ang ika-limang beses na tanong ni Lira. Ilang beses na rin niya itong tinanguan. Pinarolyo na lamang ni Natalie ang mga mata, hindi na ikinataka nang magsimulang maglitanya ang kaibigan niya. Ngayon ang araw na ire-release siya sa facility, at palagi ay sinasabihan siya nito at ni Nadine na maaari namang sa Hacienda siya mamalagi. Ngunit hindi pa siya handang makita ang lugar na iyon. "Ugh! Bakit naman kasi wrong timing pa 'yong kasal ni Mommy! 'Tapos sa Las Vegas pa talaga gaganapin!" reklamo ni Lira. "Kung ako lang 'yong masusunod, hindi na 'ko pupunta! I hate Brandon!" tukoy nito sa mapapangasawa ng ina. Ngumuso pa ito na ikinangiti ni Natalie. Putok na putok na naman kasi ang pagkapula-pulang kulay na nakapinta sa labi nitong pagkakapal-kapal. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa pagsasalansan ng mga damit sa isang malaking maleta. "Oh! I know, Nat!" Kapagkuwan ay sabik na sumampa ito sa kama, dinungaw ang mukha niya. "What if you come with me in Vegas? 'Tapos, ihahatid kita hanggang do'n sa Isabela. Malamang matutuwa si mommy kapag nakita ka niya. Kinukulit niya nga akong isama ka." Natigilan si Natalie sa ginagawa. Nakausap niya sa telepono ang ina nito noong isang araw. Iyon din ang sinabi sa kanya ng ginang. Gusto niyang tanguan si Lira at pumayag sa suhestiyong iyon. Pakonsuwelo na rin sa ina nito at sa mapapangasawang ng ina nito na si Brandon. Ang mga ito kasi ang nag-alok na maaari siyang mamalagi sa Isabela; sa ancestral house na pagmamay-ari ng mga ito. Noon napatiim ng mga labi si Natalie. Bagaman sa huli ay pinilit niya na ibuka ang bibig at magsalita, "Lo-Los An-geles i-is near in Ve-Vegas" Ngumiti siya nang peke. Kung tutuusin, malayo sa isa't isa ang nasabing mga lugar. Gayunman, mas malayo pa rin naman ang Pilipinas sa lugar kung saan nakatira ang taong hindi niya alam kung gugustuhin pa ba siyang makita. Tila naintindihan agad ng kaibigan ang ibig niyang ipahiwatig. Bumuntong-hininga ito, malungkot siyang tinitigan. Pinalawak ni Natalie ang pagkakangiti. "Do-don't worry about me, Lira. Sasamahan naman a-ako ni Caleb sa I-Isabela. Siya pa rin naman 'yong m-magiging psychotherapist ko." Makahulugang tingin ang ipinukol nito sa kanya. "You know what? I could sense Caleb has feelings for you." Bigla ay namula bigla ang kanyang pisngi. Imbes na magsalita, itinuloy niya ang pagtutupi. "Aminin mo na kasi, Nat. Kayo na ba?" Ngumiwi siya, umiling-iling. Bahagyang itinulak siya ng kaibigan sa balikat saka kumuha ng isang damit at nag-umpisang tupiin iyon. "Sus! Pero alam mo, I like him for you." Seryoso ang mukha ni Lira. "Come to think of it, pinasara niya 'yong clinic niya ro'n sa LA para lang maging permanent therapist mo rito sa facility. At hindi lang 'yon! Hindi ka niya sinukuan for more than two years!" Kung tutuusin, may punto ito. Wala yatang tao na nakakasalamuha nila ang hindi makapapansin sa kakaibang trato sa kanya ni Caleb. Maski siya ay magagalak kung sakali ngang may feelings sa kanya ang psychologist Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang tulad niyang may karamdaman sa pag-iisip? Isama pa ang uutal-utal na pagsasalita niya. Natalie chuckled with that thought. Napatingin tuloy siya sa gawi ng bintana. A ray of sunlight was perfectly peaking through the thin curtain, and it was flashing all over the room—particularly on the wall poster next to the window. She gulped, staring at the chocolate brown eyes of the guy who had been occupying her heart for a long time. Yumuko na lamang siya nang maalala niya ang ibinalita sa kanya ni Caleb, pitong buwan na ang nakalilipas. "Have you heard the news? Bradley's awake." Napangiti siya. Isang mapait na ngiti. She was definitely happy when she heard the news. She even wanted to sneak out from the facility at that time. Pero naisip niya, bukod sa karamdaman na mayroon siya, ano pa ba ang dahilan para makita pa si Bradley? Malamang sa malamang ay galit ito. Siya nga naman kasi ang puno't dulo kung bakit ito na-coma. "Pero alam mo." Si Lira, abala pa rin sa pagtutupi ng damit. "Mas okay na diyan ka na lang kay Caleb. Alam ko na mahal mo pa rin si B. Pero alam mo rin na hindi makakabuti kung sakali mang gusto pa ni B na magbalikan pa kayo." Nanatili siyang tahimik, muling ipinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit. Gayunman ay nagpatuloy si LIra. "Until now hindi ko pa rin makalimutan 'yong pinagsasabi sa 'yo ni Wena. Mas maigi na umiwas ka na lang dahil aside from his sister, pinapak kayo ni Bradley ng mga blind item noong na-coma siya. Jusko!" Halos maihagis ni Lira ang damit na naitupi. "Kaya, Natalie, please lang, 'wag mong tanggapin 'yong advice ni Caleb na makipag-usap kay Bradley. I'm sure na gagaling ka naman nang tuluyan kahit hindi ka makipagkita sa kanya." Hindi maapuhap ni Natalie kung paano siya magbibigay ng komento sa sinabi ni Lira. Sa halip, muli't muli, ipinagpatuloy na lamang niya ginagawa. Gayunpaman, tila ay naapektuhan pa rin siya. Sa katunayan, naghihinayang siya. Hinayaan niya kasi ang sarili na masaktan nang husto noong makita niyang comatose si Bradley. Nanghihinayang siya dahil nagpatangay siya sa panunumbat na natanggap niya noon mula sa kay Wena—na siyang dahilan nang pagkakalaglag ng anak nila ni Bradley. Ah, her miscarriage, it was the one that triggered her mental illness—schizophrenia, na kahit sino mang taong nabubuhay sa mundo ay hindi gugustuhing magkaroon. Bagaman ganoon ang mga nangyari, napatawad na niya si Wena. Humingi naman kasi ito ng tawad bago sila nagdessiyon na umalis noon sa ospital nang walang paalam. Naintindihan niya na natangay lang si Wena ng emosyon. Higit pa roon, napatawad na rin niya ang sarili. Pero, ika nga nila, tao pa rin naman siya, may mga pagkakataong nakararamdam pa rin ng panghihinayang. Bukod kasi roon, makaraan ang isang taon pagkatapos nilang umalis ng LA nang mga panahong iyon ay namatay si Narea—siyang nagpalala sa karamdaman niya. Bagaman sa paglipas ng isa pang taon, kahit hindi pa man siya tuluyang gumagaling sa karamdaman, ipinagpapasalamat pa rin niya dahil sa suporta na ibinigay sa kanya nina Lira at Nadine—lalo na ni Caleb. The reason why Natalie seemed to get affected by what Lira had said about Caleb's feeling for her. 'Di pa man niya tukoy kung ano nga ba ang dahilan ni Caleb sa pagtulong sa kanya, kung ano man ang susunod na mangyayari ay handa siya na suklian ang mga kabutihang ginawa nito. Sa isiping iyon, noon na tumayo si Natalie saka nilapitan ang poster. Humingang malalim ay inalis niya iyon sa pader, tinupi. Sa puso man ay may mumunti kirot ay itinapon niya ang poster sa basurahan. "Does that mean you're gonna forget him?" Napatda si Natalie, pumihit. It was Caleb. Nakapasok na pala ito sa silid nang hindi niya napapansin. Nakahalukipkip itong nakasandal sa pader, malapit sa pintuan habang hawak, as usual, ang isang maliit na libro. Gayunman ay sabay na napaawang ang bibig at nanlaki ang mga mata nilang magkaibigan nang mapansin ang malaking pagbabago sa hitsura ng psychologist. "Wow! Did you just shave?" bulalas ni Lira. Napakurap siya. Sa tagal na kasama niya si Caleb ay sa punto na iyon lamang niya ito nakitang walang nakapalibot na balbas at bigote sa bibig. But his long hair was still the same. Mas mahaba pa nga ang buhok nito sa kanya. Natalie already knew from the beginning Caleb was a good-looking guy, but at that very moment, she didn't expect that he was totally handsome! Ngumiti si Caleb, lumitaw ang dalawang guhit sa sulok ng mga mata. Unlike Bradley, Caleb had plump lips, and Natalie couldn't help to smile a bit. However, she got frozen for a few seconds when she saw a dimple on his right cheek—which she didn't anticipate. Bagaman ay agad din namang nakabawi si Natalie sa pagkatulala. Ayaw niyang palampasin ang pagkakataong hindi ito bigyan ng papuri. "Y-you look y-younger." Hirap man siya sa pagsasalita ay bakas pa rin sa tono ang pagkamangha. "And?" seryoso ay sambit ni Caleb, tila nababasa ang nasa isip niya na may gusto pa siyang sabihin. Hindi na niya iyon ipinagtaka. Caleb was a psychologist. Of course, he knew how to read peoples' minds by just looking at how you move your eyes, how you breathe, and how you unconsciously show a sudden body gesture. Unluckily, to Natalie, just for some reason—aside from Bradley—Caleb was the only person who could suppress her true emotions. "H-Handsome," pigil ang ngiting sabi niya sabay muling umupo sa gilid ng kama. Ipinagpatuloy niya ang pag-eempake habang si Lira, makahulugang tingin ang ipinupukol sa kanya. "You didn't answer my question, Nat," ani Caleb. Kumuha ito ng isang upuan, pumuwesto sa harap niya. Hinawi nito ang ilang hibla ng mahabang buhok papunta sa likod ng tainga. Hindi siya nagsalita, bagkus ay tipid na tango lamang ang kanyang isinagot. "You know you can't do that," anang psychologist, binuksan ang hawak na libro. Humugot siya nang malalim na hininga. Siguro nga, hindi niya kayang kalimutan si Bradley pero kailangan niyang gawin. It was about time for her to start a new beginning—a new life. Bagaman hindi pa niya alam kung paano iyon uumpisahan, sa ngayon ay ang tuluyang pag-improve sa karamdaman ang tangi niyang hangad. Iyon ay kung makikiayon sa kanya ang pagkakataon. "Oh yes, she can forget Bradley!" biglang salo naman ni Lira. "You'll help her, right?" Umangat ang tingin ni Caleb kay Lira. Kapgakuwan ay siya naman ang binalingan. His eyes were somewhat lonely, and sad. Sa tagal niya itong nakasama, there was always sparkles in his gaze, especially when he stared at her eyes during therapy, but now, it was all wiped out. Caleb chuckled as he turned his attention to Lira. "Through what? Through therapy?" Kumibit ang balikat ng babae. "I don't know. Ikaw naman ang nakakaalam kung pa'no mo siya matutulungan." Muli ay tumingin sa kanya si Caleb. Sa pagkakataong iyon, tila nilayuan ng oxygen ang baga niya. However, her hard time breathing became worse, as Caleb firmly grabbed her hand. Pinagitnaan nito ng dalawang kamay ang kamay niya habang titig na titig sa mga mata niya. Natalie unintentionally squeezed her lips. Tila ba bigla na lamang nagrambulan ang t***k ng puso niya. And it wasn't because he was holding her hand, it was because of his eyes. They were looking at her, infiltrating her soul. "I'll help Natalie if she's going to marry me." His voice was so deep. Bahagyang pinisil pa nito ang kamay niya. Dama niya, hindi ito nagbibiro. Natutop naman ni Lira ang bibig. Titili sana ito bagaman biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Nadine, kasama ang babaeng head director ng facility. "Oh..." gulantang na reaksyon ng ate niya, nakatingin sa mga kamay ni Caleb na hawak-hawak pa rin ang kamay niya. "I'm sorry. Did I miss something?" Hindi makapagbigay ng reaksiyon si Natalie. Gustuhin man niyang magsalita, tila hindi kinaya ng utak niya na iproseso ang mga nangyayari—literal. She had been suffering not only from Catatonic Schizophrenia but also from head trauma. Dahilan kung bakit uutal-utal siyang magsalita. Aksidente raw na nabagok noon ang kanyang ulo nang bigla na lamang siyang atakihin ng naturang sakit. For two years, when she was having a psychotic episode, there was somehow, something restraining her to move her body, to think, to speak. She even couldn't sense anything, including pain. Noon ay madalas iyon na nangyayari sa kanya, pero dahil sa mga psychotherapy at treatment na ginagawa ni Caleb katuwang ang psychiatrist ng pasilidad, sa paglipas ng panahon ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng improvement. Ang sabi sa kanya ni Caleb ay nakatulong din daw na nalaman niya ang paggising ni Bradley. Kaya nga sinabihan pa siya nito na subukan niyang makipagkita sa mang-aawit, kausapin ito, magkaroon lang ang kalooban niya ng katahimikan. They needed closure kung sakali mang magdesisyon si Natalie na tuluyang bitiwan ang kung anuman mayroon siya kay Bradley, iyon ang sabi ni Caleb. At marahil, ayon muli kay Caleb, baka ang pakikipagkita niya kay Bradley ang maging susi para tuluyan na siyang gumaling sa naturang karamdaman. Hindi man curable ang Schizophrenia, treatable pa rin naman ang Catatonia. Gagaling siya sa naturang karamdaman, iyon ang ibinigay na assurance sa kanya ni Caleb. Hindi pa sumubok si Natalie na magdesisyon patungkol sa mga advice ni Caleb. Nais niyang gumaling, pero iyong closure nila ni Bradley na sinabi ni Caleb, alanganin siya. Kung bakit, marahil, wala pa siyang lakas ng loob. Though subconsciously, she wanted to see Bradley—even just from afar. "Oh my God, Nadine!" Patalon na umalis si Lira sa kama. "Si Caleb! He proposed to Natalie!" Kilig na kilig ay halos parang mapapa-ihi ito sa sobrang kasiyahan, niyuyugyog ang balikat ni Nadine. Tulad nang reaksiyon kanina ni Lira, natutop ni Nadine ang bibig. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago ito nakapagsalita, "And?" Nagtatanong na tingin ang ipinupukol nito sa kanya; bakas ang pagkasabik sa mukha nito. Napasukbit pa ang braso nito kay Lira. Nilingunan niya si Caleb. Ano nga ba ang sasabihin niya? Hindi nga ba't napag-isipan niya kani-kanina lang ang tungkol sa kung ano man ang susunod na mangyayari? Sa tagal nilang magkasama ni Caleb ay naging matalik na niya itong kaibigan at palagay ang kanyang loob dito. Tiwala siya kay Caleb, at lubos ang pasasalamat niya dahil nagkakilala sila. But was that enough to take their relationship to the next level? It was a question that made Natalie remained silent. Hindi niya nagawang sagutin ang kapatid. "You don't have to give your answer right away, Nat." Muling pinisil ni Caleb ang kamay niya. Kapagkuwan ay tumayo na ito. "Pag-isipan mo muna. I'm always right here, you know that. Handa akong maghintay." He smiled at her before exiting the room. Kasama nitong umalis ang head director ng facility. And Natalie ended up dropping her jaw. Ang tanging hangad niya lamang ay gumaling nang tuluyan sa sakit. Ngunit bakit parang naging kumplikado bigla? 'Yon nga lang ba talaga ang gusto ko? anang isip niya, habang sa puso at isip ay kinakapa ang matagal nang nakaukit na mukha ng lalaking alam niya ay hindi niya kayang kalimutan. Si Bradley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD