Chapter 5: Truth Hurts

1509 Words
C H A P T E R 5: T R U T H H U R T S PAGBUKAS ni Bradley sa pinto, nadatnan niya ang mga kabandang nag-aayos ng musical instruments. May isang bahagi niya ang gustong humawak ng gitara. Bagaman pinilit niyang 'wag pansinin ang tawag ng mga daliri at lumapit kay Paige na abala sa harap ng desktop computer. Mas nananaig iyong pagkawala ng gana niya sa musika. "So,” si Paige, “you ready to see her? Or... to remember?" Tinanguan niya si Paige. Nga lang ay nakaguhit na sa mukha ni Bradley ang pagtataka, tinititigang maigi ang monitor. Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. "Vidytube? Seriously?" Umupo siya sa katabing upuan, ipinatong ang baso sa isang bahagi ng computer table. Tinapik lamang siya ni Paige sa balikat, tumipa sa search engine. "Nat-Nat underscore tig o bity." Natawa si Bradley sa tinipang username nito, sinasalinan ng red wine ang baso. "I can tell." Indeed, he could tell. Malinaw sa panaginip niya ang pigura ng babae, partikular kasaganaan ng dibdib nito. Maging si Paige ay napabungisngis din. "This account was made by her best friend, Lira." Natigilan siya. "Lira... yeah.The girl with blonde hair who always gets fuss?" Napalingon si Paige. "You remember her?" "I don't know, but I just.. know her. Her face is clear in my head." Wala siyang ideya kung paano niya nakilala ang naturang babae. Basta, nahagilap lamang niya ang isang piraso ng alaala: kausap niya ito sa isang party. Party sa isang mataas na lugar kung saan tanaw ang isang maliit bulkan—ang Taal Volcano. Nang mapindot ni Paige ang 'enter', sandamakmak na videos ang rumehistro sa screen. Lumambot ang ekspresiyon sa mukha ni Bradley. Habang hawak ang bote ng alak, ang isang kamay niya ay tumuping isinapo iyon sa bibig. His heart was beating faster. Lalo na nang i-click at i-play ni Paige ang isa sa mga videos na naroroon. "Lira! How many times do I have to tell you, stop taking videos of me!" wika ng babaeng may itim at maigsing buhok. Nakaupo ito sa bench, nakaharap sa MIDI keyboard. At hindi na maialis ni Bradley ang paningin sa monitor. Hindi man mahagilap ng utak kung sino ang babae, napatunayan na niya: talagang may malaking espasyo ang babae sa buhay niya. "That's Natalie, B," Paige paused the video. "We took our vacation at her hacienda after our concert in Manila more than two years ago." Pinilit niyang ipatong ang bote ng alak sa computer table, kinuha ang wineglass, napalagok doon nang ilang beses. "Hacienda... in the Philippines?" Isang tango ang tugon nito. "Just watch the video, Bradley. It might return some of your memories." Paige stood up. Tinapik-tapik ang balikat niya. "Just be cautious. You already know what the doctor said about forcing yourself to remember Nabuhay na naman ang kung anong takot sa dibdib niya. Gusto ng kamay niyang i-play muli ang video. Bagaman sumasagi pa lamang sa isip niya ang naranasang kirot sa sentido kamakailan lang ay parang kinikilabutan na siya. "Paige, wait." Lumagok siyang muli sa wineglass, sinundan ang kaibigan. Nag-aalalang tingin ang ipinupukol ng mga ka-banda niya nang madaanan niya ang mga ito. Huminto si Paige sa paglalakad, hinarap siya. "If you wanna know where she is, I couldn't tell, B." Paige threw himself to the couch. Kasabay niyon ay ang paglapit nina Jas at Zeke, tinabihan si Paige. "Why?" tanong niya, halos magdikit ang mga kilay. "Because no one knows where she is," sagot ni Jas. Magtatanong pa lang sana siya nang magsalita muli si Paige. "She came here in LA and saw you in a coma." Bumuntonghininga ay umiwas ito ng tingin. "Then, that night, right there while she was crying, looking at you, she miscarried your child." Napamaang si Bradley. Ang kaninang salubong na kilay ay biglang naghiwalay. Natutop niya ang bibig, nagpapalit-palit ang tingin sa mga musical instruments na nasa harap niya. Right then and there, a tear ran down his face. Mabilis niyang pinalis iyon. Bagaman, dahil sa mga narinig, iyong sakit na idinulot ng pagkamatay ni Adriana, maging iyong pagka-coma niya nang dalawang taon, parang naging sampung beses na mas masakit. "You fell in love with her that morning at the pool," ani Zeke. "We thought, it was the first time you two met, but—" Hinampas ni Paige ang tiyan nito. "But what?" tanong ni Bradley, "C'mon! Tell me!" Gayunman, ilang segudong nanahimik ang mga ito. Pagkatapos ay sabay-sabay na napayuko. "I've told you about it, B." Si Paige Saka lamang sumagi sa isip niya ang singsing ng namayapang ina. Noon napapikit si Bradley. Sumigid na naman ang matinding kirot sa sentido niya nang biglaan ay dumaan sa pandinig niya ang isang matining na boses. Boses ng isang batang babae. Is that a true diamond ring? Can I see? Can I... Hey! Afro man, this is your ring! Gamit ang mga daliri ay idiniin niya iyon sa mga mata. Wala mang kalakip na imahe ay paulit-ulit iyon sa pandinig ni Bradley. Madali siyang lumagok sa wineglass, inubos lahat ng laman niyon, ginagawa ang makakayang 'wag ipahalata ang biglang pagsakit ng ulo. As the liquor trickled down his throat, just like that, the little girl's voice disappeared. Isang parte iyon ng isang alaalang nawala, batid ni Bradley. Ang hindi niya lang makuha ay kung bakit alam niyang siya ang nakawala ng singsing. Pinasadahan ng kamay ang buhok ay umupo siya sa kalapit na upuan. "So, this Natalie became my girlfriend? D-did she dumped me?" Kumamot si Paige sa sentido. "We don't know if—" he shrugged, "that's what you call it, but, that night when she had a miscarriage, she was admitted to the same hospital where you were. And then, the next day, they just ..." Buntonghininga ang lumamon sa sasabihin nito. Dismayado ay umiwas na naman ito ng tingin. "Disappear." "They?" tanong ni Bradley. "She was with her sisters and her bestfriend, Lira," si Paige muli. "Your siblings, especially Wena have been trying to reach them out, but up until now, there's no sign of 'em. And it was kinda bit weird, 'cuz—" He paused, leaning forward to him. "You remember Caleb?" Bradley paused as well. Kunot na kunot ang niya. "Caleb, yeah. He was my psychotherapist before." "Caleb visited Natalie that night," Jas revealed. "He also suddenly closed his clinic here in LA and no one knows where he is. There was a rumor before: Caleb moved out to the Phillippines." Hustong pinagkabit-kabit ni Bradley ang mga nalaman. Bago pa man ay kusang napakuyom ang kamao niya. "I wanna know everything about Natalie," instead, he demanded, gritting his teeth. "Including the shared past of you two?" tanong ni Paige. "No. I know my memories of her would come back. I just wanna know where she lived and who her sisters are." Nagkatinginan ang mga kabanda niya. Hindi nakaimik ang mga ito kapagkuwan. Ilang sandali pa, lumapit at inakbayan siya ni Eiden. "We'll tell you everything, B. Just make sure you'll do your promise; working and producing, you know. Just a reminder, bro, you already said 'yes' for a new contract." Pinakatitigan niya ang kapatid, "And what are you tryna to point out?" iritableng tanong niya. Kinuha ni Eiden ang hawak niya na wine glass saka pumunta sa gawi ng computer. "I know you, B: you're gonna find that girl and you were not serious about the contract." Sinalinan nito ng wine ang baso. Lalong dumiin ang mga daliri niya sa sentido. Tama ang kuya niya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakikita si Natalie. Ayaw niya mang maramdaman, sa puso ay naghihinanakit siya nang sabihin ni Paige na bigla itong nawala. Gusto niyang malaman kung bakit ito nawala, kung bakit siya iniwan nito. Gusto niyang malaman kung talaga nga bang iniwan siya nang ganoon na lang. Dahil ba sa na-coma siya? Lumapit si Eiden sa gawi niya kapagkuwan, iniabot sa kanya ang wineglass. "Think about what I've said, B. You know your fans are still waiting for your comeback." Tinapik tapik nito ang kanyang balikat. Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Are we making a deal here?" Hindi kasi siya sigurado kung talaga nga bang magagawa niya ang mag-produce pa ng mga kanta. Pero dahil na rin sa nagalaw ang kalahati ng savings niya sa mga banko na siyang ginastos sa ospital noong na-coma siya, napilitan siyang pumayag sa offer na inihatag sa kanya kanina ng producer. Hindi niya gugustuhing kuhanan ng pagkakagastuhan ang kinikita niya sa copyrights ng albums niya. Hindi iyon sasapat. Wala ring kasiguraduhan kung magkakaroon ba sila ng regular shows, lalo na't karamihan sa mga kabanda niya, nag-quit na rin sa musika. Noon siya tumayo sa kinauupuan. "Okay. Let's make a deal then." He should give it a try. Besides, he really wanted to see Natalie. He had these guts Natalie dumped her. I'll do everything I could to jump on your bones, Natalie. I'm gonna make you pay, he said at the back of his head. Clenching his jaw, he almost broke the wineglass he'd been holding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD