PUNO na ng amoy ng kape ang loob ng bahay nila Aya nang maramdaman niyang bumukas ang pinto ng banyo. Lumingon siya at nakita niyang naka-shorts at tshirt na si Brett. Basa pa rin ang buhok nito at kasalukuyan pa rin nitong pinupunasan.
“Where’s the blowdrier?” tanong nito sa kaniya.
“Nasa sala. Sandali at dadalhin ko na rin doon ang kape,” sabi niya rito. Tumango lang ito at lumakad na.
Pasimpleng sinundan niya ito ng tingin. Kanina nang pumasok ito ng banyo ay inabala na niya ang sarili niya upang hindi na siya makapag-isip ng kung anu-ano. Nablow dry na niya ang buhok niya, nailagay sa washing machine ang bata niyang mga damit at nagtimpla ng kape. Pero mukhang hindi pa rin nakatulong ang mga iyon upang tuluyang kalmahin ang sarili niya.
Paulit-ulit siyang humihinga ng malalim habang nagsasalin ng kape sa dalawang mug. Pagkatapos ay binitbit niya ang mga iyon sa magkabilang kamay at lumapit kay Brett na kumportableng nakaupo sa sofa habang hawak ng isang kamay nito ang blow drier at nakatutok sa buhok nito.
“O ito na ang kape,” pukaw niya rito at akmang uupo sa one seater na medyo malayo rito nang magsalita ito.
“What are you doing?” Lumingon siya rito. Nakatitig ito sa kaniya. “Do you really have to sit there? Come here,” utos nito. Tinapik pa nito ang espasyo sa tabi nito pagkatapos ay ipinatong ang braso nito sa hamba ng sandalan ng sofa.
Alam niya na sa normal na pagkakataon ay iismiran niya ito at sasagutin niya ng pabalang. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi niya magawang gawin iyon. Her body, mind and heart wanted to do something else. Humugot siya ng hangin bago tumalima. Umupo siya sa sofa na kinauupuan nito ngunit naglagay siya ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa.
Kinuha niya ang isang tasa ng kape at hinawakan iyon sa dalawang kamay. Pagkuwa’y tumingin siya sa labas ng bintana kung saan natatanaw pa rin niya ang malakas na buhos ng ulan. “Mukhang hindi pa talaga hihinto ang ulan,” basag niya sa katahimikan. Deretsong deretso ang pagkakaupo niya at iniiwasang sumandal dahil dama pa rin niya ang braso nitong nakapatong sa sandalan.
“Yeah. It’s cold even inside your house,” sabi nito. Tumango lang siya at sumimsim ng kape. Sandaling ang tanging tunog lamang na maririnig ay ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng bahay at ang tunog ng blow drier. “Aya, why are you so stiff? Masakit sa likod ang ginagawa mo,” puna nito.
“Okay lang ako. Inumin mo na ang kape mo bago pa lumamig iyan,” sagot niya rito na hindi pa rin ito tinitingnan.
Hindi ito nagsalita pero pinatay na nito ang blower. Pagkuway napaigtad siya nang bigla nitong hawakan ang mukha niya at iharap siya. Nang makita niya ang seryosong mukha nito ay muntik na niyang mabitawan ang tasa ng kape kung hindi lamang nito nahawakan iyon at nakuha mula sa kaniya. Inilapag nito iyon sa lamesa at hindi inalis ang tingin sa kaniya. Pagkuwa’y bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito sa isang ngiting nagpatayo ng mga balahibo niya.
“Why are you so tense?” mahinang tanong nito. Dahil bahagya nitong inilapit ang mukha sa kaniya ay naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya. Tila may nagkakarerang mga kabayo sa dibdib niya at hindi siya makagalaw. Bahagyang lumawak ang ngiti nito. “You are anticipating something arent you?”
Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. “Hindi no!” asik niya rito. “Bitawan mo nga ako,” aniya rito at tinangka itong itulak. Ngunit bago niya magawa iyon ay naunahan na siya nito. Humawak ang malayang kamay nito sa may bandang ulo niya at itinulak siya nito dahilan upang mapahiga siya sa sofa habang salo nito ang ulo niya. Hindi pa siya nakakahuma sa pagkagulat sa ginawa nito ay dinaganan na siya nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang matigas na katawan nito sa kaniya at maging ga dali na lamang ang pagitan ng mga mukha nila.
“I don’t want to. In fact, all I want is to be close to you. I want to feel your body against mine, I want to feel the heat coming from you, I want to smell your scent, I want to feel your breath against me, I want to hear your heartbeat. I want all of you. You know that right?” mahinang sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
Tila naumid ang dila niya dahil nakikita niya sa mga mata nito ang katotohanan sa mga sinasabi nito. Isa pa ay sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya ay hindi na niya magawa pang magsalita. Nang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya ay halos hindi siya humihinga. “And I know you want me too Aya. I can see it with the way you look at me. I can feel it in your skin,” pahina ng pahina ang tinig nito habang palapit ng palapit ang mukha nito sa kaniya.
Hindi siya kumilos bagkus ay pumikit siya upang salubungin ang mga labi nito. Tila kinonsidera nito iyon bilang pagsangayon niya sa nais nitong mangyari dahil saglit pa ay naramdaman na niyang lumapat ang mga labi nito sa kaniya. Nang gumalaw ang mga labi nito ay tuluyan nang nawalang parang bula ang lahat ng lohika sa utak niya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong pag-isipan kung tama ba o mali ang nangyayari, kung ano ang mas lohikal na gawin niya. Bagkus ay ninamnam niya ang matamis at mainit na mga labi nito at ginaya ang paggalaw niyon. Nais niyang madama nito ang nadarama niya sa ginagawa nito. Umungol ito ng gawin niya iyon. “Open your mouth,” utos nito sa paos na tinig habang nakalapat pa rin ang mga labi nito sa mga labi niya. Sinunod niya ito. In an instant, his kiss deepened.
Napaigtad siya nang maramdaman niyang nagsimulang humaplos ang isang kamay nito sa buhok niya, making her feel tingly. Pagkuwa’y ang isang kamay nito ay nagsimulang maglakbay sa katawan niya na tila ba kinakabisado nito ang bawat kurba ng katawan niya. Nag-iiwan iyon ng kakaibang haplos ng init sa bawat parte ng katawan niyang nadadaanan niyon. Pagkuwa’y napasinghap siya nang maramdaman niyang nasa ilalim na ng tshirt na suot niya ang kamay nito at humaplos sa dibdib niya. Saglit iyong pumisil ng marahan bago dumulas patungo sa bandang likuran niya. She felt her b*a hook snapped.
Awtomatikong lumiyad ang likod niya nang iangat nito ang tshirt niya. Walang kahirap-hirap na nahubad nito iyon mula sa kaniya. Nangikig siya sa lamig ngunit agad ding nawala iyon nang muling humaplos ang palad nito sa h***d niyang katawan. Pinakawalan nito ang mga labi niya at dumulas iyon sa pisngi niya, pababa sa leeg niya hanggang sa may dibdib niya. His lips left a trail of heat on her skin. She was on fire.
Ang mga sumunod na nangyari ay halos hindi na niya mawawaan. Her mind was clouded with tingly sensation, her heart screaming for him. Halos hindi niya maimulat ang mga mata niya dahil sa kakaibang pakiramdam na idinudulot sa kaniya ni Brett. Namalayan na lamang niya na nahubad na nito ang lahat ng suot niya at pinararanan na nito ng halik ang bawat parte ng katawan niya. At nang bigla itong lumayo sa kaniya ay napaungol pa siya ng pagpoprotesta.
“Open your eyes,” malambing na utos nito.
Kahit hirap siya ay sinunod niya ito. Nahigit niya ang paghinga nang makita niyang nakatayo na pala ito sa paanan niya, with nothing on. He was beautiful. She stared at him lovingly. Dati akala niya kapag nakakita siya ng lalaking walang kahit anong saplot ay mandidiri at mahihiya siya. Pero wala siyang nararamdaman alim man sa mga iyon. Nang umangat ang mga mata niya patungo sa mukha nito at nasalubong niya ang mga mata nitong may halu-halong emosyon ay napangiti pa siya rito. “Are you waiting for a compliment?” nagawa pa niyang sabihin.
Tumawa ito. Pagkatapos ay muling bumalik sa ibabaw niya. She gasped when he parted her legs and felt him against her. He was grinning. “Hindi mo ba ako bibigyan? I know you think I’m gorgeous,” ganting biro nito.
Sa kabila ng nararamdaman niyang sensasyon ay natawa pa siya. Kumapit siya sa mga balikat nito. “Masyado kang arogante Brett Hart Valencia. Ikaw nga diyan ang gandang ganda sa akin.”
Ngumiti ito at hinalikan ang mga labi niya. “You’re right. You are so beautiful,” usal nito. She smiled then gasped when she felt him enter her. Napahigpit ang pagkakapit niya sa mga balikat nito. He continued giving her wet kisses on her face, his hand soflty caressing her skin, as if trying to soothe her discomfort. May tila mainit na kamay ang humaplos sa dibdib niya nang sa kabila ng unang akala niya ay hindi siya nito minadali. He waited for her to get used to him, then moved slowly as if he was afraid of hurting her. She never thought she will ever see that soft side of him. At dahil doon ay lalong nagumapaw ang damdaming pilit niyang kinokontrol para dito.
“You are asking for a compliment right? Brett, you are kind, intelligent, well most of the times arrogant but sometimes like now, you are sweet you know. And okay, you are gorgeous,” mabagal na sabi niya sa pagitan ng pagsinghap tuwing mabagal itong gumagalaw.
Napatingin ito sa mukha niya. His eyes seemed to dance with desire and… was it love? Tama ba siya ng nakikita o naghahalucinate na siya? Ngunit nang ngumiti ito ay nawalan na naman siya ng pagkakataong isipin kung ano iyon. Ang mahalaga ay kasama niya ito sa mga oras na iyon.
Hinalikan siya nito kasabay nang pagbilis ng kilos nito. Then she felt it, that something inside her that wanted to explode. Napahigpit siya ng yakap dito at napasubsob sa leeg nito. Maging ito ay humigpit ang yakap sa kaniya. Para bang pareho silang may hinahabol at alam nilang malapit na nilang marating iyon. Then in a moment, when they finally reached that peak they were chasing for, everything around her faded. Nawalan na siya ng pakielam sa lahat maliban kay Brett, sa lalaking hindi niya akalaing mamahalin niya ng ganoon.
Walang lohika, walang analisasyon, bigla na lamang iyong dumating sa kaniya at kahit anong gawin niya ay hindi niya iyon magawang itaboy. Bigla, nawalan na siya ng pakielam sa maaring mangyari sa hinaharap. Ang mahalaga sa kaniya ay ang kasalukuyan, kung saan nasa mga bisig siya nito.
LUNES na naman kaya maaga na namang nagising si Aya upang maghanda sa pagpasok. Ngunit kung dati-rati ay tinatamad pa siyang bumangon kaagad ay iba sa araw na iyon. Maganda ang pakiramdam niya. Mas maaga pa nga kaysa karaniwang gising niya siya bumangon kaya walang pagmamadali ang kilos niya habang nag-aayos siya. Nang lumabas siya ng silid ay nakaayos na siya.
Naamoy na niya ang kape at almusal sa kusina kaya dumeretso na siya roon. Bahagya siyang napaatras nang makita niyang nakaupo na rin si Brett sa pwesto nito sa lamesa.
“Ang aga mo nagising ngayon Aya,” nakangiting bati ng papa niya sa kaniya.
“Oo nga ho eh,” sagot niya at muling sinulyapan si Brett. Nagtama ang mga mata nila. Ngumiti ito na halos nakapagpatunaw sa puso niya. Bahagya siyang gumanti ng ngiti at kumilos upang sana ay umupo sa dati niyang pwesto nang kaswal nitong hatakin ang isang silya na katabi nito.
Natigilan siya. Sinasabi ng mga mata nito na gusto nitong sa tabi nito siya umupo. Pero hindi kaya magtataka ang mga magulang niya kapag ginawa niya iyon? Wala pa silang sinasabi sa mga ito. Isa pa ay anong sasabihin niya? Kahit may nangyari na sa kanila ay wala naman silang napag-usapan kung ano na ang estado ng relasyon nila. Nawalan na siya ng pagkakataong magtanong. Paano ay pagkatapos ng nangyari sa kanila sa sala ay ilang minuto lamang ang lumipas at binuhat na siya ni Brett patungo sa silid niya. Ito rin ang nagsamsam ng mga damit nila sa sala. At dahil alam niyang hindi uuwi ang mga magulang niya ay siya pa ang nagsabi rito niyon. Tuloy hindi ito umalis sa tabi niya. They made love all night at lumipat lang ito sa apartment nito kahit ayaw nito ay dahil pinauwi na niya ito.
Tuwing naalala niya ang sandaling pinapauwi na niya ito ay laging nag-iinit ang gilid ng mga mata niya sa magkakahalong emosyon.
“Brett, umaga na. Hindi ka pa ba uuwi?” pabulong na tanong niya rito nang maalipungatan siya at matagpuan niya ang sarili niyang nasa mga bisig nito.
Humigpit ang yakap nito sa kaniya at isinubsob pa nito ang mukha nito sa leeg niya. “I don’t want to leave you,” usal nitong nagdulot ng masarap na init sa dibdib niya.
Umangat ang kamay niya sa buhok nito at marahang hinagod iyon. “Ayoko rin namang umalis ka. Kaso baka biglang dumating sila papa,” aniya rito.
Bumuntong hininga ito at lalong humigpit ang yakap sa kaniya. “Okay. Give me five minutes. I just want to hug you like this for a little longer.”
Hindi na siya nagsalita at hinayaan ito sa gusto nito. After all iyon din naman ang gusto niya.
“Aya, bakit hindi ka pa umupo nang makakain na tayo?” pukaw ng mama niya sa kaniya. Napakurap siya at muling tumingin kay Brett. Hindi pa rin nito binibitawan ang upuang nasa tabi nito. Huminga siya ng malalim at umupo doon. Nang sulyapan niya ito ay nakangiti na ito. Napangiti na rin tuloy siya. Pagkuwa’y tumingin siya sa mga magulang niya. Mukhang wala namang bakas ng pagtataka sa mga mukha ng mga ito. Katunayan ay kung umasta ang mga ito ay parang wala namang kakaibang nangyari para sa mga ito. Kung ganoon baka nagiging paranoid lang siya. Saglit pa ay magana na silang kumakain habang pasimple silang nagpapalitan ng sulyap ni Brett. Iyon ang pinakamasarap na almusal na nakain niya sa buong buhay niya.
“MAY kakaiba sa iyo.”
Napalingon si Aya sa komentong iyon ni Jena. Nagpunta siya sa opisina ng Designs Department upang mag-abot ng ilang papeles na kailangan ni Woody at dahil may kukunin din siya rito. Siya kasi ang assigned na magpunta ng factory nila kung saan ginagawa ang mga furnitures nila upang maginspeksyon.
“Ano namang ibig mong sabihin diyan?” tanong niya sa kaibigan niya.
Bahagyang naningkit ang mga mata nito at pinakatitigan siya. Pagkatapos ay bigla itong napangiti. “In love ka,” derektang sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya at napatitig dito. Lumawak ang ngiti nito. “Tama ako no? At palagay ko tama rin ako ng hula kung kanino ka in love. Gusto mo bang sabihin ko kung sino?” tudyo pa nito.
Nag-init ang mukha niya at pinanlakihan ito ng mga mata. “Wag na. Oo na tama ka na,” paingos na sagot niya.
Humagikhik ito. “So? Tama ba kami?”
“Saan?”
“Na kapag nainlove ka nakakawala ng logic at katinuan. Did you analyzed your situation with him o nawala na sa isip mong mag-analize?” tanong nito.
Saglit siyang natigilan dahil bigla niyang narealize na tama ito. Bumuntong hininga siya at ngumiti. “Oo nga. Tama kayo,” pagamin niya.