“SA WAKAS gising ka na.”
Namangha si Brett nang makilala niya ang taong pumasok ng silid na iyon. “Grandpa?! Anong ibig sabihin nito?” gulat na tanong niya sa lolo niya. Sa likod nito ay nakasunod ang may edad na lalaki at babaeng kanina ay namulatan niya.
“This is your punishment,” maawtoridad na sabi nito.
“What?!” kunot noong tanong niya.
Humalukipkip ito. “From now on, you will live here. Hindi ka na pwedeng bumalik sa unit mo dahil nasabihan ko na ang may-ari ng condominium na iyon. Kinuha ko na rin ang susi ng kotse mo, ang credit cards mo, ang atms mo at lahat ng bagay na binili mo gamit ang allowance na ibinibigay ko sa iyo. Starting today, I will cut our connections until you learned your lesson. You have to live on your own and work hard on your own to get the money you need. Mula ngayon, hindi ka na mabubuhay bilang isang Valencia kung hindi bilang isang normal na tao,” pinal na sabi nito.
“Wait, wait a minute! I don’t think I’m following what you are saying grandpa. That is just insane!” manghang saway niya rito.
“You heard me right. Sinabi ko na sa iyo noong huli tayong magkita hindi ba? Ubos na ang pasensya ko sa iyo. Kailangan mo ng turuan ng leksiyon. You will stay here and work hard for your expenses.”
Tuluyan na siyang napanganga. “No way!”
“Anyway, hindi naman ako ganoon kasamang lolo. Sa isang gaya mo na twenty eight na pero wala pa ring experience sa trabaho ay tiyak na mahihirapan kang humanap ng trabaho maliban sa construction. Honestly, willing sana akong hayaan kang ganoon ang maging trabaho pero nakiusap sa akin ang mga magulang mo kaya hahayaan kitang magtrabaho sa kumpanya as a regular employee,” sabi pa nitong tila hindi narinig ang protesta niya.
Hindi pa rin siya nakasagot. Nahihilo siya sa bilis ng mga pangyayari. Last night, he was feeling good. He thought his life is back on track. Pagkatapos ay ito ang magigisnan niya? What the hell!
“Ah, Aya hija, i-a-assign ko rin ang lalaking ito sa General Affairs Department na gaya mo dahil ang sabi sa akin ni Damon ay magleleave na raw si Lettie. Siguradong kakailanganin ninyo ng bagong tao at likas na abala ang departamento ninyo. Nakausap ko na si Damon at ang immediate boss mo. So, I will hand you this guy Aya,” sabi na naman ng lolo niya na nakatingin sa babaeng nasa tabi niya.
Tiningala niya ito. Napakunot noo siya nang makitang maasim ang mukha nito. Na para bang hindi ito natutuwa sa naririnig. Well hindi rin ako natutuwa! What the heck! At sino ba talaga ang babaeng ito? Base sa sinabi ng lolo niya sigurado siya na empleyado ito sa kumpanya nila. Binaggit din nito ang pinsan niya at ang asawa nito.
Then it hit him. Kaibigan ito ni Lettie! Minsan na niya itong nakita kasama ang babae kaya pamilyar ito sa kaniya.
“Okay ngayong naipaliwanag ko na ang lahat ay aalis na ako. Armando, Belen, Aya, pasensya na talaga sa abala. Kapag gumawa ng matinding g**o ang lalaking iyan ay tawagan niyo lang ako,” paalam na ng lolo niya.
Napatayo siya sa pagkataranta. “Wait Grandpa! Iiwan mo talaga ako dito?! For how long?!” frustrated na tanong niya.
Malamig siyang tinitigan ng lolo niya. “Until I could see that you changed. At huwag mong subukang humingi ng tulong sa mga magulang mo o sa kahit na kaninong kakilala mo sa dati mong mundo Brett. Mapapahiya ka lang dahil nagawan ko na silang lahat ng paraan. Goodbye,” pormal na sabi nito at tuluyan nang lumabas ng silid. Sumunod dito ang may edad na lalaki.
“Sandali at maghahanda ako ng almusal. Aya, ikaw na muna ang bahala kay Brett ha?” bilin naman ng may edad na babae bago lumabas.
Naiwan silang dalawa ng babae sa silid. Siya ay mangha, ito naman ay mukhang naiinis. Nagbuga pa ito ng hangin at bumaling sa kaniya. “Well, mahal na prinsipe, inumin mo na ang gamot na iyan. Pagkatapos ay maligo ka andon ang banyo. Pagtiyagaan mo na kung di-timba at tabo lang ang banyo dito. Ang mga damit na isusuot mo nandun sa cabinet na iyon. Pagkatapos lumabas ka at magpunta sa bahay namin sa may kaliwa mo paglabas mo ng pinto,” pautos na sabi nito na akala mo kung sinong amo.
Nainis siya. “Will you stop using that irritating tone on me?! I am pissed off to last me a lifetime already! Huwag ka na dumagdag,” bulyaw niya rito.
Tumingin ito sa kaniya at pinaningkitan siya ng mga mata. “Huwag mo akong sigawan. Besides kasalanan mo rin kung bakit ka ipinatapon ni lolo Mel dito sa amin. Huwag mong ibunton sa akin ang inis mo dahil hindi kita sasantuhin. Basta kung gusto mong magkalaman ang sikmura mo sa araw na ito magpunta ka sa bahay pagkatapos mong mag-ayos at kalmahin ang sarili mo. Sige,” sabi nito at tinalikuran na siya.
Gigil na gigil siya. Noon lamang siya nakaencounter ng babaeng gaya nito. Maganda sana pero ubod naman ng talas ang dila. Worst bukod sa hindi ito apektado ng appeal niya ay kung umakto pa ito ay parang isa siyang malaking peste sa buhay nito. At habang sinusundan niya ito nang tingin habang palapit ito sa pinto ay naghahalo-halo na ang inis at frustration niya rito at sa sitwasyon niya. Kaya bago pa siya makapag-isip ng matino ay malalaki ang hakbang na tinawid niya ang kinaroroonan niya at ang pinto.
Bago pa ito makalabas ay nahawakan na niya ang braso nito at nailapat ang isang palad sa pinto upang mapigilan itong makalabas. Napaigtad ito at napalingon sa kaniya. Dahil masyado silang magkalapit ay halos magtama na ang mga mukha nila nang tumingala ito sa kaniya. Bigla ay tila tumalas ang lahat ng senses niya. He could clearly smell her scent. It was a fresh scent. Iba sa nakasanayan na niyang amoy ng mamahaling pabango ng mga taong nakakasalamuha niya. Habang tinitingnan din niya ang mukha nito, ang mga mata nitong bakas ang magkahalong pagkagulat at pagkalito pababa sa mga labi nitong bahagyang nakaawang ay tila may kung anong humahalukay sa kaloob-looban niya. Bigla siyang nalito. Bigla ay tila nais gumalaw mag-isa ng katawan niya at tawirin ang pagitan ng mga mukha nila. And it’s making him more frustrated than he already was.
“What?” inis na tanong nito sa kaniya. Umabot ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha niya. That and her nearness made him feel heady. Kasabay niyon ay may binuhay itong bahagi ng katawan niya. Lalo siyang nabuwiset dahil naaarouse siya ng babaeng ito na walang wala naman kumpara sa lahat ng babaeng dumaan na sa buhay niya. Idagdag pa ang nakakairitang ekspresyon sa mukha nito na halatang hindi apektado sa kaniya. Na para bang siya lang ang naaapektuhan ng pagkakalapit ng kanilang mga katawan.
“I hate your guts,” gigil na asik niya rito.
At sa lalo niyang pagkainis ay ngumiti pa ito ng sarkastiko. “Honestly, the feeling is mutual. Pero para kay lolo Mel, I am bound to take care of you habang nandito ka. But don’t try to boss me around dahil hindi ka prinsipe dito maliwanag ba? Now, bitawan mo ako at lalabas ako,” sabi nito.
Hindi niya ito binitawan at nakatiim bagang na tinitigan ang mukha nito. “Now I hate not only your guts. I hate you.”
Umismid ito. “Again the feeling si mu –
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito dahil hindi na siya nakapagtimpi pa. Himbis na bitawan ito ay humigpit pa ang hawak niya sa braso nito. Pagkuway humakbang siya paharap at isinama niya ito dahilan upang mapasandal ito sa pinto. Nakulong ito sa pagitan ng pinto at ng katawan niya. He groanded when he felt her soft breasts on his chest. Then before she could even say anything more, he hastily claimed her mouth for a deep, punishing kiss.
Intensyon niyang iparamdam dito ang lahat ng galit, inis at frustration niya sa araw na iyon. Gusto niyang malaman nito na wala itong karapatang magpakabossy sa kaniya dahil hindi siya nito kaya. Yet, when he tasted her lips, something inside him rumbled again. For some reason, he felt threatened. Bigla ay tila siya natakot dito. Alam niya na on impulse dapat ay lumayo na siya rito. Pero ang taksil niyang katawan at mga labi ay ayaw kumilos palayo. Because no matter how much he hates this stranger’s guts, he doesn’t hate the sweet taste of her lips at all.
HINDI makakilos si Aya. Hindi lamang dahil sa pagkabilga sa nangyayari kung hindi dahil sa kakaibang sensasyong lumulukob sa katawan niya ngayong magkalapat ang katawan nila ni Brett at sakop nito ang mga labi niya. Hindi iyon ang unang halik niya. But the feel of his body on hers, his strong hands firmly holding her arm and the way he move his lips on hers made her feel like she’s turning into jelly. Ang puso niya ay mabilis na tumitibok. Ang mukha niya at buong katawan niya ay tila sinisilaban.
Alam niya na dapat niyang paglinawin ang isip niya at itulak ito. Iyon ang tamang gawin dahil kahit na kilala niya ito sa pangalan at ipinagkatiwala ng lolo nito sa kaniya ang pagsubaybay dito ay isa pa rin itong estranghero sa kaniya. Pero tila namatanda ang katawan niya at ayaw kumilos. Kahit na pakiramdam din niya ay namamaga na ang mga labi niya sa diin ng paghalik nito sa kaniya na tila ba sa paraang iyon ay nais nitong ilabas ang lahat ng galit nito ay hindi niya iyon alintana.
Hanggang sa ang halik nito ay unti-unting gumaan. Naging mapanukso iyon at tila tinutudyo siyang tumugon. Tila may mga paru-parong nagwawala sa sikmura niya sa sensasyong dulot ng paggalaw ng mga labi nito. Ang kamay nitong mariing nakahawak sa braso niya ay lumuwag at nagsimulang humaplos. Ang katawan nito ay lalong dumikit sa kaniya. When she felt something hard poking her stomach, she shivered. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa kaniya at nawawala siya sa katinuan?
And just when she thought it was enough to drive her crazy she was wrong. Because when she felt his tounge probing its entry on her mouth she gasped. Napakapit siya sa balikat nito dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka matumba siya. Hanggang sa lalong lumalim ang halik nito at ang kamay nito ay nagsimulang humaplos patungo sa dibdib niya. Nang pumisil iyon ay noon siya napaigtad siya at napaungol siya. Hindi siya nakatiis. Gumanti siya ng halik dito. Ito naman ang napaungol. His hand reached for her behind and pulled her closer to his arousal. Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot sa bawat himaymay ng katawan niya.
“Aya! Halika sandali at may tawag ka!”
Natauhan siya sa sigaw na iyon ng kaniyang ina. Awtomatiko at ubod lakas niya itong itinulak palayo sa kaniya. Napalayo ito sa kaniya ng ilang pulgada. Pero kahit ganoon ay tila damang dama pa rin niya ang katawan nito sa katawan niya. Bigla siyang nanlamig. Hindi siya umalis sa pagkakasandal sa pinto dahil nanginginig ang mga tuhod niya. Anong nangyari? They just formally met each other that day at ano ang ginagawa nila? She almost did it with him!
Nanlalaki ang mga mata at hinihingal pang napatitig siya rito. Maging ito ay hinihingal din. His eyes dark with desire. At alam niya na kung ibaba niya ang tingin niya sa katawan nito ay makikita pa niya ang ebidensya nang nakikita niya sa mga mata nito. “A-ano sa tingin mo ang ginawa mo?” tanong niya ritong pilit nilangkapan ng galit. Subalit kahit sa pandinig niya ay tila bulong lamang iyon.
Tumitig ito sa mga mata niya. Saglit na nakita niya ang pagkalito sa mga mata nito bago iyon nawala at sarkastikong ngumiti. “Ngayon mo pa itatanong iyan after you responded to my touch and kisses willingly?” nanguuyam na tanong nito.
Nag-init ang mukha niya. “I did not!” mariing tanggi niya. E ano kung halatang nagsisinungaling siya. The point of the matter is, he was the one who initiated it! “Ang sabi mo you hate me. Kung ganoon bakit mo iyon ginawa?!” giit niya.
Mukhang nakabawi na ito sa pagkahingal dahil dumeretso na ito ng tayo at hindi inalis ang nakakabuwisit na ngiti sa mga labi nito. “I hate you that’s why I did that. I want to piss you off the way you did to me. And believe me, I got the reaction I wanted. Kaya huwag mo akong iboboss around dahil higit pa diyan ang kaya kong gawin. And as far as I can see, hindi ako mahihirapan,” mayabang na sabi nito at tumalikod na.
Nanlaki ang mga mata niya. “Ang kapal ng mukha mo! Jerk!” asar na angil niya rito.
“Yeah, yeah, I know that. Kaya nga ako dinala ni grandpa sa ganitong lugar hindi ba?” asar na sabi nito.
Lalo siyang nainis. “Talaga! Although tingin ko wala ka nang pag-a – What are you doing?!” nanlalaki ang mga matang tanong niya nang makita niyang hinubad nito ang polo na suot nito.
Humarap ito sa kaniya. Kahit tuloy ayaw niya ay nasilip niya ang perpektong katawan nito. Mula sa firm na dibdib nito pababa sa bandang tiyan nito na may abs. Lalong uminit ang mukha niya. “I will take a bath. Do you want to stay here and wait for me?” sarkastikong tanong nito.
Nainis siya sa tono nito. “Asa!” asik niya rito at mabilis nang lumabas ng apartment nito. Patakbo siyang nagtungo sa bahay nila pero hindi agad pumasok sa bahay nila dahil magtataka ang mga magulang niya kung bakit ganoon ang itsura niya.
Pilit niyang hinahamig ang sarili at kinakalma ang puso niyang ayaw tumigil sa pagwawala. Naitakip niya ang kamay sa bibig niya. Naiinis siya sa lalaking iyon. Pero mas naiinis siya sa sarili niya dahil sa naging reaksiyon niya. Sa dami ng naging kasintahan niya ay kahit kailan hindi niya hinayaang umabot hanggang sa inabot nila ng lalaking iyon ang relasyon niya sa mga dati niyang kasintahan. Hindi niya pinaabot dahil kahit kailan ay hindi siya nawalan ng kontrol na gaya ng nangyari kani-kanina lang. Hindi siya nawala sa katinuan.
Sunod-sunod siyang humugot ng paghinga. And I am supposed to watch that jerk closely habang hindi pa siya pinapatawad ni lolo Mel?! Ngayon sigurado na talaga siya. Napasubo siya.