NAPATINGALA si Brett nang may patak ng tubig na bumagsak sa ulo niya habang nakaupo siya sa kama niya sa maliit na apartment room na inookupa niya. Agad niyang nakita ang bakas ng tagas ng tubig sa kisame. “s**t, ano ba namang klaseng bahay ito?” frustrated na nasabi niya sa sarili. Walang pasok sa araw na iyon at dahil wala naman siyang ibang pwedeng puntahan ng wala siyang pera o kahit credit card man lang ay napagdesisyunan niyang manatili na lamang doon at matulog. Gagawin na niya iyon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. At ngayon ay may tulo ang kisame ng apartment niya.
“Just great,” nasabi na naman niya at marahas na napatayo. Lalo siyang namangha nang makitang hindi lamang ang parte ng kama ang may tulo kung hindi maging sa panig na kinapupuwestuhan ng maliit na lamesa. Hayun at basang basa na ang lamesa. “Ganito ba talaga ang bahay ng mga tao rito?”
Binuksan niya ang pinto ng bahay at sumilip sa panig ng bahay nila Aya. Hindi niya ito nakitang umalis kaya malamang nandoon ito sa bahay ng mga ito. Saglit niyang muling tiningnan ang loob ng bahay niya na may mga bakas na ng patak ng ulan bago patakbong tumawid sa bahay nila Aya. Malakas siyang kumatok. “Hey! Landlady!” tawag niya rito.
Nakarinig siya ng yabag bago bumukas ang pinto. Nabungaran niya si Aya na naka tshirt at shorts lang gaya nang porma nito noong una niya itong nakita. May pagtataka sa magandang mukha nito habang nakatingala sa kaniya. Saglit na nahigit niya ang hininga at wala sa loob na naigala ang tingin sa mukha nito bago niya nagawang ipilig ang ulo at murahin ang sarili sa isip dahil lagi na lamang ganoon ang nagiging reaksyon niya tuwing nakikita niya ito. Alam niya na hindi iyon magandang pangitain para sa kaniya.
“Bakit ka sumugod sa ulan para bulabugin ako?” tanong nitong may bahid ng inis ang tinig. Sanay na siyang ganoon ang tono nito kapag kinakausap siya. Dati nababanas siya tuwing naririnig niya iyon pero ngayon ay nais niyang mapangiti kapag naririnig niya itong magsalita ng ganoon. Hindi niya alam kung kailan iyon nagsimula pero wala na siyang balak pang isipin iyon ng husto dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya.
“It’s raining inside my apartment. Paano niyo nagagawang magpatira sa isang silid na puro butas ang kisame?” aroganteng sabi niya rito upang kahit papaano ay mapagtakpan niya ang reaksiyon niya ng makita niya ito.
Saglit na natigilan ito bago tila may naalala. “Ah, oo nga pala. Bago umalis ang dating nakatira doon ay nasabi na nga niya na may butas ang bubong. Ang balak ni papa ay tapalan iyon bago ang susunod na uupa. Kaya lang bigla kang dumating.”
Umangat ang mga kilay niya. “At kasalanan ko pa? I want to sleep the whole day pero paano ako makakatulog kung tumutulo sa loob?” frustrated na tanong niya.
Tila naman nag-isip ito bago bumuntong hininga. “Fine. Teka may bulkasil pa yata kami. Pumasok ka muna pumapasok ang lamig sa loob ng bahay,” sabi nitong tumalikod na.
Tumalima siya at hindi naiwasang sundan ng tingin ang pagindayog ng balakang nito habang naglalakad. Napabuga siya ng hangin at iniwas ang tingin dito nang tila nais sumunod ng katawan niya rito at hawakan ito. Damnit Brett, why do you always feel like that everytime you see her? You are not a horny teenager s**t!
“Ayun! Sabi ko na nga ba may bulkasil pa dito,” muling sabi nito at lumabas na ng kusina bitbit ang isang lata. Iminuwestra nito iyo sa kaniya. “O.”
Kumunot ang noo niya. “Anong gagawin ko diyan?” takang tanong niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Ipantatapal mo sa butas sa bubong ano pa ba? Wala sila papa dahil may pinuntahan silang kamag-anak namin. Mukhang hindi titigil ang ulan. Kung hahayaan mo ang butas sa bubong tiyak magbabaha na sa loob ng bahay mo,” paliwanag nito.
Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. “Wait a minute. You are asking me to climb to the roof? Nang ganito kalakas ang ulan?” malakas na tanong niya.
Ngumisi pa ito na tila napakaganda ng naisip nito. “Mismo. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Umakyat sa bubong o hayaang magbaha sa loob ng bahay mo. Huwag kang mag-alala may built in ladder sa may likurang bahagi ng apartment na ginawa talaga ni papa para sa mga ganitong pagkakataon. Papahiramin din kita ng kapote. Although tingin ko mababasa ka pa rin naman. Sige na kunin mo na iyan at simulan mo na ang pagtatapal ng bubong. Kukunin ko iyong kapote,” sabi nitong basta-basta na lang isinalaksak sa kaniya ang lata at tumalikod.
Napatiim bagang siya at pinigilan ang sariling kumilos sa kinatatayuan. Naghahalo ang mga emosyon sa dibdib niya dahil sa nakita niyang pilyang ngiti sa mga labi nito. He wants to strangle her lovely neck for what she wants him to do. Ngunit kasabay niyon ay nais ng katawan niyang haklitin ito palapit sa kaniya at siilin ng halik ang mga labi nito. He must be getting crazy for losing his cool and control just because of a woman that is way, way out of his league.
Pero ang higit na nakakabahala sa kaniya ay ang kung anong binubuhay ni Aya sa kaniya na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan noon. Alam niya na hindi iyon normal na pisikal na pangangailangan. Nagsimula iyon noong gabi sa stockroom. Mainit ang ulo niya nang araw na iyon dahil nag-usap sila ni Damon bago ang overtime work na iyon.Tinanong niya ang pinsan niya sa kung ano ba talaga ang rason ng lolo nila sa parusa nito sa kaniya.
“He wanted you to learn to be responsible. Hindi ka na bata para umaktong spoiled at magpunta sa clubs at party gabi-gabi Brett. You are just wasting your energy and intelligence that way,” sabi ni Damon.
Naningkit ang mga mata niya. “Huwag mo akong sermunan,” malamig na asik niya rito.
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Hindi na siya nagtaka. Kahit kailan mula pa noong mga bata pa sila ay hindi ito naapektuhan ng mga salita niya rito. Isang beses lang itong naglait sa kaniya at iyon ay dahil pa sa asawa nito.
“Hindi kita sinesermunan. Sinasabi ko lang ang mga sinabi ni lolo bago siya magdesisyong gawin sa iyo iyan. Hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto talaga niyang mangyari hindi niya ibabalik sa iyo ang dating mayroon ka.”
“And just what the hell is is that he wanted me to learn?” inis ng tanong niya rito.
Saglit na tumingin lang ito sa kaniya na para bang pinag-iisipan pa nito kung sasagutin ang tanong niya o hindi bago ito muling nagsalita. “Dalawang bagay lang. Iyong una alam kong alam mo na iyon, gusto niyang itigil mo na ang dati mong buhay, maging mas responsible at magtrabaho na para sa kumpanya. Just so you know, sa loob ng maraming taon ay OIC lang ang tumatao sa posisyon ng Vice President for Operation. Alam ko na inilalaan niya ang posisyong iyon para sa iyo.”
Sarkastiko siyang tumawa. “Kalokohan. This company doesn’t need me. Nandito ka naman na. You made this company as it is now.”
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ko iyon ginawa ng mag-isa.” Umismid lang siya. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ang pangalawang dahil kung bakit niya kinumpiska ang credit cards, atms at lahat ng bagay na mayroon ka at pinatira sa isang simpleng lugar at pinagtatrabaho sa General Affairs Department ay dahil gusto niyang lumawak ang mundo mo. Most of all he wants you to discover what is most important to you.”
Saglit siyang hindi nakahuma sa mga sinabi nito pero dahil hindi niya maitindihan ang gusto nitong tumbukin ay lalo lang siyang nainis. “What’s with that important crap?” asar na tanong niya.
Bumuntong hininga ito na labis niyang ikinapikon. “Kahit na sabihin ko sa iyo hindi mo rin maiintindihan. Baka sabihin mo rin na isa iyong kalokohan. But you will know what it is once you find it. Sa ngayon wala kang pagpipilian kung hindi ang gawin ang gusto ni lolo. Ah, oo nga pala, kapag umabot ng isang buwan at hindi pa rin niya nakikita ang gusto niyang resulta, aalisan ka raw niya ng mana.”
Napanganga siya. “You’ve got to be kidding me!”
Muli ay nagbuga ito ng hangin. “It’s true. Kahit anong pagkumbinsi ang ginawa ko sa kaniya o kahit ang mga magulang mo ay hindi siya nagpatalo.” Hindi na niya ito pinatapos pa magsalita dahil marahas na siyang lumabas ng opisina nito. Gusto niyang magsisigaw pero alam niyang wala iyong silbi. Kapag nabuo ang pasya ng lolo niya ay walang nakakabali doon.
Dahil doon kaya buong araw nang mainit ang ulo niya. Nang sabihan pa siya ni Mrs. Ramos na mag-overtime siya ay muntik na niya itong masinghalan. Pero nang malaman niyang kasama niya si Aya na magoovertime ay bahagya siyang kumalma. Hindi niya alam kung bakit pero ganoon ang epekto nito sa kaniya. At noong nakinig ito sa kaniya at sa kabila ng sarkastiko sa boses niya ay pinuri pa siya nito ay noon niya naramdaman ang mainit na pakiramdam sa dibdib niya para dito. He kissed her then, not because of pure physical desire but for something deeper. Hindi niya alam kung ano ang tawag doon pero ng mga oras na iyon ay nais niya itong angkinin, hindi lang ang katawan nito kung hindi ang lahat-lahat dito.
Napakurap siya nang muli itong lumabas bitbit ang isang kapote. “O ito na.” Masigla ang mukha nito. Halatang naaliw ito sa nais nitong gawin niya. Kung ibang tao lang ito ay talagang maiinis siya sa pantitrip na ginagawa nito sa kaniya. Pero tuwing nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito ay nakakalimutan na niyang magalit.
Patalikod na itong muli sa kanya nang may maisip siya. Maagap na pinigilan niya ito sa braso. Napaigtad ito at nilingon siya. “Bakit?” asik nito.
“Hindi ako marunong maglagay nito sa bubong,” aniya rito.
Kumunot ang noo nito at nagbuga ng hangin na para bang nagpapasensya ito sa isang bata. Pinigilan niya ang sariling pisilin ang pisngi nito. “Gusto mo lang ako idamay eh. Madali lang iyan no. Hahanapin mo lang ang butas tapos tatapalan mo niyan.”
“Do you expect me to be drenched in the rain alone? No way. Samahan mo ako. Kung mababasa ako sa ulan mas matatanggap ko kung pati ikaw mababasa.”
Tinaasan siya nito ng kilay. “Ayoko. Huwag na nga lang. Tatawag na lang ako ng gagawa.”
Humigpit ang hawak niya rito. “No. Come on. I want to try this at least once.”
“Ang alin? Ang magtapal ng butas sa bubong habang umuulan?”
“No. To get wet in the rain with you.”
“Inaasar mo ba ako?”
“Mukha ba akong nang-aasar sa iyo?” seryosong tanong niya.
Pinakatitigan siya nito bago umingos. “Fine. Tara na bago pa bumaha ng tuluyan sa bahay mo.”
Napangiti na siya at napasunod dito. Weird, but he felt happy more that he thought he will be that she said yes. Yeah, he’s really getting crazy.
“ANG lamig,” bulalas ni Aya sabay yakap sa sarili nang makababa na sila ni Brett sa bubong ng apartment nito. Tapos na nilang tapalan ang mga butas sa bubong. Hindi pa rin humihina ang buhos ng ulan. Ayon sa napanood niya kanina sa balita ay low pressure area lang naman daw iyon at hindi isang bagyo.
“We should get in already bago pa tayo magkasakit,” sabi ni Brett na gaya niya ay basang basa sa ulan. Wala itong tshirt kaya kitang kita niya ang magandang pangangatawan nito na basa ng ulan. Tumalikod siya rito at napalunok. Hindi maganda sa puso ng babae ang makita ng ganoon si Brett.
“Aya what are you still doing there?” tawag nito sa kaniya. Noon siya lumingon dito. Lumapit na ito sa pinto ng apartment nito at binuksan iyon. Lumapit siya upang makisilip. Pareho silang napaungol sa pagkadismaya nang makitang basang-basa na ang kama, lamesa at sahig nito. Mabuti na lang at walang tulo sa parte ng mga mga electrical appliances kung hindi ay tiyak na sira na ang mga iyon.
Napabuga ito ng hangin at pumasok. Nanatili siyang nakatayo roon. “Ah, Brett,” tawag niya rito.
Huminto ito sa akmang pagbubukas ng cabinet nito at lumingon sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata nila. huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Basang basa dito. Sa bahay ka na lang kaya muna magpatuyo? Kumuha ka na lang ng damit mo diyan tapos ibalot mo ng plastic. Hindi kumportable dito,” alok niya.
Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Nag-init ang mukha niya nang maisip niya na baka kung ano ang iniisip nito sa alok niya. “Kung ayaw mo bahala ka,” sabi na lang niya at tumalikod na. Patakbo siyang bumalik sa bahay nila.
Nakapasok na siya at naisara na ang pinto nila nang mapagtanto niyang mabilis ang t***k ng puso niya. Dahil sa tahimik na paligid ay naalala niyan wala nga palang ibang tao doon kung hindi siya lang. At inaya niya si Brett doon? Ano ba kasing sumanib sa kaniya at bigla niyang nasabi iyon?
Nakatayo pa rin siya roon nang mapaigtad siya sa pagkatakot sa pinto. Napalingon siya. Bigla siyang natensyon. Kinalma niya ang sarili bago marahang binuksan ang pinto. Kumabog ang dibdib niya nang makumpirmang si Brett nga ang nakatayo roon. Basa pa rin ito, may tuwalyang nakapatong sa mga balikat at kipkip ang nakaplastic bag na marahil ay damit nito. Saglit na walang nagsalita sa kanila.
“You are right. Hindi kumportable doon ngayon,” basag nito sa katahimikan. “Besides, I want to drink coffee pero walang kape doon,” dugtong pa nito.
Bahagya siyang ngumiti at nilakihan ang bukas ng pinto. “O sige, pag nakapagbihis tayo magtitimpla ako ng kape. Pasok ka. Ako muna ang gagamit ng banyo. Isa lang ang banyo dito,” aniya rito. Nang tumango ito ay tumalikod na siya. Mabilis siyang kumuha nang pamalit na damit sa kuwarto niya bago muling lumabas at nagtungo sa banyo. Nasilip pa niya ito sa may sala nila na nagpupunas ng buhok nito. Even doing that trivial thing, he looks gorgeous.
Nakatingin pa rin siya dito nang bigla itong napalingon sa kaniya. Napaigtad siya at pilit na ngumiti. “S-saglit lang ako,” aniya rito. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at mabilis na pumasok sa banyo.
Gusto niyang iuntog ang sarili niya sa pader. Bakit ba siya natetensyon ng ganoon? Bakit tila may inaanticipate siyang mangyari? Kailan pa siya naging ganoong babae?
“Aya, hurry up. I’m going to get a cold,” pukaw ni Brett mula sa labas.
Napabuga siya ng hangin. See? May mali talaga. Si Brett nga ay cool na cool lang. Kaya dapat ganoon din siya. “Oo na!” sagot niya at binilisan na ang pagshashower at pagpapalit ng damit.