Chapter 7: Imma F*ck you Senseless

1975 Words
C H A P T E R 7: I M M A F*C K Y O U S E N S E L E S S "BELIEVE me. There's something wrong with the melody. I just couldn't—" Napahilamos sa mukha si Bradley habang panay sa pagpihit sa mga assigned button ng soundboard. "B, trust us, it's so f*****g perfect," wika ng isa sa mga kabanda niyang si Steph. Hindi lamang ito ang nagsabi niyon, kundi lahat ng mga kabanda niya. Kahit ang janitor ng studio na hinila niya kanina ay ganoon din ang komento. "You know what, B?" Inakbayan siya ni Paige. "I think we should take a break. We'll see you the next day. Loosen up, alright? Besides, it's already 2:00 P.M. We haven't taken our lunch yet." Marahas na napakamot si Bradley sa anit, umiling. "Y'all go ahead. I'll spend some more minutes to work this up." Hinarap niyang muli ang soundboard at muli't muli, pinatugtog niya ang musikang ilang ulit na niyang pini-play. "B?" Bradley dramatically took a sigh. Alam niya kung kaninong boses iyon. "What is it now, Wena!" aniya, hindi ito nilingunan. Simula noong gabing nakasagutan niya ito—dalawang araw na ang nakalilipas—hindi na niya ito muling kinausap pa. Lalo lamang kumukulo ang dugo niya sa kung anong kadahilanan. "I have something to tell you," anang kapatid niya. Marahas siyang bumuntonghininga saka ito hinarap. Agad na nag-igting ang panga niya nang masilayan ang pigura nito. May kasama itong matandang babaeng naka-business attire, may nakapaskil na ngiti sa labi ngunit dahil sa marahil lukot ang mukha niya, napalunok ang matanda at tila gusto nang umalis. Gayunman, pinagmasdan niya ang babae. Pamilyar ito. Hindi lang niya maapuhap kung saan niya nakita. "This is Attorney Francisco, the attorney that—," Wena paused as Bradley got his one hand up in her direction. Natunugan na ni Bradley kung sino ang babae. At kung para saan ang pagpunta roon ng abogada. Malamang ay tungkol iyon sa kasong naganap noong na-comatose siya. At bigla siyang nabagot. Humugot siya nang malalim na hininga, isinilid ang dalawang kamay sa bulsa. Wala siyang ibang gusto sa puntong iyon kundi matapos ang kantang ginagawa niya; ayaw niyang maistorbo. Tila sinisilihan kasi ang kamay niya na mabigyan ng pagkakataong siya mismo ang hahanap sa babaeng nagpapahirap sa kanya—araw-araw, gabi-gabi. Dalawang araw na kasi ang lumipas mula noong gabing tinawagan niya ang isang private investigator. Ang sabi sa kanya ng isang kaibigan ay magaling daw iyon. Pero bakit magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa siya nito tinatawagan? Naiinip na siya sa katunayan. Nais na niyang makarinig ng balita tungkol kay Natalie. Habang lumilipas kasi ang mga araw ay parang lalong nagiging mainitin ang ulo niya, dahilan kung bakit hindi siya makapag-focus sa mga ginagawang kanta. So, Bradley glared at his sister, making her feel that she and the lawyer was wasting his time. Noon lumabas ng studio ang mga kabanda. Bradley expected Wena and the old woman would leave him alone as well. They did not. Napakuyom ng kamao si Bradley. Tatalikuran na sana niya ang dalawa nang magsalita ang abogada. "This is about your case against Elise Torres." Umarko ang kilay niya. Hindi niya kilala ang pangalang binanggit nito. Bago pa man, naunawaan na rin niya na iyon ang taong nagturok sa kanya ng napakaraming gamot, dahilan kung bakit siya na-coma. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay wala pa ring nagsasabi sa kanya ng mga detalye tungkol sa nangyari. At wala rin siyang balak na magtanong dahil nawalan na rin siya ng pakialam. Bukod kasi sa nasabi na rin naman sa kanya ni Eiden nitong huli na nakakulong na ito at hindi na makalalaya pa magpakailanman, sapat nang nalaman niya ang tungkol kay Natalie. Bumagsak ang balikat ay pinasadahan niya ng tingin ang abogada, lukot ang mukhang hinarap muli ang soundboard. "If you're here to say you wanted to open up the case against her, I would say 'no'." "But, Mr. Hernandez, we can still pursue the case to indemnify Elise." Marahas na humugot siya ng hangin. Hinilot-hilot niya ang sentido at hinarap ang abogada, "Look, I'm a busy person, and I've got a lot of important things to do than suing a person who's already in jail. My life is complicated already. I don't wanna take s**t anymore, alright? Now, if you'll excuse me, gotta take a whiz." Nilagpasan niya ang dalawa, aabutin sana ang doorknob, nang hawakan ni Wena ang kanyang braso. "Bradley, can we talk for a minute?" Nagmamakaawang tingin ang ipinupukol sa kanya ng kapatid. Tiim ang bagang ay hinablot ang braso mula sa pagkakahawak nito. "Haven't you done enough, Wena? You're my sister. If you want us to stay as siblings, don't you ever go off the rails again." Hindi na niya hinintay pang magsalita muli ang kapatid; padabog na lumabas na lamang siya ng silid. He went to the comfort room kahit wala namang rason para pumunta siya roon. Gayunman, agad siyang naghilamos ng mukha, nalilitong minasdan ang sariling repleksyon salamin. Napasuklay siya sa buhok saka minasahe ang batok. Since he woke up, he was wondering why he had been acting like a freak. Maging ang mga kaibigan at kapatid ay nagtataka na rin ikinikilos niya. Even if he'd been controlling his temper, it was just getting worse as the day passed by. And he was guessing that it might because of Natalie. Kailangan niyang mahagilap ito. Pakiwari niya, kapag nailabas na niya ang lahat ng galit at naparanas na sa babaeng iyon ang paghihirap niya, magiging maayos na ang buhay niya; babalik na ulit ang dating 'siya'. Kaya nga noong gabing nalaman niya ang tungkol kay Natalie, nagdesisyon siya: hindi na muli pang makikipagkita at kokonsulta sa psychologist niya. Sa isip ay si Natalie lang ang tanging daan para umayos ang lahat. He groaned and squeezed his eyes using his hand habang ang isang kamay ay nasa beywang. Tumagal siya nang ilang segundo sa ganoong posisyon bago niya hinablot ang face towel mula sa likurang bulsa ng pantalon niya saka madiing pinunasan niya ang mukha. Lalabas na sana ng banyo ay natigilan siya sa nakapintang cherry blossom tree sa pinto. Niningkit ang mga matang pinakatitigan niya iyon. Sa tagal nilang umookupa sa studio ay ngayon lamang niya iyon nakita. Wala pa man, biglang napasabunot sa buhok si Bradley. There was that pain in his head again. May mga imahe rin ang biglang sumulpot sa isip kaya mabilis siyang lumabas ng banyo. Gayunman ay napasandal siya sa hamba ng pinto, napa-iling na tumingala sa ceiling. Matindi man ang kirot sa kanyang sentido ay nagawa pa niyang makangisi dahil sa isang alaalang bumalik. "So Natalie has a cherry blossom tattoo. And it's on her back." Umisang tawa siya nang mahina. "Once I get my hands on you, Imma f**k you-senseless on the top of my grand piano while you're wearing a gold fuckin' robe." Chuckling like a psychopath, he decided to go outside the studio. Sa verenda ay doon siya nanatili, nagsindi ng sigarilyo, binibilad ang sarili sa matinding sikat ng araw. The month of June was the best weather event in Los Angeles. Not too cold, nor hot. It was past two in the afternoon and the sun was perfectly peeking through the few clouds, giving more sunshine from where Bradley was standing. Usually, every year—aside from taking a one-week vacation from his concert—he was spending his day off with Adrianna. But now, there he was: smirking like an idiot, staring up in the sky while spoiling his dirty imagination having rough s*x with a girl whom he wanted to give great torture—Natalie. Nasa kalagitnaan na siya ng makamundong pag-iisip nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Gritting his teeth, he fished it out from his pocket and was about to throw it away. But suddenly, he became dumbfounded when he noticed the name of the private investigator registered on the caller ID. "Mr. Hernandez. I got news for you." "Spill it." "Hacienda Dela Vega is no longer their property. The land is now under this so-called, Agrarian Reform Law." Nagsalubong ang kilay niya "So that means?" "Natalie and her sisters aren't residing there anymore. I've talked to some of their workers, and they said: more than a year ago, Narea died. There's a rumor that Natalie accidentally pushed her sister off the cliff." Natutop niya ang bibig, tumahip ang dibdib. "And?" "After that, Nadine and Natalie left the Hacienda and surrender their land property to the government. Moreover, according to their workers, Nadine also left the ownership of their company to Mrs. Talavera, Natalie's godmother, but the Dela Vega sisters are still the main stockholder." "Continue," ani Bradley na kumuhang muli ng panibagong stick ng sigarilyo. "Their workers and employees were silent about where Natalie is. I've also been searching through the internet. And I have got a hunch that Dela Vega sisters were covering something up." Malinaw ang suspisyon sa tinig ng imbestigador. "How do you say so?" "I have found a blog on the internet about Natalie Dela Vega, and it says, 'The mysterious case of Natalie.' I don't know if it was her, but every time I type her name, that's the blog that keeps on appearing here." Halos lumukot ang mukha niya. Hula niya ay nasa harap ito ng computer. Dinig na dinig niya ang pagtipa nito sa keyboard. "And it says..." Kapakuwan ay natigilan ang imbestigador, ganoon din si Bradley na napasapo pa sa ulo. "What?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa phone, nagsilabasan ang ugat sa mga braso. Nang matagal naging tahimik ang kabilang linya, halos maubusan siya ng pasensiya. "Okay, this is creeping me out," anang imbestigador. "I think you should be the one to watch it. I'll send the link to your e-mail." Hindi malaman ni Bradley kung dapat ba niyang paniwalaan ang sinasabi nito. Makailang segundo pa siyang nagpalakad-lakad nang pababalik-balik habang minamasahe ang batok. He might be looked so stupid, but he began walking towards the studio, took a seat in the front of the desktop, and logged in to his account. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang tumitipa sa keyboard. Magpapaalam na sana siya sa kausap na nasa kabilang linya nang magsalita na naman ito. "Oh! And, Mr. Hernandez, I also have an info about Lira Santillan." Tila nanginig ang eardrums niya, biglang bumakas ang pag-asa sa kanyang mukha. Hindi pa man niya nabubuksan ang e-mail ay binitiwan niya ang mouse. "What about it?" "Her mother is going to marry an American citizen in Vegas tomorrow. Lira might be there." "You know where the exact location is?" Bradley that moment was almost panting. Gayunman ay bumuntonghininga ang private imbestigator. "No." Napiga niya ang bibig, dismayadong nagpaalam sa kausap. Iki-click na sana niya ang e-mail, pero napasuklay siya sa buhok; nagsidatingan ang mga kabanda niya. "Yo! B! We've got good news!" masiglang bungad ni Paige, tinapik pa ang balikat niya. Bradley frowned. And again, he threw his attention to the computer monitor and said, "Yeah, tell me about it." "The hell, B!" Si Zeke, biglang iniharang ang pagmumukha sa screen. "What you doin', man? You could do it later. You have to hear this out." Bumagsak ang balikat, nilingon niya ang iba pang mga kabanda. "Make sure it has something to do with the melody we've been workin'." "No." Si Paige. Sabik pa nitong bahagyang inilebel ang mukha sa kanya. "But guess what: we have three nights show in Vegas—your comeback concert, B! And it's starting tonight!" Sa puntong iyon ay hindi na nagawang makakurap pa ni Bradley. Before he knew, he was smiling to the point his dimples popped out. "Vegas..." Ginulo-gulo ni Eiden ang buhok niya. "We know, B. This is what you've been waiting for: to perform again. So you better get home and pack up, alright?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD