CHAPTER 4

2516 Words
LABINLIMANG minuto ang kinailangan ni Aya para ibalik sa normal ang kaniyang sarili. Kaya nang pumasok siya sa loob ng bahay niya ay nakakunot noong mukha na ng nanay niya ang naabutan niya. “Bakit ang tagal mo? Sinabi ko tuloy kay Jena na mamaya na tatawagan ka na lang niya,” takang tanong nito. Marahil ay si Jena ang tumawag sa kaniya kanina. “Nagpaalis lang ako ng inis sandali mama. Nakakabuwiset kasi ang lalaking iyon. Ang daming reklamo,” palusot niya. Sabagay may katotohanan naman talaga ang sinabi niya. Bumakas naman ang simpatya sa mukha nito at bumuntong hininga. “E kasi nga lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Naiintindihan ko talaga si boss kung bakit sobrang problemado siya sa batang iyon. Magdasal na lang tayo na mapabilis ang pagbabago niya para hindi na sumakit ang ulo ni boss,” sabi ng nanay niya na bumalik na sa ginagawa nitong paghahalo ng sinangag sa kusina. Napabuga siya ng hangin at humatak ng upuan. “Ma, tingin mo ba talaga may pag-asa pa ang lalaking iyon? I think he’s hopeless.” “Nakadepende sa iyo yon,” biglang sabi ng papa niya na pumasok din ng kusina. “O nakaalis na ba si boss Armando?” tanong dito ng nanay niya. “Oo. Nagbigay lang siya ng mga huling bilin sa akin,” sabi ng tatay niyang umupo rin sa isang upuan doon at tumingin sa kaniya. “Ang sabi niya sa akin, bahala na raw tayo sa apo niya. Malaki daw ang tiwala niya sa atin lalo na sa iyo Aya na mapagbabago natin ang apo niya.” Umangat ang mga kilay niya. “Bakit lalo na sa akin?” tanong niya.  Sa totoo lang ay ayaw na niyang mapalapit pa sa lalaking iyon. Delikado ito sa kaniya at sa puso niya. “Dahil ikaw naman ang mas madalas niyang makakasama. Ibinilin ni boss na siguraduhin mo daw na magrereport si Brett sa opisina ninyo bukas.  Aya, anak may tiwala ako sa iyo kaya mo iyan. Malaki ang utang na loob namin kay boss at ito lang ang alam naming paraan ng mama mo para makabayad sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa amin noon,” seryosong pahayag na papa niya. Napangiwi siya. Kapag ganoon na ang sinasabi nito ay paano pa siya magrereklamo? Sabay-sabay silang napalingon sa panig ng pinto nila nang makarinig sila ng sunod-sunod na katok. “Baka si Brett na iyan tamang tama tapos na akong magluto. Buksan mo ang pinto Aya,” utos ng nanay niya. Nanlaki ang mga mata niya. “Bakit ako?” protesta niya. “Alangan namang ang papa mo?” pinanlakihan siya nito ng mga mata. Napasimangot siya at padabog na tumayo. “Hindi niyo ba naisip na para ninyong hinahagis ang nag-iisa ninyong anak sa kulungan ng leon? Hindi maganda ang reputasyon ng lalaking iyon pagdating sa mga babae,” bulalas niya. Nagtinginan ang mga ito pagkatapos ay sabay pang natawa. “Aya anak, alam naming maganda ka. Pero kumpara sa mga mayayamang babae normal ka lang. Imposibleng paginteresan ka ni Brett. Hala buksan mo na ang pinto,” natatawang sabi ng papa niya. Napaingos siya at tinalikuran ang mga ito. Hindi niya alam kung naiinis siya dahil sa pangmamaliit ng sarili niyang mga magulang sa kaniya o sa katotohanang kahit naman siya ay naniniwala sa mga sinabi ng mga ito. Lukot pa rin ang mukha niya nang buksan niya ang pinto. “What took you so long to open the door?” iritableng bungad nito sa kaniya. Napatingin siya dito at sasagutin sana ito nang matigilan siya sa itsura nito. Basa pa ang buhok nito at bagsak na bagsak na ang pinakamahaba ay umaabot na sa batok nito. Hindi niya iyon napansin kanina. Ang damit nito ay puting tshirt at kupas na pantalong maong. Normal ang suot nito, pero dahil sa kakaibang dating at itsura nito ay para pa rin itong demigod na nakatayo sa harapan niya. “Stop staring at me. I know I look funny. Hindi sa akin ang mga damit na nasa cabinet.  Wala pang hair drier. The bathroom is too small for me. What kind of place is that?” inis na untag nito sa kaniya. Napaangat ang tingin niya sa lukot na mukha nito. Kung makaakto ito ay parang hindi siya nito hinalikan kanina. Sabagay, sa tipo nito ay malamang balewala lamang dito ang bagay na iyon. At akala yata nito kaya niya ito tinitingan ay dahil nawe-weirdohan siya sa itsura nito. Hindi lang nito alam na mukha pa rin itong magazine cover. Pero siyempre hindi niya iyon sasabihin dito. Inismiran niya ito. “Malamang si lolo Mel ang naglagay ng mga gamit sa bago mong bahay. Kaya nga parusa eh. Pasok,” aniya rito at niluwagan ang pinto. Nagpatiuna pa siyang bumalik sa kusina. Sumunod naman ito. Nang makarating ito sa kusina ay agad na pinaupo ito ng nanay niya at kinumusta naman ng tatay niya. Napapaismid na lang siya kapag maayos itong sumasagot sa mga magulang niya. Bakit sa kaniya ang arogante nito? Tuloy nang magsimula silang mag-almusal ay tahimik lamang siya. Paminsan-minsan ay natatawa siya sa mukha nitong nalulukot habang nakatingin sa itlog na pula na may kamatis, tuyo at daing na almusal nila. Malamang sanay ito sa american style na almusal kaya naninibago ito. Nahuli pa niya itong ngumiwi bago ito sumubo ng pagkain. Pero sa kalaunan ay mukha namang nasarapan ito at gumana na ang pagkain. Hindi niya tuloy naiwasang mapatitig dito. Ang inaasahan niya ay magiinarte pa ito pero mukhang kaya naman pala nitong makisama lalo na sa mga magulang niya. Isa pa, tingin naman niya ay hindi arte ang nakikita niyang gana nito sa pagkain. Either nasasarapan ito sa luto ng nanay niya o sadyang gutom lang ito. Still, malayo iyon sa impresyon niya rito. Nakatitig pa rin siya rito nang bigla itong bumaling sa kaniya. Bahagya siyang napaatras. Upang itago ang pagkapahiya ay inismiran na lang niya ito at ibinaling na ang atensyon sa pagkain.   “HOY, gumising ka na. Lagot ka kay lolo Mel kapag hindi ka nagreport sa opisina ngayon.” Naalipungatan si Brett sa boses na iyon at sa marahas na pagyugyog sa balikat niya. Hindi pa man siya nagmumulat ng mga mata ay sumasama na ang timpla niya. Hindi niya inalis ang pagkakatalukbong ng manipis na kumot sa katawan niya. Dahil hindi siya lasing sa umagang iyon ay mabilis na luminaw sa utak niya ang nangyayari at kung sino ang babaeng nangigising sa kaniya. “Hoy ano ba gumising ka na sabi. Kapag ako nalate ng dahil sa iyo,” inis nang sabi nito. “Will you just shut up?!” banas na sabi niya sabay bangon. Lumangitngit ang maliit na kama niya. “Ni hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos because this goddamn bed is so small and uncomfortable! Sobrang init pa!” angil niya. Iyon ang totoo. Kahit anong tulog ang gusto niyang gawin kagabi ay hindi niya magawa. Hindi ilang beses na ginusto niyang umalis doon o tumawag sa mga kaibigan niya para sunduin siya o kaya ay bumalik sa unit niya. Pero tuwing naalala niya ang mga sinabi ng lolo niya ay hindi niya iyon magawa. Kilala niya ang lolo niya. Hindi nito ugali ang mambluff. Lahat ng sinasabi nito totoo. Isa pa ay nang halughugin niya ang maliit na bahay na iyon ay hindi niya makita ang cellphone niya. Ang wallet niya ay three thousand lang ang laman at wala lahat ng atm at credit cards niya. Saan siya pupulutin kung aalis siya? So, he chose to sleep. Pero alas kuwatro na niya nagawang makanakaw ng tulog dahil sobrang init. Hinubad na nga niya lahat ng damit niya at briefs na lang ang itinira niya para makatulog siya. Tingin niya kalagitnaan ng tulog niya ay lumamig na ang paligid at nagawa na niyang magtalukbong ng kumot. At kung kailan napapasarap na ang tulog niya ay saka naman siya ginising ng babaeng ito. “You’ll get used to it,” sabi pa nito na ikinalingon niya rito. Nakatalikod ito sa kaniya at kasalukuyang binubuksan ang cabinet niya. Naka-office uniform ito na gaya noong una niya itong makita kasama si Lettie. “Bumangon ka na diyan please lang ayoko malate. Tiyak na pagagalitan ako ni Mrs. Ramos kung sakali,” sabi pa nito. Napabuga na lang siya ng hangin at tumayo. Pagkuwa’y ay natigilan siya nang maalalang nakabriefs nga lang pala siya. Napatingin siya kay Aya na humahatak na ng polo at slacks sa cabinet. Sa kabila ng iritasyon niya ay hindi niya naiwasang mapangiti sa kalokohang biglang pumasok sa isip niya. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita pero hindi na niya inintindi iyon. Lumakad siya palapit dito. Nang nakatayo na siya sa mismong likod nito ay nalanghap niya ang mabango at preskong amoy nito. Hindi niya masabi kung pabango ba nito iyon o ang sabon na ginamit nito. But he liked her scent. It gives him the urge to go nearer to her and nuzzle her neck. “Ano hindi ka pa ba maliligo?” inis nang sabi nito at biglang humarap sa kaniya. Nagulat ito at nanlalaki ang mga matang napaatras. “B-bakit ka nandiyan? At bakit ka nakahubad?” garalgal na sita nito. Napangiti siya. He had the satisfaction to get the reaction he wanted from her. Napansin niya mula pa kahapon na kahit lagi itong mukhang inis sa kaniya ay minsan nakikita niya ang mga pasimpleng pagtitig nito sa kaniya. Sanay man siyang titigan ng mga babae ay mayroong kung ano sa tingin nito sa kaniya na nagbibigay sa kaniya ng ibang pakiramdam. At ang ekspresyon sa mukha nito kapang na-ko-caught off guard ito gaya noong hinalikan niya ito, ah priceless. Nang maalala niya ang halik na iyon ay bahagyang nawala ang ngiti niya at napatingin sa mga labi nitong may bakas ng lipstick. She had the sweetest lips he had ever tasted in his whole life. It sounds cliché but it’s true. Sa dami ng babaeng nahalikan na niya, ito lang ang halos magpawala ng katinuan niya. To think na isa itong estranghera sa kaniya. At ngayon, parang gusto na naman niya itong ikulong sa mga bisig niya at sakupin ang mga labing iyon. “Bakit ganiyan ka na naman makatingin ha?! Anong balak mong gawin?” sabi nito sa mas malakas na tinig. Natauhan siya at ngumiti. “Balak kong maligo. I just want you to know how dangerous it might be for a woman to come inside a man’s room without permission,” aniyang inilapit pa ang mukha dito. Naramdaman niya ang paghigit nito ng paghinga. “Not that I hate to wake up and seeing you inside my house. I just want you to know that I always sleep n***d,” pabulong pang sabi niya. Pinigilan niya ang matawa nang makita niyang nagkulay kamatis ang mukha nito. When her lips parted, that particular part of his anatomy suddenly became alive again. Lumayo na siya rito at mabilis na pumasok sa banyo bago pa niya masira ang make-up nito. Kahit kailan ay wala pa siyang nakilalang babaeng nakapagparamdam ng ganoon sa kaniya – that fuzzy feeling along with that intense desire to make her his. Naisip niya tuloy, na kung wala ito sa eksena ay malamang nagwawala pa rin siya sa kalokohang iyon ng lolo niya. Oh, well, gagawin niya ang gusto ng lolo niya na gawin niya para makabalik siya sa dati niyang mundo. Hindi niya kayang tumagal sa lugar na iyon. Habang nagkukunwari siyang nagpapakabait ay sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakakilala siya ng isang interesanteng babae. He wanted her alright. Hindi niya ikakaila sa sarili niya iyon. So, he will make her his. Then when he got enough of her and he finally made his grandfather think he has changed, makakabalik na siya sa dati niyang mundo may bonus pa. Ah, I am great.   LUTANG. Iyon ang unang beses mula nang magtrabaho siya sa Valencia Furnitures na pumasok siya ng ganoon ang pakiramdam. Masyado nang maraming nangyari sa loob lamang ng wala pang bente kuwatro oras at napapagod na siyang mairita at malito. Kaya hayun at lutang siyang nakaupo sa cubicle niya. At dahil sa araw na iyon ang unang araw ng leave ni Lettie at si Jena naman ay nasa Designs Department ay wala siyang makausap na kaibigan para kahit papaano ay mawala ang nararamdaman niya. Naagaw ang atensyon niya nang pagkakaingay ng mga officemates niya habang nakasilip sa opisina ni Mrs. Ramos. “Oh my gosh, totoo ba ito? Baka nanaginip lang ako na nakikita ko ang hunk na iyan sa loob ng opisina ni Mrs. Ramos,” kinikilig na sabi ng isang katrabaho niya. “Naku sana totoo. Parang may Diyos na bumaba sa abang opisina natin kung tama tayo ng hinala na magtatrabaho siya rito,” sabi ng isa. “Pero bakit sa department natin? Sigurado namang pwede na siyang maging executive dahil co-heir naman siya ng kumpanya,” komento ng isa pa. “Gaga, huwag mo na isipin iyan no. Magpasalamat ka na lang sa grasya.” Kasunod niyon ay hagikhikan. “Teka, lalabas na siya!” patiling sabi naman ng isa. Umatras ang mga ito at nagsipulasan nang bumukas ang pinto ng opisina ng immediate boss nila at lumabas si Brett. Pormal ang mukha nito at bahagya pang nakakunot ang noo. Kasunod nito si Mrs. Ramos na iginala ang paningin sa paligid at huminto ang tingin sa kaniya. Pinigian niyang mapangiwi dahil parang may ideya na siya kung ano ang susunod na mangyayari. “Miss Mendez, come here,” tawag sa kaniya ng may-edad na babae. Huminga siya ng malalim at lumapit sa mga ito. “Naipaliwanag ko na kay Mr. Valencia ang general function ng department natin. Ikaw ang inaassign ko para personal na magtetrain sa kaniya para magawa niya ng maayos ang trabaho niya. Aasahan kita Miss Mendez,” anito. Gusto niyang magprotesta subalit alam niyang wala namang kahahantungan iyon. Makakakuha pa siya ng atensyon kapag ginawa niya iyon. Sinong normal na babae ang tatangging magtrain kay Brett Hart Valencia at magkaroon ng pagkakataong makasama ito? Kapag tumanggi siya dudumugin siya ng tanong ng mga office mates niya. Kanina nga ay naulan na siya ng tanong kung bakit magkasama silang dumating at late pa. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang sumasagot sa mga personal na tanong mula sa mga taong hindi naman niya sobrang ka close. Napahinga siya ng malalim. “Yes, ma’am,” sagot na lamang niya at sinulyapan si Brett. Nakatitig ito sa kaniya.  Nang masalubong niya ang mga mata nito ay may nakita siyang kakaibang kislap doon. Na para bang may mga naiisip itong kalokohang balak nitong gawin. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. She saw the side of his lips twitch. Pagkatapos ay napamaang siya sa sumunod niyang nakita. He smiled. A sweet and warm smile na unang beses niyang nakita mula dito. Sa sobrang init niyon ay natunaw yata ang mga internal organs niya. Kasama yata ang puso niya. No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD