CHAPTER 6

2368 Words
KUMPARA sa malamig na airconditioner ng lugar na iyon ay mainit ang mga labi at hininga ni Brett. Awtomatikong napakapit si Aya sa balikat nito dahil tulad ng dati ay nanlambot ang mga tuhod niya sa intensidad ng epekto sa kaniya ng halik nito. Mukhang naging hudyat iyon dito dahil ang isang kamay nito ay humaklit sa baywang niya at hinigit siya palapit dito habang ang isang kamay nito ay itinungkod nito sa lamesa. When his tongue licked in between her lips, she moaned and unconscioulsy opened her mouth. She gasped when she felt his tongue inside her mouth, tasting her, urging her to respond. Humigpit ang pagkakakapit niya sa mga balikat nito at ginaya ang ginagawa nito. He groaned and deepened the kiss. Kasabay nang paghigpit ng pagkakahawak nito sa baywang niya ay iniwan nito ang mga labi niya. Napaungol siya sa pagpoprotesta. Ngunit agad din iyong napalitan ng pagsinghap nang himbis na tuluyang lumayo ay lumapat ang mga labi nito sa gilid ng mga labi niya, pahagod sa pisngi niya pababa sa leeg niya. “Brett,” nausal niya nang may kakaibang init na lumukob sa katawan niya nang maramdaman niya ang mga labi nito sa leeg niya. His tongue leaving a trail of wet heat on her skin. Yumakap siya rito ng mahigpit. Then she felt him grow hard. Napabuntong hininga siya. Umangat na ang mukha nito at akmang muli siyang hahalikan sa mga labi nang biglang tumunog ang cellphone niya. Natigilan sila pareho. Papalakas ng papalakas ang tunog ng cellphone niya na nasa bulsa niya. Ringtone iyon na inilaan niya para sa mga magulang niya kaya sigurado siyang isa sa mga ito ang tumatawag sa kaniya. Bumuga ng hangin si Brett at isinubsob ang mukha sa balikat niya. Pagkuwa’y saglit na humigpit ang yakap nito sa kaniya bago kumalas at tumalikod na. “Answer your phone. It might be important,” anitong ibinalik ang atensyon sa mga folders. Natauhan naman siya at dinukot an cellphone niya. Nakita nga niya sa screen ng cellphone niya na ang kaniyang ina ang tumatawag. Saglit niyang hinamig ang sarili bago lumabas ng stockroom at sinagot ang tawag nito. Habang nagsasalita ito sa kabilang linya ay puro oo lang ang sinasagot niya. Hindi pa bumabalik sa normal ang takbo ng isip niya upang makapag-isip ng ibang maari niyang isagot. Dahil puro bilin at utos lang naman ang sinabi ng mama niya sa kaniya ay hindi na ito nagtaka na puro oo lang ang sagot niya. Hanggang sa matapos ang tawag at maibaba niya ang cellphone niya. Nakatayo pa rin siya roon nang maramdaman niyang lumabas na si Brett mula sa stockroom. Lumingon siya at nakita niyang tangan na nito ang maraming folders. “Nakuha ko na ang mga ito. We could go home now right?” tanong nito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong iisipin. Bakit ba tuwing pagkatapos siya nitong halikan ng ganoon ay parang wala lang rito kapag magkaharap na silang muli? Ni hindi man lang ito magpaliwanag kung para saan ang halik nito o kung may ibig sabihin ba iyon dito. Pero wala. Kagaya noong una siya nitong hinalikan, kinakausap na naman siya nito na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. Gusto niyang mainis at sigawan ito pero malakas ang pakiramdam niya na magmumukha lang siyang tanga kapag ginawa niya iyon. Tuloy napahinga na lamang siya ng malalim at sumagot. “Ah, oo. Pero kailangan kong dumaan ng Puregold. Malapit lang iyon dito. May pinapabili si mama.” Kumunot ang noo nito. “Nang ganitong oras?” tanong nito. Napatingin tuloy siya sa wristwatch niya. Alas siyete na ng gabi. Napabuga siya ng hangin. “You see, my parents are weird. Kapag may gusto sila gagawin nila nang hindi nag-iisip kung anong oras na. Kagaya ngayon. May gusto raw silang kainin for dinner at ang gusto nilang bilhin ko ay iyong sa supermarket. Hihintayin daw nila tayo,” sagot niyang nagpatiuna na sa paglalakad dahil bigla siyang nailang sa pagkakalapit nila ni Brett. Sumunod naman ito sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon. Ganoon din ito. Inayos nila ang mga folders at ipinatong sa lamesa nila at naghanda na sila sa pag-alis ng walang nagsasalita. Kahit nang naglalakad na sila patungo sa sakayan ay walang namagitang salita sa kanila. “Hey, where are you going?” basag nito sa katahimikan na ikinalingon niya. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. “Pwede na tayong dito maghintay ng taxi right?” tanong nito. “Ah, hindi. Malapit lang dito iyon kaya pag dumadaan ako ‘don hindi ako nagtataxi. Ang gastos ha. Magdyi-jeep lang tayo para otso lang ang pamasahe,” aniya rito. Lalong nagmukhang confused ang mukha nito. Napangiti siya. “Hindi ka pa nakakasakay ng jeep no?” Umismid ito ngunit lumapit naman sa kaniya. “Don’t even try to be sarcastic,” iritableng sabi nito. Natawa siya at nagpatuloy sa paglalakad. Para na nitong inamin na hindi pa nito nararanasang sumakay ng jeep. Sabagay hindi naman na siya nagtataka. He was afterall, a prince. Pumara siya ng jeep. Pinigilan niyang matawa nang sa pagsakay nila sa jeep ay alanganing pang sumakay si Brett. Nalukot pa ang mukha nito dahil nauuntog na ang ulo nito sa bubong ng jeep. May kaliitan kasi ang napara niya at likas kasing matangkad ito. Bukod doon ay hindi maalis-alis dito ang tingin ng mga pasahero. Kahit kasi simple lang ang suot nito ay iba talaga ang itsura at aura nito kaysa sa mga tulad nilang normal na tao. Nang makababa sila sa jeep ay saka lang ito muling nagsalita. “Riding something like that is uncomfortable,” komento nito. Sinulyapan niya ito. Nang makita niyang nakatingin ito sa kaniya ay napangisi siya. “Masyado ka kasing matangkad. Anyways, tingin ko rin hindi bagay sa iyo ang magjeep. Don’t worry magtataxi na tayo pauwi pagkatapos kong bilhin ang pinapabili ni mama. Teka nakapasok ka na ba sa supermarket na ganito dati?” tanong niya. Tinitigan siya nito. “You are mocking me aren’t you? Alam mong hindi ang sagot ko pero nagtatanong ka pa,” sabi nito. Lalo siyang napangisi. “Paano mo nalaman?” natawang tanong niya. Naningkit ang mga mata nito. Akala niya ay sisigawan siya nito pero nagulat siyan nang bigla itong ngumiti. “Dahil nakangiti ka ng ganiyan palalampasin ko iyan ngayon,” sabi nitong ikinamaang niya rito. Pagkuwa’y ginagap pa nito ang kamay niya. “Let’s go para makauwi tayo ng maaga,” sabi pa nito at hinatak siya papasok ng Puregold. Kumabog ang dibdib niya at napatitig na lang sa likod nito. Then something stirred inside her. Oh no, Am I falling in love with this impossible man? Natakot siyang sagutin ang tanong na iyon kaya pinili na lamang niyang ignorahin iyon.   KATATAPOS pa lamang ni Aya na mag-ayos upang pumasok sa araw na iyon at nagsusuklay pa lamang siya ng buhok niya nang lumabas siya ng kuwarto niya upang mag-almusal. Dumeretso siya sa kusina upang muling mapaatras nang makita niyang nakaupo sa may dining table nila si Brett at kasalukuyan nang umiinom ng kape kasama ang papa niya. Napalingon ito sa kaniya at hindi nakaligtas sa kaniya ang paghagod nito sa mukha niya pababa sa katawan niya. Bigla siyang nahiya. “Anong ginagawa mo rito?” naitanong niya kahit katawa-tawa iyon. Sa loob ng dalawang linggong pananatili nito sa apartment nila at pagtatrabaho nito sa departamentong pinapasukan niya ay madalas naman talaga itong nakikikain sa kanila. Gaya ng inaasahan niya ay bumakas ang amusement sa mukha nito at tumawa naman ang mga magulang niya. “Inaantok ka pa yata Aya. Maagang nagising itong si Brett kaya inaya ko ng dito siya mag-almusal. Hala umupo ka na,” sabi ng papa niya. Walang salitang humatak siya ng upuan sa hapagkainan. Muli niyang sinulyapan si Brett na nakatingin pa rin sa kaniya at may bahagyang ngiti sa mga labi. Saglit pa ay kumakain na sila. Sa loob ng isang linggong pananatili ni Brett sa lugar nila ay napansin niya na hindi na ito gaya noong unang dumating ito na maraming reklamo. Kahit sa opisina ay ginagawa rin nito ng maayos ang trabaho nito. Iyon nga lang, kahit ano yatang gawin nito ay hindi pa rin mawawala ang likas na class ng bawat kilos nito. Kahit anong gawin nito, kapansin-pansin na hindi ito basta-bastang tao. Oo at madalas pa ring may halong kaarogantehan ang pagsasalita nito pero ngayon ay hindi na siya naiinis dahil doon. Hindi niya alam kung nakasanayan na niya o narealize lang niya na minsan hindi naman nito intensyong maging arogante at ganoon lang talaga ito magsalita. Ang isa lang ipinagtataka niya ay sa lahat ng bagay na madalas nitong ireklamo noon, kahit kailan ay hindi niya ito narinig magreklamo sa pagkaing niluluto ng mama niya. Simple lang naman ang mga putaheng niluluto nito pero hindi niya ito nakitaang napipilitan lang ito kumain. Katunayan ay nauubos nito ang pagkain nito. Nang nakaalis na sila ng bahay at nakasakay na ng taxi papasok sa trabaho ay hindi na siya nakatiis na hindi magtanong dito. “Sanay kang kumakain ng masarap na pagkain pero napansin ko na mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkain ng luto ni mama. Tingin ko hindi ikaw ang tipo ng taong magiging considerate sa iba at pipilitin ang sariling kumain ng pagkain na ayaw mo. Kaya bakit lagi kang kumakain sa amin?” tanong niya rito. Kinunutan siya nito ng noo. “You think I’m not considerate?” Tinaasan niya ito ng kilay. “No.” Umismid ito. “Well, thank you very much.” Iniwas nito ang tingin sa kaniya bago muling nagsalita. “I like the taste of your mother’s cooking. Yes it’s simple and sometimes I almost could not believe such food exists but still it’s delicious. It has a taste of a warm home. Hindi pa ako nakatikim ng ganoong pagkain kahit kailan, since cooking is not one of my mother’s interest,” mahinang amin nito. Napatitig siya rito. Iyon ang unang beses na naringgan niya ito ng ganoong tono. Sanay siyang may halong kaarogantehan ang tono nito tuwing nagsasalita ito. Napahinga siya ng malalim dahil may naramdaman siyang init sa dibdib niya habang nakatingin siya rito. Hindi na lang tuloy siya nagsalita kahit sa ibang pagkakataon marahil ay magsasalita pa siya.    NASA loob na sila ng building ng Valencia Furnitures at patungo na sa panig ng opisina nila nang makita ni Aya na bumukas ang elevator. Napahinto siya dahil napahinto rin si Brett. Nanlaki ang mga mata niya nang lumabas mula sa elevator si lolo Mel kasunod si Lettie. Nagkagulatan pa silang magkaibigan nang mag tama ang mga mata nila. “Aya!” tawag niya rito at lumapit sa kaniya. Yumakap ito at humalik sa pisngi niya bago sinulyapan si Brett. “Brett,” bati nito sa binata. Dahil hindi nagulat si Lettie na makita roon si Brett ay nasiguro niyang alam na nito ang sitwasyon. Tumango at bahagyang ngumiti si Brett kay Lettie pero hindi nagsalita at bumaling sa lolo nito. “I heard you are doing good Brett,” bati rito ni lolo Mel. Namulsa si Brett at bahagyang ngumiti. Ngunit napansin niyang iyon ang normal na ngiting ibinibigay nito sa mga tao. “Yeah. So you could lift my punishment already. You see, I’ve learned my lesson,” sabi nito. Ngumiti si lolo Mel habang nakatingin kay Brett. Biglang kinabahan si Aya. “Kung gagawin ko iyan anong plano mong gawin?” muling tanong nito. Nagkibit balikat si Brett. “Go back to how my life used to be of course. May iba pa bang pwedeng gawin?” Umiling-iling si lolo Mel. “I know you would say that. Anyway, sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para patawarin kita. At mali ang akala mo Brett. You still havent learned your lesson. Hindi mo pa nakukuha ang tunay na dahilan kung bakit ko ito ginagawa sa iyo. Hindi mo pa naiintindihan ang pinakamahalagang aral na nais kong ituro sa iyo,” sabi ng matanda at bumaling sa kanila ni Lettie. Ngumiti ito sa kaniya. “Then, please guide this spoiled guy for me a little bit longer Aya. Give my regards to your parents for me. Tara na Lettie naghihintay na tiyak ang mga magulang mo sa iyo. Papasyalan natin sila ngayon hindi ba?” Saglit na nagpaalam ang kaibigan niya sa kaniya at muling yumakap sa kaniya. “Magkita tayo minsan ha? May sinabi sa akin si Jena,” bulong nito sa kaniya bago umalis kaagapay si lolo Mel. Napasunod siya ng tingin sa mga ito bago pasimpleng sinulyapan si Brett. Nakakunot ang noo nito. Ganoon ba katindi ang pagnanais nitong makabalik sa dati nitong buhay? Sabagay malabo namang hindi. Ang ganda ganda ng buhay nito bilang prinsipe ng alta sosyedad. “Parusa talaga sa iyo ang maalisan ng karangyaang nakalakihan mo na?” nasabi niya bago pa niya mapigilan ang sarili. Napalingon ito sa kaniya at saglit na napatitig bago nagsalita. “Do I really have a need to answer that?” sagot lang nito at tumalikod na. Nagpatiuna na ito papasok sa departamento nila. Kumirot ang dibdib ni Aya sa sagot na iyon ni Brett. Bigla ay naalala niya ang bagay na saglit niyang nakalimutan. Na hindi totoong parte ng mundo niya si Brett. Na kaya lamang niya ito nakakasama ay dahil sa isang parusa. Na hindi iyon permanente. Na kahit nakikita niyang nasasanay na ito sa mga gawain ng tulad niyang normal na tao ay siyempre gugustuhin pa rin nitong bumalik sa dati nitong buhay, sa mundong hindi siya kabilang. Napahawak siya sa dibdib niya. Bakit ba parang nais niyang maiyak sa itinatakbo ng isip niya? Sumagi sa isip niya ang sagot. Isa iyong ilohikal at imposibleng sagot na gusto niyang iwasan. Pero bigla niyang naisip ang ipinayo sa kaniya nila Lettie at Jena para daw maranasan niya ang pagmamahal na nararanasan ng mga ito. So she had to admit it to herself kahit na alam niyang wala iyong kahahantungang maganda– she was in love with Brett Hart Valencia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD