Isip bata
Nang pumasok kami ng bahay ay tahimik na naghihintay sa amin sina Papa at Mama sa hapag. Umupo nalang kami habang si Paris ay nanatiling walang suot na pang itaas.
Saan ba pinaglalagay ng lalaking ito ang damit niya? Nakakaasiwa kumain kaming nakahubad pa siya.
"Anak hinang ko pala ang damit ni Paris dyan lang sa sala kunin mo at yong maliit din na towel para pamunas niya. Nakalimutan ko pala iabot", sabi ni Mama.
Nakalimutan, parang sinadya niyo lang eh para ako kumuha. Itong nanay ko napakatamad talaga! Kung kailan nakaupo na lahat saka utusan. Joke lang!
Pumunta agad ako sa sala at saka kinuha ang mga iyon. Gusto ko sanang ihagis sa mukha ng Santong to pero sa harap kami ng mga magulang ko kaya dapat medyo sweet ako ngayon sa kanya.
Laking gulat ko na sumunod pala siya sa likod ko. Muntik na akong atakehin sa pagharap ko ay nakita ko siya.
"Eto na", kaswal kong sabi at iniabot sa kanya ang puting t-shirt at ang maliit na tuwalya.
"Tulungan mo akong isuot ito", seryoso niya pang sabi sakin na nakatitig.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Ano ka bata?", aski kong sabi sa kanya. Pinagtritripan ata ako ng ugok na to umagang umaga.
"Please! At hindi ko abot ang likod para punasan yong pawis. Can you?", balik lahad niya sa akin ng tuwalya sa akin.
Magpropotesta pa asana ako pero nilagay na niya sa kamay ko ang mga ito ng hindi ko tinanggap. Malakas akong napabuntung hiniga at tinggap nalang ito galing sa kanya.
"Talikod", mariin kong utos sa kanya.
Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi ko may pilyong ngiti pa sa labi. Dahan dahan kong pinunasan ang bandang gitna ng likod niya. Yon nga lang hindi ko maabot yong banda sa leeg pababa dahil sa sobrang tangkad niya. Pinaglihi ata to sa higante ni Tita Adi.
"Yumuko ka, hindi ko abot yang sa pinakataas mo", mataray kong sabi sa kanya.
Sinunod niya naman ang sinabi ko. Binilisan ko nalang ang pagnunas at naawa akonsa posisyon niyang nakayuko.
"Tapos na, magsuot ka na ng tshirt at kakain na, gutom na ako", mabilis kong sabi sa kanya.
"Nah, Isout mo muna sa akin to", nakangisi niyang sabi habang hawaka ng palapulsuhan ko.
"Akin na nga! Kalaking tao magpapasout pa ng damit!", gigil kong sabi at hinablot na ang t-shirt sa kanya.
"Baba! Bilis", matalim kong sabi sa kanya.
"Agad niya namang ginawa at sinuot ang ulo sa butas ng t-shirt ng may ngisi sa labi. Inirapan ko nalang ng matapos na kami. Iniwan ko siya at nauna nang maglakad pabalik sa hapag. Narinig ko namn ng munti niyang halakhak saka sumunod sa akin.
"Thank", sabi nito.
"Sa susunod maghanap ka nalang ng yaya okay?", matalim ko paring sabi sa kanya.
"Sungit! Do you have your period today?", pabirong sabi niya sa akin.
Bigla akong napahinto sa sinabi niya. Gusto ko siyang batukan! Itinaas niya nalang ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"I'm just kidding Miss", sabi niya ng malawak na nakangiti.
Payapa naman kaming kumain sa mesa. Yon lang ang kapatid kong tulog mantika hindi na muna ginising ni Mama. At malala pa inimbitan pa nila ang hinayupak na'to na pumunta ulit sa weekend pag walang ginagawa.
"Sure Tito, maybe we can play some board game next week. That would be fun!", massayang sabi ni Paris kay Papa.
Buong paguusap nila ay nakasimangot ako pero hindi ko lang pinapakita sa kanila iyon. Ito namang lokng De Luca. Ngiting ngiti kuhang kuha ang kiliti ng mga magulang ko.
"Hindi ka pa ba uuwi? Baka marami ka bang gagawin sa inyo, party o di kaya mag pahinga ka", sabi ko sa kanya ng mapag isa nalang kaming dalawa.
"If I want to rest, I will welcome naman daw ako sabi nina Tito dito. So, pwede akong magpahinga dito", kaswal na sagot niya sa akin.
"Ano bang trip mo sa buhay? Pumayag na akong magpapanggap na ganito tapos sinasabutahe mo din naman!", matalim kong sabi pabalik sa kanya.
"Kung may balak kang maglaro, wag sa akin. Hindi ako katulad ng mga babae mo", seryoso dagdag kong sabi sa kanya.
"Who said I'm playing here?", mariin din na balik tanong niya sa akin habang palapit.
"Whoever your source or if that's your instinct told you then you are wrong", matalim niyang sabi bago tumalikod at iniwan ako.
Pagkatapos noon sila nalang ni Papa ang nag usap, kung mappabaling sa akin parang galit o di kaya parang walang nakikita. O sige mali na yong pagkakasabi ko sa kanya ng ganyan. Pero anong magagawa ko eh yon talaga ang tingin ko sa kanya. Saka nunca na magbago yan, baka nababagot lang yan kaya gusto maglaro sa umpisa. Babaero nga naman. O sadyang nag overthink lang ako? Bahala na.
Dito na rin siya nagtanghalian pero hindi na ako din kinibo. Aba naman magtampo si Mamang Santo!
"Kuya Paris balik ka sa sabado laro tayo ng basketball", narinig kong sabi ni Atlas sa kanya.
"Sure, pero dapat magpractise ka ng maayos para matalo mo ako", mayabang na sabi niya sa kapatid ko.
Hindi ko na rin narinig ang pinagusapan nila at nakita kong dumiretso siya kina Papa.
"I'll go ahead Tito, I wish I can saty longer but I have stuff to do so", magalang na sabi kay Papa.
"It's okay hijo, we understand. Afterall you are busy businessman", sagot ni Papa sa kanya.
"Anak, pauwi na si Paris", imporma ni Mama sa akin.
Agad naman silang napabaling sa akin at lumapit nalang ako sa kanila. Bumaling ako kay Paris at ngumiti ng tipid sa kanya.
"Ako na po maghahatid sa kanya sa labas", sabi ko sa kanila.
Tumango silang dalawa at nauna na akong maglakad palabas pero humabol pa rin si Atlas sa paalala niya kay Paris kaya nahinto kami.
"Kuya sa sabado ha", sabi ng kapatid sa kanya.
"Atlas alam mo namang busy ang Kuya Paris mo at yon lang araw din ng pahinga niya", paalala ko sa kanya at tumingin kay Paris.
Nag iwas lamang ito ng tingin at sumimangot din ang kapatid ko sa akin.
"Okay, pag hindi ka nalang busy Kuya", matamlay na sabi ng kapatid ko.
Bigla nalang din akong naawa sa kapatid ko. Maliban sa ilang kaibigan, si Paris lang din ang nakasalamuha niya na medyo magaan ang loob. Ewan ko ba ba't ang sungit din nito sa ibang tao.
"I'll be back on saturday, don't worry. We'll gonna play basketball", siguadong sabi niya kay Atlas.
Malapad naman ngumiti ang kapatid ko at nagpaalam na rin.
Nang makarating kami sa labas ay tahimik parin siya. kay ako nalang ang nagsalita. Baka mapanis ang laway ko pag di ko na inunahan.
"Hindi mo naman kailangan paluguran ang mga maguang at kapatid ko. Kong may mga importanteng bagay kang gawin wag mo silang alalahanin. Maiintindihan ka rin naman sila", mahabang paliwanag ko sa kanya.
Mariin ang titig niya sa akin at umiigting ang pangang humarap sa akin.
"I will spend some time to them, I'll' be back on saturday. Besides I will spend my time to them, not to you", iritable niyang sabi sa akin.
"Whoah, relax mister! Ang sa akin lang naman-", hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita ulit siya.
"Then, it's not your problem. If you want to go out next weekend, go. Sila naman ang pununta ko hindi ikaw", marrin niyang sabi.
"Anong problema mo?", nakataas ang dalawang kamay ko sa kanya. Mangha sa pagiging iritable niya sa akin.
"Because you are pissing me off! Kanina ka pa kulang nalang itulak mo ako palabas. And to clear your accusation earlier I am not playing here. If I want to play,I won't play with you. My women are way better than you", mariing pagkakasabi niya sa kin. Pati leeg namumula.
Napaawang nalang ang labi ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na mababaw lang pala tamaan ang ego ng lalaking ito.
"Okay, I'm sorry about that. Sorry kung nasabi ko yon", sinsero kong sagot sa kanya.
"Tsk!", irap nya pa sa akin ngayon.
"O sige na, mag ingat ka sa pagmamaneho", yon nalang ang nasabi ko sa kanya.
"See? Hindi pa nga ako nakakapasok sa kotse ko, pinapaalis mo na ako", asik niyang baling sa akin.
"Eh nagagalit ka na, kalalaking tao matampuhin", sabi ko.
"Hindi ako nagtatampo, I'm pissed, magkaiba yon", sabi niya at aambang papasok na sa kotse niya.
"I'm going, tutal kanina mo pa ako pinapaalis", may halong talim na sabi niya.
"I did not said that", tangi ko sa kanya.
Matalim ulit siyang bumaling sa akin. Nasa loob na siya ng kotse at pinaandar. Nakasimangot pa, ang cute niya tignan. ang laking tao parang bata naman kong magtampo.
"Drive safely", huling sabi ko sa kanya bago niya pinaharurot ang sasakyan.
I never imagine him to be like that. I am used to see Paris De Luca serious, intimidating, snob and ruthless. Sa isang linggo ko siyang nakasalamuha parang ibang Paris ang nakikita ko. A childish one.
Sa mga sumunod na araw ay hindi kami nagkita pero nagsabi at nagtext siya na marami siyang gingawa sa kompanya niya. Inibala ko nalang din ang sarili ko sa trabaho at naging magaan naman, maliban nalang kay Ava na gustong makichismis sa buhat at s*x life ko. Minsan na guilty ako na may itinatago ako sa kanya. Ava is my bestfriend lagi ko siyang karamay at ganoon din siya sa akin. Pero kailangan kong gawin para sa ikakatahimik din ng lahat.
"Ano girl saan kayo nag s*x? Daks ba?", walang preono niyang tanong habang kumakain kami ng tanghalian.
Muntik ko nang maibuga ang pagkaing nasa bibig ko sa mukha niya. Kahit kailan talaga ang babaeng ito! Napakabastos ng bibig!
"Ava pwede bang hinaan mo yang bibibg mo, nakakaihiya baka marinig tayo ng ibang tao", sabi ko sbay lapit at bulong ko sa kanya.
"Atilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kami nag s*x. Para kang tanga eh", gigil kong sabi sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi na parang baliw. Inirapan ko lang din siya.
"So, intact pa ang bataan mo. Proud na proud ako sayo, wag na wag mong susuko yan ng basta basta ha", parang tangang sabi niya sa akin.
Kahit kailan talaga ang bababeng ito sarap sampalin para bumalik na sa katinuan ang pag iisip. At nakita kong papalapit itong si Gabe sa lamesa namin kaya binilisan ko ang pagtapos ng pagkain. Isa pa tong baklang ito sarap nilang paguntoging dalawa.
"Mauna na akong bumalik, may titignan lang ako. Magchikhan na muna kayo", sabi ko sabya tayo ng umupo na si Gabe sa tabi ni Ava.
"Hoy, teka lang- ", narinig kong sigaw ni Ava sa akin. Kumaway nalang ako sa kanilang dalawa.
Hay salamat naman at nakatakas ako sa mga lintik na dakilang chismoa at chismoso! Makapagpahinga na rin saglit. Pero nagulat ako sa nabungaran pagpasok ng opisina.
"Anong gingawa mo dito?", gulat kong tanong sa kompotableng Paris na nakaupo sa mesa ko. Parang hinihintay niya talaga ako.
"Di mo ba nakikita? Hinihintay kita", nakaismid niyang sagot sa akin.
"Oo, nakikita. I mean, bakit ka nandito at sa mesa ko pa talaga", sita ko sakanya ng makalapit na.
"Oh, you forgot that your boyriend's family ows this company. Ans your boyriend is the heir too, Miss", nakataas kilay niyang sabi sa kain.
Nga naman bat ko ba nakalimutan? Lalo na sa mayabang at babaerong to. I just rooled my eyes on him.
"Hey, don't rool your eyes on me. I can do that in other way", malisyoso pero seryoso niyang sabi.
Inirapan ko lang ulit siya at hinarap na.
"I don't have time to flirt with you Mr. De Luca. So tell me whya re you here and what do you want?", nakapamaywang kong tanong sa kanya.
Tinitigan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang amusement sa mga mata niya. Bigla tuloy akong naconscious sa ginawa niya. I just wear my simple corporate attire. A black skirt, white botton sleeve and a black corporate suit with my beige heels.
Nakahawak sa bibig niya habang nakatitig parin sa akin. Para bang lutang ang utak.
"Mr. De Luca! Hello!", medyo malakas kong sabi sa kanya.
"I hear you, I want to have lunch with you in the near by restaurant. I came late here dahil tinapos ko pa ang meeting with the new investors", paliwanag niya sabay tingn sa relo niya.
"Katatapos ko lang kumain, medyo busog pa ako", sabi ko sa kanya at totoo din naman iyon.
"Okay, just some dessert for you. Come on now", sabi niya at tumayo na.
"Pero patapos na break time, babalik na ako sa trabaho", tumingin ako sa otrasan namin.
"Baka pagalitan pa ako pag lumabas ako", dagdag na sabi ko sa kanya.
"I already told your head, pinaalam na kita sa kanya", kaswal na sabi niya sa akin.
"Let's go?", sabay lahad ng kamay niya sa akin.
"Uhmm wait", mabilis kong hinablot ang purse o at tinanggap ang kamay niyang nakalahad a rin.
"Akin na", sabay kuha ng bag ko sa balikat.
"Wag na, kaya ko naman yan", kabado kong sabi na hnaluan ang tawa. Parang iba na ang pakiramdam ko dito.
Pero wala na akong nagawa ng tuluyan niyang kinuha iyon at siya na mismo ang nagbitbit. Mahigpit niya paring hawak ang kamay ko palabas ng opisina.
"Bitawan mo muna ang kamay ko, mamaya nalang, ang daming tao", bawi ko sa kamay ko.
Mahigpit niyang hawak pa rin kaya hindi man lang nakalas. Kunot noo pa siyang tumitig sa akin. Pero nagpatuloy na kami sa paglakad.
"There's no need to hide it. They know that we are a thing. Kinakahiya mo ba ako?", seryoso niyang sabi pero hindi man lang lumingon sa akin. Diretso lang ang lakad niya at nagpatianod ako.
"Huh? I mean nahihiya ako sa mga tumitingin sa atin", palinga linga kong sabi.
Yong mga empleyado halos nabali na ang leeg sa kakalingon sa amin at sa mga nakakasalubong namin ay hindi nakatingin sa amin pero paglagpas rinig na rinig ang bulungan. Parang mga langaw!
Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa kotse niya. Mabilis niya namang pinaandar at umalis na kami. Gaya ng dati kumain lang naman kami sa isang mamahaling restaurant malapit sa building.
"Para akong tataba nito eh", pagkatapos kong kumain ng cake na hindi pa nakalahatian.
"You're skinny, you should eat more", komento nito
Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o hindi sa sinabi niya. Hindi naman ako kapayatan ah. Sabi nga nila ang sexy ko at maganda ang hubog ng katawan ko. Baka may depirensya lang to sa mata si De Luca.
"Sa pag kaalala ko hindi naman ako malnurish", iritado kong sabi sa kanya. Ewan ko ba, bigla nalang ako nag init sa sinabi niya.
Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin ngayon. Pero pagkatapos non umanagat ang gilid ng labi. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya. Apektado sa mga sinabi niya.
"I'm just kidding, but I like you to eat more", dagdag niya pa.
"You really want me to look like a whale huh?", pabulong kong sabi at alam kong rinig na ring niya din anamn.
""Bettter than that", pilyo niyang ngiti saka nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan ko nalang siya. Talagang nagutom na rin siya siguro dahil sa sunod sunod na subo niya.
"Ikaw ang dapat kumain ng marami, mukhang gutom na gutom ka. Baka mamaya puro ka trabaho", kaswal na komento niya.
"Hmmn, maybe you can cook me my lunch? What do you think?", nakangisi niyang tanong sa akin.
"Huh? Ano ka bata? Mag lulunch box ka papunta ng office mo? Baka pagtawanan ka ng mga makakita sayo, besides you can afford a fancy restaurant in a blink of an eye", diretsa kong sabi sa kanya.
"Eh di para makatipid ako", mabilis niyang sagot.
"Ikaw magtitipid? Kalokohan! Saka ang sarap magluto ni Tita Adi, doon ka nalang magpabaon", sabi ko sa kanya.
"What about you will cook me your favorite dish? Or yong mga kadalasan mong niluluto", seryoso niyang sabi ng nakatitig sa akin.
"At bibigyan mo pa talaga ako ng trabaho bago pumasok ah", matalim kong sabi sa kanya.
"C'mon that's how girlfriends do to theor boyfriends right? Prepare them their meal", hindi ppatalong sabo niya.
"Wow, bakit pinagluto mo ba ang mga naging girlfriends mo dati?", gigil na balik tanong ko sa kanya.
"Hindi. Kasi hindi ko naman sila girlfriend, they are just flings. Magkaiba yon", pagtatama niya pa.
Umismid ako sa sinabi niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin at para bang tuwang tuwa siya sa mga pinag uusapan namin.
"I will wait for my lunch box tomorrow then", pinal na sabi niya.
"Teka, wala pa akong sinasabi na ipagluto kita. Pumayag na ba ako?", sakristo kong sabi sa kanya.
"Why so nervous, you will just prepare me my simple lunch Lois. Your boyfriend", pinagdiinan niya pa ang huling mga sinabi.
"Fine, pero wag kang magrereklamo kung hindi masarap", irap ko sa kanya.
"Kahit sunog kakainin ko yan", pilyo niyang sabi mapalik sa akin.
"Ewan ko sayo! Bilisan mo na Boss at bumalik na tayo, marami pa akong tatapusin sa opisina" sabi ko sa kanya. Patapos na rin naman akong kumain ng inorder niyang dessert.
Hanggang sa bumalik kami sa building, ansa isip ko parin na ipaghahanda ko siya ng lunch bukas. Hindi naman kasali sa aggrement namin to ah, paano kaya kung singilin ko siya? Hinatid niya lang ako sa pinto ng opisina namin at nagpaalm na siya umalis.
Gaya ng dating eksena lumabs na naman ang mga chismoso at chismosa!
"Kaya pala nagmamadaking bumalik, may balak", parinig na sabi ni Ava habang nakangti ng malapad.
"May pinagusapan lang kami tungkol sa project", palusot ko sa kanya.
"Ha, nang kayong dalawa lang? Ano yan exclusive ng project niyong dalawa?", pabulong na sabi niya.
Tinignan ko nalamg siya at pinaikotan ng mga mata. Hinarap ko na rin ang computer at nagsimula na ng trabaho. Buti at tumahimik na rin si Ava.
Pagkarating ng bahay ay nag search pa ako kung ano ang lulutoin ko sa hinayupak na yon. Pwede naman sigurong adobo nalang, ang tanong kung may karne pa ba sa ref. Kaya naman pumunta na akong kusina para i check iyon. Meron naman manok, sausages at konting baboy. Bahala na! Kakinin niya rin naman at kapag hindi niya kainin ipapamukha ko talaga sa kanya! Baka mamaya maarte pala ang lalaking yon!
"Oh anak, bat gising ka pa?", tanong ni Papa sa likod ko.
Bahagya akong nagulat at sinarado agad ang ref.
"May tinignan lang po ako at nauuhaw na rin ako", sabi ko sabay kuha ng baso.
Nagpaalam na rin si Papa at pumasok na rin ako sa kwarto. Mag aalarm na rin ako ng mas maaga at matutulog na agad. Hanggang pagkarating ng umaga na nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti habang nagluluto ng pagkain ng isang Saint Paris De Luca.
Sana huwag sumakit ang tiyan niya.